"Ang cute ng anak mo, Cindy. Pero hindi ko akalaing kulugo ang tatay niya." Masaya kong sabi dito pagkakita sa anak niyang carbon copy ni Kyle.
Natawa naman ito dahil dun.
"Kaya alangan akong ipakilala siya nung una sa inyo dahil maiisip niyo talaga agad kung sino ang tatay."
Nandito kami ngayon sa mansyon ng mga Sandoval. Nagulat talaga ako nung nalaman kong may anak siyang three years old at si Kyle ang ama.
Kung hindi ako nagkakamali ay ito 'yung minsan na niyang nakwentong binibilhan niya ng gatas. Napakaliit talaga ng mundo.
Balita kong sinusuyo pa din siya ni Kyle hanggang ngayon. Chickboy ang loko pero marunong din palang magseryoso sa buhay.
Masaya ako para sa kanilang dalawa pero sana pahirapan pa siya lalo ni Cindy.
"Nasa'n 'yung mayabang mong boyfriend?" Tanong ni Kyle pagkalapit sa'min sa living room nila kung saan kami naguusap ni Cindy.
Binuhat din nito si Jasper, iyong anak niya kay Cindy, sa kandungan nito.
"Bakit, dedede ka?" Tanong ko sa kaniya habang nilalaro-laro pa ang cheeks ni Jasper dahil sobrang chubby ng batang 'to.
Sarap papakin at lapirutin!
"What the fuck, Sensen! Mahintakutan ka naman diyan sa sinabi mo."
"Oh, e bakit nga? Anong kailangan mo sa kaniya?"
"Masama bang tanungin kung nasa'n 'yung tatay ng tiyanak mo sa tiyan?" Nakasimangot nitong tugon.
"Sumusobra na talaga kayong mag-pinsan, ah. Hindi tiyanak ang anak ko!" Inis kong sabi sa kaniya.
Alam ko namang pet name lang nila 'yun sa anak ko pero ang sagwa at ang pangit pa ding pakinggan.
"Musta ang kaibigan kong loka-loka at ang baby tiyanak namin?" Nakangising bungad ni Cielo.
Isa pa 'to. Parehas lang talaga silang mag-pinsan! Sumimangot ako dito at hindi siya inimik.
"Uy, ang baby Jasper namin nandito din pala." Excited nitong tili pagkakita sa anak nina Cindy at Kyle.
"Ano'ng balak niyo nung Chase na 'yun?"
"What do you mean?" Naiinis ko pa ring tugon sa kay Kyle.
Bago pa ito magsalita ay sumabat na si Cielo.
"Hoy, mahal kong kaibigan. May pupuntahan tayo mamaya, ha. Bawal kang tumanggi," aniya.
"Bawal naman pala akong tumanggi, sinabihan mo pa ako. Edi sana kinaladkad mo na lang ako, di ba?"
"Sinasabihan lang kita para prepared ka, eto naman."
"Saan naman?" Tanong ko.
"Diyan lang sa may court sa barangay. Dahil may pa-liga sila ay dapat nandun din tayo."
"Dapat ba 'pag may pa-liga ang barangay ay nandun din tayo, sino nakaimbento niyan?" Papilosopo kong tanong.
"Huwag ka ng maraming tanong, nandoon din naman sila Cindy e," aniya sabay sekretong tumingin kay Cindy.
"Ah, oo. M-Mukhang nahihilig kasi itong si Jasper sa basketball kaya gusto ding manood."
May naaamoy ako na kung ano sa kanila pero sige sasabay ako sa kung anumang kabaliwan na naman ni Cielo.
Tutal, busy naman 'yung isang unggoy. Maglalamyerda muna ako, baka marami ding pagkaing tinda sa gilid ng court maya-maya.
Iniisip ko pa lang 'yun ay naglalaway na ako.
BINABASA MO ANG
INTO YOU (COMPLETE)
RomanceEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 |R-18+| BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also produce his own heir someday...