CHAPTER 5

2.8K 39 3
                                    

Lumabas ako sa suite ni Granny pagkataboy niya sa'kin. Hawak 'yung package sa kamay ko ay tinunton ko ulit 'yung corridor hanggang sa marating ko iyong tamang kwarto.

Nang tumapat ako sa pinto ay parang may narinig akong bagay na tumama sa isang metal. Medyo kinabahan ako dahil dun.

Paano 'pag may nagpapatayan na pala sa loob ng kwartong 'to?

Diyos ko! Ayaw ko pang madamay dahil kailangang-kailangan pa ako ng mga kapatid at magulang ko.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako nagdesisyong kumatok. Nanginginig pa ang kamay ko habang kumakatok. Pero kahit ilang katok ko na ay wala pa ding nagbubukas ng pinto o kahit sumasagot man lang mula sa loob.

Hindi kaya patay na ang mga tao sa loob?

Bago pa man ako mag-isip ng karagdagang bagay sa isip ko qy binuksan ko na ang pinto. Naglakbay agad ang mga mata ko sa loob ng kwarto. Kulay abo ang pintura sa mga dingding nito at bumagay dito ang mga paintings na nakasabit sa loob.

Ang hilig-hilig naman yata ng hotel na 'to sa mga paintings.

May isang malaking kama din akong nakita na napapagitnaan ng dalawang mini drawers. Meron din isang mahabang sofa sa paanan ng kama.

Dumako ang mga mata ko doon sa puting kurtina sa may bukana ng terrace sa kwartong ito. Tila sumasayaw ito dahil sa hangin na pumapasok sa loob ng kwarto.

Dahil din doon ay nakita ko ang isang anino ng isang matangkad na lalaki. Nakatalikod siya at may suot na puting roba.

"Ah, sir. Pumasok na po ako. Pasensya na po kasi kanina pa po ako katok nang katok pero walang sumasagot." Nagaalangan kong sabi sa lalaki.

"Ah, e, sir mawalang galang na pero nandito ako para magdeliver ng package niyo po," dadgdag ko pa.

Kinakabahan ako nang kaunti kasi nakatayo lang siyang parang estatwa doon.

Paano 'pag mamamatay tao pala 'to? Naku, lagot na Sensen! Mamamatay ka nang di man lang nakakaranas ng langit!

"Paki-received na lang po at papir —, " Hindi ko na naituloy 'yung sasabihin ko dahil biglang humarap iyong lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko at bigla na lang akong napasigaw pagkakita sa roba niyang puro mantsa ng dugo. Halatang-halata 'yung dugo doon dahil puti ito.

Hindi na ako nakapag-isip pa ng iba kaya agad akong lumapit sa kaniya. Hinawakan ko iyong kanang kamay nito na may bakas ng dugo. Ang iba dun ay nasa roba na niya.

Pagkahawak ko sa kamay niya ay naramdaman kong napatigil siya at parang may pinipigil din siyang kung ano. Naririnig ko ang mga mabibigat niyang paghinga pero hindi naging dahilan iyon para tumigil ako.

"Wait lang po, sir. Ang alam ko ay may mga first aid kits sa mga kwarto sa hotel na ito, e."

Binitawan ko muna ang kamay niya at dali-dali kong hinanap 'yung kit hanggang sa nakita ko iyon sa isa sa mga drawers.

Kinuha ko agad iyon at dinala sa kaniya na nakaupo na pala sa sofa. Maigi din 'yun para madali kong magamot ang kamay niya. Natataranta pa ako nung umupo ako sa sofa.

Ipinatong ko na lang 'yung first-aid kit sa aking kandungan para madali kong mahanap 'yung mga kakailanganin ko sa panggagamot sa kaniya. Kinuha ko 'yung bulak, gasa, alcohol at Betadine.

Una ko munang nilinis ang mga sugat niya gamit iyong bulak na may alcohol. Alam kong masakit ito kaya maintindihan ko anumang reaksyon nito, pero nagkamali ako dahil nakailang dampi na ako nung bulak na may alcohol sa kamay niya ngunit wala akong nakuhang kahit kaunting reaksyon man lang mula sa kanya.

INTO YOU (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon