CHAPTER 24

2K 27 1
                                    

Paggising ko kinaumagahan ay tinawagan ko kaagad si Kyle para kumustahin siya. Sa dami ng mga kaganapan sa buhay ko ay ngayon ko lang din napansin na hindi man lang siya nagparamdam sa'kin nitong nakaraang buwan.

Kung sabagay ay ganun din naman ako sa kaniya. Hinanap ko ang pangalan niya sa contact list ko bago ko pinindot ang call button. Habang naghihintay akong sagutin niya 'yung tawag ko ay sinamantala ko naman ito para magligpit ng aking higaan.

Nakatatlong beses ko yata siyang tinawagan pero puro rings lang at hindi nito iyon sinasagot.

Ano'ng problema ng kumag na 'yun?

Huwag niyang sabihing nagtatampururot siya dahil hindi ko siya nakakamusta nitong mga nakaraang lingo.

Susukuan ko na sana siya nang biglang sinagot niya din ito.

"Hello, Sen. Napakaaga mo namang manira ng araw," wika niya sa paos na beses na may kasama pang hikab, halatang kakagising lang niya.

"Magkita tayo ngayon." Agad kong banat sa kaniya.

Gusto ko ding makibalita sa mga kaganapan sa buhay ng kaibigan ko.

Actually, isa lang ito sa mga dahilan kaya ako makikipagkita sa kaniya. Gustong-gusto ko na din talaga kasing lumabas ng bahay.

Sa ngayon ay wala si Granny sa mansyon niya dahil nasa ibang bansa ito para sa isang subsidiary ng kumpanya nila.

Wala akong mahanap na dahilan para lumabas kaya buti na lang talaga ay nandiyan ang kumag.

Na-eexcite tuloy ako!

"At bakit? May ginawa na naman ba 'yung mayabang na lalaking 'yun sa'yo?" Naiinis niyang tanong.

"Wala naman. Bakit, masama na bang makipagkita sa kaibigan kong pangit ngayon?" Naiinis ko ding tugon sa kaniya.

Narinig ko itong bumuntung-hininga.

"Sa'n mo ba gustong pumunta?"

Agad akong napangisi. Kapag ganyan kasi siya ay ang ibig sabihin nun ay pinagbibigyan na niya ako. Ang laki siguro ng ngisi sa mukha ko kung may makakakita man.

"Gusto kong pumuntang bayan, may bibilhin lang ako. Punta din tayong mall, titingin-tingin lang ng kung anu-ano."

"Wow! Dami mo yatang time ngayon, ah?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

Natawa naman ako dun dahil parehas lang sila ng pinsan niya ng reaksyon sa'kin.

Siguro sa mga nakaraang taon ay nasanay lang sila sa'kin na hindi na masyado makausap minsan dahil sa pagiging busy ko sa trabaho.

"Basta! Samahan mo na lang kasi ako, kung hindi ipagkakalat ko sa mga babae mo ang malupit mong sikreto." Pananakot ko sa kaniya.

Agad naman siyang natahimik dun ng mga ten seconds lang bago ko siya narinigan ng mahinang mura, "F-fuck!"

Natawa naman ako dun dahil alam kong wala na siyang magagawa pa. Sasamahan niya ako sa ayaw at sa gusto niya.

NAGLALAKAD kami ngayon sa mga maliliit na espasyo sa palengke para tumingin ng bayabas. Hindi ako nakuntento sa kinain ko kagabi kaya heto at nagpasama pa ako sa kumag para makabili nito at para na din masilayan ang labas ng bahay ni Big Brother.

"Napakadami mo namang biniling bayabas? Magsisigang ba si tita?" Nagtatakang tanong nito.

"Huh? Akin lang 'to," tugon ko naman sa kaniya habang kinakagat na ang isang bayabas na ipinunas ko lang sa t-shirt niya bago ko kainin.

Lalong kumunot ang noo niya pagkarinig sa'kin.

"Tignan ko lang kung hindi ka tumira sa CR niyo mamaya 'pag naubos mo lahat 'yan." Natatawa niyang sabi sa'kin.

INTO YOU (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon