EPILOGUE

3.1K 52 12
                                    


"Do you like it," bulong ni Chase habang nakapaikot ang kaniyang mga braso sa aking baywang mula sa aking likuran.

Ginagawa niya ito habang tinutunghayan namin ang napakagandang view ng island na 'to mula sa balcony ng aming kwarto.

Ayon dito ay pagmamay-ari ng mga Montello ang pribadong island na 'to. May modern rest house silang itinayo dito na nasa apat na palapag yata kung hindi ako nagkakamali.

Ang mga dingding nito ay puro glass lamang kaya kahit nasa loob ka ay kita mo pa din ang gandang hatid ng paraisong lugar na 'to.

May pool na din dito pero kung mas trip mong mag-swimming sa beach ay pwede naman. Maganda ang sand bar dito dahil putting-puti ang mga buhangin. Marami ding naglalakihang mga niyog na pwedeng silungan sa init ng araw.

Ang tubig sa dagat na kasing kulay ng ng langit, asul. Halos kita mo na din ang mga corals dito at ang mga isdang lumalangoy.

Two weeks after niyang mag-propose ay inaya niya agad akong magpakasal kahit civil wedding lang dahil umurong akong ikasal sa simbahan. Ito'y dahil may kaunti ng umbok 'yung tiyan ko.

Parang pakiramdam ko kasi ay ang sagwang tignan at baka i-judge ako ng iba. Baka mapagalitan din ako ni father kaya iminungkahi ko sa kaniyang pagkatapos ko na lang manganak kami magpakasal.

Hindi ito pumayag kaya nag-isip ito ng ibang paraan at 'yun na nga ay ang makasal kami kahit civil wedding lang muna.

Punong-puno ang office ni Mayor nung time na 'yun dahil lahat ng pamilya ko at pamilya niya ay dumalo. Ganun din ang mga kaibigan at tinuturing na niyang mga kapatid sa organisasyon nila.

"Ang ganda ng lugar na 'to, Chase. Totoo bang tayo lang ang nandito?"

"Yup! This is a secluded island that was bought by my grandfather in his early years. It was once suggested by his friend, and he instantly liked the place. This is where he and grandma fell in love with each other." Mahabang paaliwag nito.

"Wow naman! Kung ganun ay si granny pala ang unang lumandi dito kasama ang lolo mo?"

"Parang ganun na nga. Dito siya kinidnap ni lolo at itinago nang matagal. In the end, my grandma fell in love with lolo. After their wedding, this was their honeymoon place, too."

Grabe din pala ang love story ni Granny at lolo. Ano kaya ang pakiramdam nito nung kinidnap siya. Nasisiguro kong takot ang una nitong naramdaman.

"Do you want to go and swim?" Tanong nito.

"Hindi ako marunong lumangoy, Chase."

"Don't worry, nandito lang ako, honey."

Pumasok muna kami sa loob para makapagpalit ng swimsuits namin. Buti na lang ay nadalhan niya ako ng pwede kong gamitin.

Lahat ng mga bagay tungkol sa honeymoon namin ay siya na ang nagkusang mag-ayos. Ang gusto daw niya kasi ay wala na akong iisipin pa at baka maapektohan si baby junior niya.

Pinili ko 'yung pulang halter string triangle bikini sets. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin at tingin ko ay hindi naman masagwa kahit may kaunti ng bump 'yung tiyan ko.

Nakabihis na din si Chase at parang gusto kong maglaway nung nakita ko itong suot ang isang black na swimming trunks na hapit na hapit din sa kaniya.

Kitang-kita ko na ang sausage niyang sobrang bumakat dito. Hindi ko pa ito binubuhay pero malaki na sa mga mata ng makakakita.

Makakasuhan talaga ako ng murder 'pag ito ay ibinalandra niya sa iba. Alam kong maraming mga makasalanang mata diyan ang magpipiyesta sa sausage nito kung sakali.

INTO YOU (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon