Limang minuto na ang nakakalipas mula noong tumigil kami sa tapat ng isang gusali. Kung tatantyahin ko ito ay mayroong sampung palapag ang building na ito.
May kalayuan ang kinatatayuan ng building sa lokasyon ng mga bahay sa loob ng lugar na ito kaya naman kakailanganin pa din ang paggamit ng isang sasakyan.
Nakamamangha ang lugar na ito dahil halos nandito na lahat ng kailangan ng mga taong nakatira dito.
Wala pa pala ang mga lugar at bagay na nakita ko kanina dahil marami pang nakakatuwang bagay ang nandito katulad na lang ng isang self-service supermarket kung saan ikaw mismo ang mamimili ng mga kailangan mo.
Mayroon na ding POS (point of sale) terminal doon kung saan mo iswa-swipe ang nakatalagang eksklusibong card ng bawat miyembro ng organisasyon upang ma-charge dito ang mga pinamili nila.
May isang malaking boutique din dito na pwedeng pamilihan ng mga miyembro. Ang kwento ni Chase ay every week may pumupuntang officer para i-check ang mga facilities dito sa loob ngunit pili lamang ang nakakapasok dito dahil sa mahigpit na security ng organisasyon.
Nadaanan din namin ang isang napakalaki at napakalawak na soccer field at isang basketball court para sa mga miyembro na gustong maglaro at maglibang dito. Laglag ang aking panga habang isa-isa kong nasisilayan ang mga pasilidad sa loob ng organisasyon nila.
Nakatulong din ang pagkikwento sa'kin ni Chase tungkol sa mga ito kaya mas lalo kong naintindihan ang sistema sa lugar na ito. Napakagaling ng lider nila upang maitayo ang isang organisasyong ganito. Balita ko ay marami ding natutulungan ang mga ito dahil 0.5% ng kabuuang kita ng bawat miyembro kada taon ay napupunta sa mga beneficiaries ng organisasyon.
"Ready?" Tanong niya sa'kin pagkatapos niya akong pagbuksan ng pintuan sa sasakyan.
Tango lang naman ang naitugon ko sa kaniya dahil sa totoo lang ay kinakabahan ako. Hindi ko naman kasi kilala ang mga taong 'yun. At saka sa pangalan pa lang ng organisasyon nila ay alam kong mga bigating tao sila katulad ni Chase.
"You'll be okay. Just always stay beside me while we're there. They can go crazy sometimes, but they're all good people." Pagpapagaan nito sa loob ko bago ako halikan sa mga labi.
Parang isang mahika naman 'yun sa akin para mabawasan ng kaunti ang aking kaba sa dibdib. Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang lumabas ng sasakyan.
Iniangkla ko ang aking kanang braso sa kaliwang braso ni Chase. Dire-diretso kaming pumasok sa loob ng gusali at sumakay ng elevator papuntang rooftop ng building na ito.
Bago namin marating ang roof top ay may isang pintuan muna kaming dadaanan. Binuksan ito ni Chase at agad yumakap sa aming mga katawan ang malamig na simoy ng hangin.
Alas otso na din ng gabi at dala marahil ng mga punong nakapaligid sa lugar na ito kaya malamig pagsapit ng gabi.
"That's Chase for you, fuckers!" Sigaw nung isang lalaking medyo bulky ang katawan habang ang iba sa kanila ay pinapaputok ang kani-kaniyang hawak na confetti poppers patungo sa direksyon ni Chase.
Nagsiliparan ang mga confetti at dahil katabi ko lang naman si Chase ay pati ako naulanan din nito. Dinig ko ang kantiyawan nilang lahat bukod sa isang lalaking nakaupo lang sa isang king chair habang umiinom sa kaniyang wine glass.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa iba. Bahagya akong napahiwalay kay Chase dahil agad siyang dinumog ng mga ito. Ang iba ay sinakyan siya sa likod habang nagkakantiyawan pa din.
"Who would fucking believe that out of all the amorous lads here, it was the nerd who first got his woman?" Sigaw nung isang lalaking asul ang mata at may kulay brown na buhok.
BINABASA MO ANG
INTO YOU (COMPLETE)
RomanceEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 |R-18+| BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also produce his own heir someday...