Pagkatapos kong magligpit ng higaan sa aking kwarto ay tuluyan na akong lumabas kahit alam kong hindi pa ako nagsusuklay man lang ng buhok.
Kung gagawin ko pa kasi iyon ay tiyak na mahuhuli na ako sa trabaho. Paglabas ko sa kwarto ko ay nadaanan ko pa si Papa na nakaupo sa kaniyang wheel chair habang nagbabasa ng dyaryo sa may sala.
"Good morning, Pa," bati ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang pisngi.
"Magandang umaga din sa pinakamaganda kong anak. Partida at wala pang suklay yan ah," ganting bati niya na may kasamang biro sa'kin.
"Alam ko na yun, Pa, dahil wala ka naman ng ibang anak na babae kundi ako lang, 'di po ba," sabi ko sa kaniya habang pabiro ko ding pinapaliit ang aking mga mata.
"Unless may anak kayo sa labas, dun lang ako magkakaroon ng kakumpetensya sa ganda," patuloy kong pagbibiro sa kaniya.
"Ano ba iyang pinagsasabi mo, Sensen?" Biglang sabat ni mama sa may likuran ko. Napatayo tuloy ako.
"Kailanman walang naging iba ang iyong ama, ako lang! Sa ganda kong 'to?" Pagbibida ni mama sa kaniyang sarili.
Napakamot na lang ako sa noo habang nakikinig kay mama.
"Halata naman sa ebidensya, Samuel. Tignan mo ang iyong panganay na si Sensen. Lumaking maganda at nakuha din niya ang mala-dyosa kong ganda at kurbado kong katawan noong araw," patuloy na pagbibida ni mama.
"Nakuha din niya ang kutis ng iyong balat, Virgie. Kasing puti ng mga ulap sa langit." Nangingiting sabi ni Papa habang hawak-hawak ang mga kamay ni Mama.
Bigla namang lumamlam ang mga mata ni Mama mula sa narinig niya kay Papa. Halata naman na mahal na mahal pa din nila ang isa't-isa. Napakadaming pagsubok na din ang dumating sa buhay namin pero proud ako sa mga magulang ko na nanatiling matatag at nagmamahalan.
"Mamaya papaliguan kita Samuel," tugon ni mama habang ang lagkit ng tingin kay Papa.
"Gusto ko 'yon, Virgie. Mamaya na siguro pag-alis ng mga bata."
Biglang tumaas lahat ng balahibo ko sa kamay. Hudyat na din 'yun para umalis ako sa sala at bigyan sila ng privacy.
Alam ko naman na nagmamahalan silang dalawa pero dapat bang gawin nila iyon sa harapan ko?
Alam kong matanda na ako at nakakaintindi na ng mga bagay na ganun pero kahit twenty-five na ako ay inosente pa din ako sa mga bagay na ganun.
Jusme!
Nakakanood naman ako ng mga adult scenes minsan sa mga movies pero kahit doon nagtatayuan pa din ang mga balahibo ko.
Dahil ba wala pa akong naging karanasan man lang sa larangang iyon?
E, paano naman kasi ako lalandi kung ang aga-aga kong namulat sa buhay sa pagbabanat ng buto.
Kung sabagay, kahit nung high school ako ay may mga nanliligaw din naman. Pero ni isa ay wala akong sinagot dahil ang katwiran ko, magkakaroon din ako ng jowa kapag nakatapos na ako ng pag-aaral.
Mukhang napapaghulihan na nga yata ako ng panahon dahil malapit nang mawala ang edad ko sa kalendaryo pero heto at NBSB pa din ako. Hindi din naman kawalan sa akin dahil sa laki ng responsibilidad ko ngayon sa aking pamilya.
Nagpatuloy na ako ng lakad hanggang sa kusina at nadatnan ko sa hapag-kainan ang pangatlo at bunso kong kapatid na si Seth at Baste. Dinig ko pa ang usapan nila pag-upo ko sa hapag-kainan.
Hindi naman kalakihan ang dining table namin at hindi din maliit dahil kasya kaming anim doon. May anim na ding upuan 'yun. Dito lang kami madalas nakakapagusap-usap dahil puro mga abala din sa pag-aaral at trabaho.
BINABASA MO ANG
INTO YOU (COMPLETE)
RomanceEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 |R-18+| BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also produce his own heir someday...