CHAPTER 4

2.5K 39 2
                                    

Ayon dito sa impormasyong isinend sa email ko nung Anna kanina ay nasa suite number 304 yung taong magrereceive nito. Nagdesisyon akong pumasok na sa elevator nang matapos na ito ay nang makauwi na rin.

Pinindot ko ang palapag kung saan matatagpuan ang kwartong iyon pero bago ko pa mapindot ang close button ay may isang matandang babaeng prenteng naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.

Bakas mo sa awra at itsura niya ang pagka-elegante. Nakasuot siya ng white dress suit na umabot hanggang binti niya at napapatungan din ng black windbreaker coat.

Ang suot niya sa paa ay isang pointed closed toe black sandals na siyang bumagay sa damit niya. Nakapalibot din sa leeg nito ang isang pearl necklace.

'Di mo maipagkakamaling genuine and authentic 'yung kaniya kung ihahalintulad ko siya dun sa nabili lang ni Mama sa tiangge nung nakaraang taon para sa birthday niya.

"Mayaman siguro ito," isip-isip ko.

'Di nakatakas sa'kin ang mga puti na niyang buhok, maiksi ito na umabot lang hanggang sa batok at leeg.

Pansin ko din ang mga wrinkles sa kanyang mukha na lalong naging halata habang lumalapit siya sa pwesto ko.

Agad-agad kong pinindot muli 'yung open button para manatiling bukas ang elevator hanggang sa makapasok siya.

"Thank you , hija." Malumanay niyang turan habang nagpapasalamat.

"Wala po 'yun. Hindi naman po akin 'tong elevator e kaya marapat lang na shineshare ito sa ibang gagamit," tugon ko sa kanya habang naiilang pa dahil napapansin kong sinisipat din niya ako.

"How nice of you, hija. By the way, what's your name?"

"Hannah Serendipity Lopez po, ma'am, pero Sensen na lang." Magalang kong sagot sa kaniya.

"What a beautiful name. Do you have a boyfriend, hija?" Tila interesadong tanong niya sa'kin .

Naguguluhan man pero sinagot ko siya ng matapat. "Wala po e. Since birth!" Napahalakhak pa ako dahil baka maunahan niya ako sa pagtawa.

Alam ko namang katawa-tawa sa karamihan 'yung kawalan ko ng karanasan sa bagay na iyon sa edad kong ito.

Naramdaman kong gumalaw na ang elevator pero hindi pa pala niya nababanggit sa'kin kung saang palapag siya.

"Ah, ma'am, saang floor po kayo para mapindot ko po dito?" Tukoy ko sa mga buttons sa gilid ng pintuan ng elevator. Para na din maiba ko ang usapan.

"I will be on the same floor as you." Nakangiti niyang sagot sa'kin.

"If you don't mind me asking hija, what are you doing in this kind of place?" Maingat niyang tanong sa'kin. Para din siyang kinakabahan sa anumang isasagot ko.

"Ah, dahil po sa trabaho kaya ako nandito. May i-dedeliver lang po ako sa isa sa mga suites dito sa hotel tapos uuwi na din po ako." Magalang ko pa ding sagot sa kaniya habang bahagya ko pang inaangat 'yung package na nasa mga braso ko para alam niya 'yung tinutukoy ko.

"I see. I'm sorry for being rude to you, Sensen; I think I haven't introduced myself yet." Nag-aalalang sabi niya na ikinagulat ko naman.

Sino ba ako para hingan niya ng sorry?

Okay lang naman sa'kin yun, madalas naman akong nakakausap ng mga tao sa daanan na hindi din nakakapagpakilala ng mga sarili nila sa'kin.

"Naku, hindi po ma'am. Okay lang 'yun," sabi ko sa kaniya habang shineshake ko pa 'yung mga kamay ko left and right para lalo niyang maintindihan na wala sa'kin 'yun.

"My name is Ofellia Montello. It's nice meeting you Sensen." Nakangiti niyang turan sa'kin.

Namilog agad 'yung mga mata ko pagkabanggit niya nung apelyido nito. Ibig kasing sabihin nun ay baka siya din ang may-ari ng hotel na 'to. Lalo tuloy akong nahiya at nailang sa kaniya kasi alam kong hindi basta-basta ang taong kaharap ko ngayon.

INTO YOU (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon