CHAPTER 3

2.7K 42 7
                                    

"May fifteen minutes pa, Sensen!" Bulong ko sa sarili ko habang minamaneho ang aking scooter papunta sa isa sa mga drop off locations ng kumpanyang pinagtratrabahuan ko.

May limang drop off centers malapit sa'min at minsan ay nasusuyod ko ang lahat ng centers na mga 'to para pumick-up ng mga items na pwede ko nang i-deliver.

Drop off centers lang ang meron at walang physical locations ang office ng kumpanya. Minsan iniisip kong scam ito pero nagtagal din naman na ito sa industriya nang halos pitong taon at awa ng Diyos ay kumpleto naman sa mga legal na papeles.

Actually, wala naman talagang oras ang pagpasok ko sa trabaho. Nasa akin kung paano ko marereach 'yung kota ko bawat araw—Lunes hanggang Sabado.

Kaya ko lang naman inaagahan ay para mapili ko iyong mga madadaling items bago makuha iyon ng iba. Ang kota ko bawat araw ay singkwentang packages.

Medyo madali na mahirap siya. Madali kasi maliliit lang na parcels talaga ang kalimitang napipili ko o napupunta sa'kin. Mahirap kasi minsan ang kumplikado ng address ng mga customers.

Malas mo pa kapag returned ang mga items. Nangyayari minsan na walang nag-rereceive na customer sa mga bahay nila ang mga packages na for COD. Kadalasang nasa trabaho o di naman kaya ay umalis.

Pwede namang bayaran na lang din kung sinuman ang tao na naiwan sa mga bahay nila pero minsan ay wala ding maibigay na pambayad 'yung naiwan sa bahay kaya nga-nga na lang 'pag ganun nga 'yung nangyari.

So no choice ako kundi ibalik ang mga packages na 'yun at panibagong attempt ulit kinabukasan hanggang sa ma-deliver nang maayos o di kaya ay maubos 'yung limit sa pag-aattempt na i-deliver ito sa kanila. Kapag ganun kasi ay automatic returned na 'yun sa seller ng mga items.

Pagdating ko sa center ay ipinarada ko na agad 'yung scooter ko sa nakalaang parking space ng mga vehicles. Paghubad ko pa lang ng helmet ko ay nakita ko na 'yung isa kong kasamahang si Elmer.

"Good morning, Sensen! Talaga nga namang ang ganda ng umaga 'pag ikaw ang unang nakikita!" nakangiting bati niya sa'kin.

'Di ko alam kung nagbibiro ba siya o sadyang nang-iinis lang. Isang linggo ko pa lang kasi siyang nakikita dito sa trabaho kaya hindi ko pa alam kung anong klase siyang tao.

Hindi ko din naman siya madalas makasama dahil lagi kaming nasa field. Pagkakita niya sa akin noon ay feeling close agad siya. Parang sayang-saya ito lagi sa buhay at walang iniintinding problema.

Kitang-kita ko pa nga 'yung tinga sa mga ngipin niya sa harap pagngiti niya sa'kin kanina. Nakasiksik 'yun sa may bandang itaas ng mga ngipin sa gitna kaya kitang-kita ito kahit bahagya lang niyang ibuka ang bibig nito. Medyo maputla ang pagkapula nun pero may mga itim din akong nakikita.

"Good morning, Elmer! Mukhang masarap ang almusal mo ngayon, ah. Hulaan ko ulam mo?"

"Aba, manghuhula ka na din pala ngayon, Sensen?" aniya habang abot-tainga pa din ang ngiti niya sa'kin.

"Medyo sunog yata 'yung hotdog na inulam mo ngayon, ah?"

Lumaki ang mga mata niya pagkasabi ko nun. "Ang galing mo naman! Paano mo nahulaan na iyon nga ang almusal ko kanina?"

"Hindi ka lang pala maganda, may itinatago ka pa palang talento," dagdag pa niya.

"Basic," sagot ko sa kaniya na sinamahan ko pa ng pagpag sa bandang kaliwa kong balikat.

Naglakad na ako papasok sa center pero bago yun, "Elmer, may dala ka bang toothbrush?" tanong ko sa kaniya.

"Wala, e. Bakit Sensen, nakalimutan mo din bang mag-tooth brush sa inyo?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya sa'kin.

INTO YOU (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon