CHAPTER 15

2.1K 30 4
                                    

"Good evening, Sensen!" Masayang bati sa'kin ni Cindy pagkakita namin sa isa't-isa.

Katulad ko ay nakabihis na din ito. May limang minuto pa naman bago ang time namin sa trabaho pero lumabas na din kami para maasikaso 'yung mga ibang gagawin sa bar.

"Magandang gabi!" Bati ko din sa kaniya.

"Hinatid ka ba ulit?" Maya-maya ay tanong niya habang nag-aayos kami ng mga lamesa at upuan.

"Ha?" Nagtataka kong tanong.

" Iyong boyfriend mo kanina." Nakayuko niyang sabi habang may pinupunasan siya sa lamesa.

Inisip ko naman kung sino ba 'yung boyfriend kong sinasabi niya. Si Chase lang naman ang boyfriend ko kuno— sa kanya nanggaling 'yun, pero hindi naman ako hinatid kanina. Nanlaki na lang ang mga mata ko nung naalala 'yung taong naghatid sa'kin kanina.

Eh, si Kumag lang naman 'yun, ah!

"Si Kyle ba ang tinutukoy mo?"

"Siya nga," tugon naman niya.

"So, kilala mo pala talaga siya?"

Bigla namang umangat ang tingin niya sa'kin at tila may gulat din itong ekspresyon sa mukha.

"Kakasabi mo lang sa'kin ang pangalan ng kasama ko kaninang umaga," sabi ko sa kaniya pagkakita ko nung reaksyon nya.

"Hindi sa ganun, Sensen. Pasensya ka na, hindi sa interesedo ako sa boyfriend mo pero ang totoo ay kilala ko talaga siya. Isang beses lang naman 'yung pagkikita naming iyon kaya huwag mo masyado pakaisipin." Natataranta niyang paliwanag sa'kin.

Bigla naman akong natawa dahil dun. Ang alam pala talaga niya ay boyfriend ko ang kumag na 'yun. Halos maluha ako sa kakatawa dahil dun. Nagtataka naman niya akong tinignan na parang may mali sa'kin.

"Sorry, 'di ko lang talaga mapigilang tumawa," sabi ko sa kaniya habang tumatawa pa din.

Hinawakan ko na nga 'yung tiyan ko dahil parang sumasakit na ito.

Nagyuko naman siya ng ulo dun sa sinabi ko. Dun ko na itinigil ang pagtawa at hinawakan ko din ang magkabilang balikat nito bago ko siya ipinaharap sa'kin.

"Cindy, hindi ko boyfriend ang kumag na 'yun." Pagtatapat ko sa kaniya.

"Kaibigan ko 'yun simula noong high school pa lang kami. Napapansin kong may something talaga sa inyong dalawa e," sabi ko sa kaniya habang salo ng kamay ko 'yung baba ko.

Natigilan siya pagkarinig nu g mga sinabi ko, siguro dahil hindi pa din siya makapaniwala dun. Anuman ang namamagitan sa kanila ni Kyle ay hahayaan ko sila dun. Medyo nakabawi lang siya nung tinawag ako ni Eloy mula sa bar counter.

"Paano, diyan ka muna Cindy at lalapit lang ako dun," wika ko sa kaniya habang pinipisil-pisil pa ang magkabilang balikat nito para lalo siyang magising at matauhan sa kasalukuyan.

"Pasensya ka na at may naisip lang ako," aniya.

Tanging ngiti lang naman ang naging tugon ko bago ako umalis papuntang counter.

"Hannah, dalhin mo 'to sa table six. Pangalan mo ang nirequest na maghatid niyan sa kaniya." Utos sa akin ni Eloy sabay turo nung taong nag-order nun.

Isang babaeng nakatalikod ang nandoon. Umaalon-alon ang buhok niya na parang nakita ko na sa iba dati. Bago ko pa maisip kung sino ay nilapitan ko na agad 'yung table para ihatid ang kaniyang order.

"Here's your order, ma'am. Let me know if you need more," sabi ko sa babae habang nakayuko at nilalapag ang kaniyang margarita.

"So this crappy place is your workplace." Narinig kong sabi nung babae.

INTO YOU (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon