Pagkatapos kong mag-agahan at maligo ay umalis na din ako ng bahay papunta sa isang sikat na supermarket dito sa aming lugar.
Marami kasing namimili lagi dito at mura pa mga bilihin kumpara sa ibang pamilihan. Nag-umpisa na akong pumasok sa grocery store pero bago 'yun ay nagpacheck muna ako ng bag ko sa guard para makita nilang wala akong ipinasok na baril o baka kutsilyo.
Kung malaki ang atraso sa'kin nung taong nasa loob ng pamilihan na 'to ay baka sakaling magdala ako. Pero hindi, dahil good abiding citizen yata ako ng bansa ko!
Kumuha na ako ng cart sa gilid at dinala ito sa unang isle kung saan may mga nakasalansan doong condiments na pampalasa sa mga ulam. Na minsan ding inuulam ni Sam dahil mahilig siya sa toyo-mantika na ulam sa kanin 'pag matripan niya.
Tinunton ko ang lahat ng isle doon hanggang sa makarating ako sa isle para sa mga sanitary pads. Nasa bandang itaas ito kaya hirap akong abutin kahit ano'ng gawin ko.
Sa kakatingkayad ko sa pag-abot nun ay hindi ko naramdaman ang isang taong tumapat sa aking likod. Inilagay niya ang kaniyang mga braso at kamay sa aking baywang at ramdam ko ang init na nagmumula dun.
"Let me grab it for you, honey," anas ng lalaking iyon sa tainga ko bago abutin 'yung inaabot ko kanina.
Hindi din sinasadyang maikiskis niya 'yung kung anumang matigas na bagay sa kaniya sa likuran ko. Bigla akong napatigil dahil dun.
Nag-umpisa na namang magulo ang loob ko dahil sa presensya niya.
Bakit hanggang dito ay nasusundan ako ng lalaking 'to?
"Here we go, so is this your brand?" Tukoy niya sa sanitary pad na inaabot nito ngayon sa'kin.
Gusto kong mahiya dahil sakto pang natiyempohan akong namimili nito. Umirap ako sa kaniya sabay abot nung bagay na iyon at pabalibag na ibinato sa cart na tulak-tulak ko.
"Bakit nandito ka na naman sa harapan ko, Chase?" Naiinis kong tanong sa kaniya habang tinutulak din ang cart palayo sa kaniya.
"I was only passing by the area when I realized I had to buy something." Super smooth niyang pagdadahilan sa'kin habang nakasunod.
Siguro kanina pa niya ako nakitang pumasok dito kaya sinundan ako. Ito na nga ba 'yung sinasabi kong wala sa bokabularyo sa taong 'to ang salitang "sumuko".
"Then go and buy your thing," tugon ko sa kaniya habang nagmamadali na naman akong lumipat sa kabilang isle para sa iba ko pang bibilhin.
"Nah, don't be bothered about it. It isn't really that important anyway." Nakapamulsa pa niyang sabi sa'kin.
Umikot ang mga mata ko sa kaniya. Sinasabi ko na nga ba at wala naman talagang bibilhin itong isang 'to dito, e. Wala na akong nagawa dahil nakabuntot lang siya lagi kung saan ako magpunta.
May nakalagay din pala sa listahan na kalahating kaban ng bigas.
Bakit di ko 'to nakita kanina? Seryoso ba si Mama sa paglalagay nito sa listahan?
'Di naman nya siguro iniisip na ako si Wonder Woman para mabuhat ko ang lahat ng 'to, 'di ba?
Tumingin ako sa katabi ko na nakatunghay lang din sa'kin. No choice ako kundi pakiusapan siyang buhatin ito at ilagay sa cart ko. Malugod naman nya itong ginawa, nakangisi pa nga, e.
"Anything else, hon, and I'll do it for you in a heartbeat" Abot-tainga niyang ngiti sa'kin.
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lang sa counter para makapagbayad. Inisa-isa kong inilalagay 'yung mga pinamili ko sa counter para ma-scan nung babaeng cashier. Pero parang wala akong nasesense na galaw mula sa kaniya, kaya naman ay umangat ang tingin ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
INTO YOU (COMPLETE)
RomanceEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 |R-18+| BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also produce his own heir someday...