Shia Marie POV.
Both my parents passed away when I was eighteen years old. They left all their testamentary documents to me, but I didn't know how to take care of the company and I failed. The company that my parents owned went bankrupt.
After all that, I failed to manage the company. I struggled to survive a day by day living, and I even had to sell my parents' house. Eventually, I became pitiful in the eyes of the people.
From being treated like a princess by my parents, I ended up being just a housemaid.
Pumasok ako bilang katulong sa pamilya Sandoval. Isa sila mga naging kasamahan ni Dad sa negosyo.
Habang nasa pangangalaga ako ng pamilya nila ay tila sinasakal ako araw-araw at nahihirapang huminga. Halos araw-araw na lang akong nahihirapan and the reason is, hindi ako marunong ng gawaing bahay.
"Shia!" Narinig kung tawag sa'kin ni Ma'am Josephine kaya nagmamadali akong pumunta kung saan nanggaling ang tinig niya.
"Yes ma'am." Magalang kong sagot sa kanya.
"Ahhh, hija. Pakilabhan nga itong mga damit ko at ni sir mo." Wika ni Ma'am at pinakita sakin ang dalawang lalagyan ng labahan. Ang dami nito. Kahit sa paghugas ng plato ay hindi ko alam, ang paglalaba pa kaya?
"Opo ma'am," nagpilit ngiti kung wika habang nakaharap sa labahan.
"Dapat lang," masungit na tugon ng anak ni Ma'am Josephine na si Cendelle habang pinapatuyo ang buhok n'yang basang-basa pa.
—————
Habang naglalaba ako ng mga damit nina ma'am at sir ay dumating naman ang mabuti nilang anak na si Cendelle na may dalang isang balde ng labahan na damit.
"Labhan mo rin ang sa'kin." He commanded. Binaba niya sa harap ko ang isang balde ng labahan. Napabuga na lang ako ng hangin sa nakita ko. Kaya ko pa kayang mabuhay ng ganito?
"Opo," mahinang tugon ko at napayuko na lamang habang naglalaba.
"Oo nga pala, sa susunod dapat may endearment kana sakin. Called me young master. Bilang paggalang mo sa'kin bilang boss mo." Wika ni Cendelle
"O-Opo, Y-Young master."
"Good." Wika nito at saka umalis.
Napapikit na lamang ako habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. It is a karma? Karma ko na ba ito dahil sa mga ginagawa kung pang-aapi ko sa mga katulong namin dati. It's all called karma ba?
——————
Ilang oras din bago natapos ang paglalaba ko. Napaupo na lang ako sa sofa dahil sa pagod. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng marinig ko ang matinis na boses ni Sir Cendelle.
"Shia!" Tawag nito mula sa kusina. Agad akong umayos at sinuot ang tsinelas na nasa ilalim ng sofa. Agad akong dumiretso sa dining area kung nasan narinig ko ang boses ni sir Cendelle.
"Bakit paupo-upo kana d'yan sa sofa?" Mariin nyang wika.
"Tapos na po akong labhan ang lahat young master." My tone is full of amusement dahil natapos ko rin kahit papa'no.
"Labandera kaba?! Di'ba hindi? So, kasambahay ka. Lahat ng mga gawain dito sa bahay sakop mo." Ang mga ngiti sa labi ko ay unti-unting nawala.
"Kunan mo nga ako doon ng kanin with my favorite dish." Dagdag nya at itinuro ang kusina.
"Opo 'young master." Wika ko at tumungo sa kusina.
Tumingala ako para mapigilan ang pagbagsak ng luha ko mula sa aking mga mata. It's all karma? Kung karma ito sana tama na. Sana kung nanaginip lang ako magising na ako.
Habang hinahanda ko ang pagkain ay 'di na talaga nagpaawat ang mga luha ko at sunod-sunod itong bumagsak.
Inalis ko muna ang luha mula sa mata ko saka nilagay sa utility tray ang mga pagkain. Pagkadating ko sa dining table ay agad ko itong inilapag sa harap ni sir Cendelle ngunit nawalan ako ng balanse at nabuhos ang soup na dala ko sa kay Sir Cendelle.
"Arghh." Sigaw ni sir Cendelle habang nakapikit. Mainit pa ang soup kaya s'ya na'lang ang pagkataranta ko.
"Sorry po young master." Wika ko habang hindi ko alam kung anong uunahin ko 'dahil na rin sa taranta ay hindi ko na nagawa pang kumilos.
"Sorry? Sorry? Aba! Mawawala ba ng sorry ang hapdi ngayon sa balat ko?!" Galit na sigaw niya sa'kin.
"...ang sabi ko sayo, my favorite dish! Favorite dish ko! Bakit soup ang dinala mo!" May diin ang bawat salitang bibitawan n'ya.
"Sorry young master 'di ko kasi alam kung ano ang favorite dish n'yo." Pangatwiran ko. Nanatili lang ako nakayuko at hindi magawang iangat ang ulo ko para tingnan man lang ang galit ko ngayong boss.
"Problema ba yun! Why you didn't ask to Yaya Perla?!" Naramdaman ko ang pagtayo n'ya mula sa dining table. Tumunog kasi ang silya na inuupuan niya.
"Yaya Perla!" Pasigaw ni Cendelle.
"Po?" Wika ni Manang Perla at s'ya na'lang ang pagkagulat n'ya ng makitang basang-basa si Cendelle.
"...yung favorite dish ko niluto mo ba?"
"Opo."
"How fuck'n moth you are?!" Galit na bulyaw sa'kin ni Sir Cendelle.
"...niluto pala eh! I lost my appetite." Wika nito at iniwan kami ni Manang Perla 'habang hindi ko man lang sya magawang tingnan sa hiya.
DON'T MISSED THE NEXT CHAPTER 💚💚💚
BINABASA MO ANG
Mistakes from the Past
Lãng mạnIn a world where love holds the power to conquer at all but, "Are you ready to forgive the person who loves you most and give them another chance?" As the saying goes, "love is ready to fix everything." But can your heart withstand the weight of the...