Parang naulit lang ulit ang tagpong 'to dahil kita ko na naman ang puting kisame ng kwartong kinalalagyan ko ngayon sa ospital na pinagdalhan nila sa'kin.
Inilagay ko ang aking kanang kamay sa aking dibdib habang sinasariwa ko ang mga nangyari.
Bakit parang wala akong maramdaman na kahit ano mula sa mga nangyari?
"May masakit ba sa dibdib mo anak?" Usisa ni Mama nung nakita niya ako sa ganung akto.
Iling lang naman ang naging tugon ko sa kaniya. Dinig ko pa ang buntung-hininga nito.
Ang buong akala ni Mama at Seth ay may nangyari na sa baby ko sa tiyan pero sa awa ng Diyos ay matatag ang baby ko sa loob. Lumalaban katulad ng mommy niya.
"May gusto ka bang kainin bukod sa bayabas?" Marahang tanong sa'kin ni Mama.
"Wala, Ma," tugon ko dito habang nakatingin sa aking tiyan at marahan ko din itong hinahaplos.
"Ang sabi ng doktor ay okay naman si baby. Kung nahuli daw kami sa pagdadala sa'yo dito ay baka naapektohan siya," ani Mama.
Wala akong naging reaksyon dun at diretso lang ang tingin ko sa aking tyan. Sa gilid ng mga mata ko ay alam kong matagal akong pinagmamasdan ni Mama at tila malalim din ang kaniyang iniisip.
Hindi nagtagal ay nakalabas din kami ng ospital. Habang nasa biyahe kami ay tahimik ko lang na pinagmamasdan ang labas.
Nagkataong tumigil ang sasakyan dahil sa kaunting traffic at sa labas ng bintana ay napansin ko ang isang mag-anak na naglalakad sa labas. Karga ang bata ng kaniyang tatay habang nakaakbay ito sa kaniyang asawa. Larawan ito ng isang masayang pamilya.
Parang hindi ko na ito mararanasan sa buhay dahil mag-isa kong palalakihin ang anak ko kasama ng pamilya ko.
No communication or whatsoever after he left. Napaka-brutal ng way niya para i-dispatya ako. Hindi na lang niya sinabi na ayaw at sawa na siya sa'kin dahil natikman niya din naman na ako.
Hinayaan pa niya ang babaeng 'yun para ipadala sa'kin ang mga litrato nila. Ano'ng laban ko dun kung bata pa lang ay nagkasama at nagkakilala na sila. Ang sakit lang dahil unang beses kong umibig, sa maling tao pa. Ibinigay na ang lahat-lahat pati ang aking bataan pero wala pa din.
Siguro ganun talaga ang mga lalaki ngayon. Tikim-tikim lang, 'pag nagsawa sa ulam kukuha ulit ng ibang mas masarap o bago sa panlasa nila. Sa edad kong ito ay ngayon lang ako namulat sa totong nangyayari sa lipunan.
Ang sama naman ng unang karanasan ko sa larangang ito. Pagsubok at leksyon agad. Hindi man lang ako binigyan ng dry run para sana sa susunod ay alam ko na ang gagawin ko.
"Nandito na tayo, Sensen." Dinig kong agaw ni mama sa atensyon ko.
Tsaka ko lang napagtanto na nasa labas na pala kami ng bahay. Hindi ko na ito namalayan dahil sa dami ng mga bagay na nasa isip ko kanina. Nagulat ako nung may nagbukas ng pintuan sa side ko.
Pagtingin ko ay si Sam 'yun. Agad naman niya akong pinangko hanggang sa maihiga niya ako sa kwarto. Hindi na ako umangal dahil sa totoo lang ay parang wala ding lakas ang mga binti ko sa paglalakad. Wala silang narinig sa'kin na kahit ano.
Kahit pa lumipas ang mga araw ay hindi nila ako naringgan ng kahit anumang salita na siyang ikinakabahala na nila. Umabot na sa puntong binisita na din ako ng sabay nina Cielo at Kyle para libangin ako pero bigo silang lahat.
Pinilit din nila akong lumabas.
Nagpunta kami sa isang amusement park pero sa paningin ko, lahat ng bagay dito ay sadyang black and white. Walang kainte-interesante sa mga bagay na nasa loob nito.
BINABASA MO ANG
INTO YOU (COMPLETE)
RomanceEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 |R-18+| BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also produce his own heir someday...