CHAPTER 13

2.1K 32 0
                                    

"Are you okay?" Parang nanantya si Kyle habang tinanatong niya iyon sa'kin.

"Oo naman, bakit hindi?" Sinamahan ko ng kaunting sigla 'yung boses ko para 'di naman ako magmukhang pathetic sa harap niya.

"It's okay, Sen. Admitting to yourself that you're hurting was the first step to moving on," ani Kyle habang nakatingin lang sa harapan.

"You don't need a guy like him." Pagpapagaan niya sa loob ko.

"Walang kaso 'yun, Kyle. Kakakilala pa lang naman namin kaya hindi pa ganun kalalim ang attachment ko sa kaniya." Pagsisinungaling ko sa kaniya dahil kahit pa sa maliit na panahon lang kami ni Chase nagkasama ay natutuhan ko ding magustuhan siya.

Parang mas higit pa nga yata doon dahil iba na ang nararamdaman ko ngayon. Parang may sumasaksak ngayon sa loob ko dahil hindi ko matanggap ang mga tagpong nasaksihan ko kanina.

Bigla ko na lang naramdaman ang mga daliri ni Kyle sa aking mukha. May parang tinatangal siya doon. Tumingin ako sa kaniya nang may nagtatakang mukha.

"Go on, cry all you want. You can even shout here, Sen. Kung dito lang gagaan ang pakiramdam mo, do it." Panghihikayat pa niya sa'kin.

Hindi ko alam na basa na pala ang aking pisngi dahil sa mga luhang bigla na lang tumulo mula sa aking mga mata. Dun ko napagtanto na parang nawawala na yata ako sa aking sarili. Kaya naman ay agad kong pinunasan ang mga ito sa mukha ko tsaka ko hinarap si Kyle.

"Okay ako, Kyle. Huwag kang magalala, sisiw to sa'kin." Kinindatan ko pa siya habang sinasabi 'to.

Kailangan kong bumalik sa dating Sensen na matapang at matatag sa mga hamon ng buhay. Ngumiti lang naman siya sa'kin na parang hindi pa din naniniwala.

Medyo matagal na pala kaming nakatigil lang sa gilid ng daanan malapit sa bar restaurant na pinagtratrabahuan ko. Nag-alis siya ng tingin sa'kin at tinignan ang labas.

"Dito ang trabaho mo?" Nakakunot pa ang noo nito habang nagtatanong.

"Oo, pansamantala lang muna habang wala pa akong ibang napapasukan." Mahina kong sabi sa kaniya.

Para kasing unang suyod ng tingin pa lang niya sa bar na ito ay iba agad ang naiisip niya.

"Huwag kang masyado mag-isip ng kung ano dahil waitress lang ako diyan," sabi ko sa kaniya para matanggal niya kung anuman ang hindi magandang bagay na naiisip niya ngayon.

"Wala akong sinasabi." Maikli niyang sagot.

"Sige na, five minutes na lang at time ko na." Paalam ko sa kaniya habang nagmamadali akong buksan 'yung pintuan ng sasakyan nito.

"Susunduin kita dito bukas ng maaga." Seryoso niyang sabi sa'kin.

Sumangayon na lang din ako para wala ng mahabang diskusyon pa. At least, malilibre na ako sa pamasahe. Pagdating ko sa locker area ay agad akong pumasok sa maliit na espasyo sa gilid para makapagbihis na.

"Ikaw ba 'yung Hannah?" Dinig kong tanong ng isang kapwa kong waitress din.

Hindi ko namalayan na may nakapasok na pala. Parang lutang at lumilipad pa din yata ang isip ko tungkol sa nangyari kanina. Pag-angat ko ng tingin sa kaniya ay napansin kong nakabihis na siya kasama nung mga ibang kasamahan namin.

Maganda din ito at parang may pagka-agresibo. Medyo makapal ang make up niya pero sadyang bumagay naman ito sa kaniya.

"Ako nga," tugon ko sa kaniya habang siya naman ay panay lang ang suyod sa aking itsura mula ulo hanggang paa.

"Maganda ka nga pero ito ang tandaan mo dahil hinding-hindi mo kami mauungusan sa trabaho. Matagal na ako dito at hindi ako papayag na ang isang kagaya mong baguhan lang ang gagawa nun." Tila naiirita niyang sabi sa'kin.

INTO YOU (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon