Chapter 19

25 2 0
                                    

Shia Marie POV.

"Kung gano'n, kailan ang kasal?" Natutuwang wika ng Ina ni Cendelle habang kumakain kami sa isang restaurant. And beside wala na sina Mom and Dad, kapatid lang ni Dad at ang asawa nito at dumalo at nakipag-usap sa parents ni Cendelle.

"Sa makalawa ng Abril." Nakangiting wika ni tita Agnes and asawa ni tito Harold na kapatid naman ni Daddy.

"Excited na kami sa papalapit na kasal ninyo." Excited na wika ni tita Josephine.

"Gano'n rin ako." Natutuwang wika ni Tito Arnold.

"Sigurado akong natutuwa ang kapatid ko ngayon lalo na't alam n'yang maging payapa na ang buhay ng kanyang anak." Nasisiyahan wika ni tito Harold kaya napangiti na rin ako.

"Sino bang hindi matutuwa n'yan?" Nakangiti ring wika ni tita Agnes.

———۝———

"Cindy, tulungan mo ako sa pagbigay ng mga invitation," pagmamakaawa ko sa bestfriend kung si Cindy.

"Hayst, Oo. Sige na." Wika nito at tumayo sa kama n'ya. "...ang aga-aga mong dumating rito." Wika nito at nagsuot agad ng tsinelas n'ya.

"Bakit ba kasi ang bride pa ang kailangang magbigay?" Reklamo nito.

"Ede ang bridesmaid na'lang." Wika ko at napasimangot na'lang s'ya.

"Sige." Wala sa mood nitong wika at nag-ipis ng tubig saka uminom. "...don't be worry, ako na ang bahala sa lahat." Wika nito at nagtaas pa sya ng kanang kamay n'ya na parang nanunumpa.

"...ako na ang magbabayad sa mga magde-deliver ng mga invitation card na 'yan." Wika nito na ikinangiti ko pero agad din yung napawi ng magsalita syang muli.

"...basta kapag ikasal rin kami ni Kean ikaw ang bridesmaid at ikaw rin ang magbabayad."

———۝———

"Owh, nakapili kana ba ng magandang wedding gown?" Tanong sa'kin ni Cendelle habang pinapakita n'ya sa kanyang iPod ang ilang disenyo ng wedding dress.

"I like it." Turo ko sa isang magandang wedding dress na s'yang napusuan ko talaga ng husto.

"Ang galing talaga pumili ng mapapangasawa ko." Wika nito at saka niyakap ako sa likod.

"How can I lived without you? Baka m*matay ako sa pangungulila ko sa'yo." Malungkot na wika nito saka sinandal ang kanyang ulo sa balikat ko at hinaplos ko naman ang buhok n'ya.

"Kumain ka para di ka malipasan ng gutom." Nakangiting usal ko at napanguso naman sya.

"Favorite Spot?" Tanong n'ya sa'kin kaya nabuhayan ang loob ko. "Sure." Natutuwang wika ko saka tumayo.

"Sasabihan ko lang sandali ang designer na ganito ang gusto mong styles." Wika nito at umalis sa harap ko. Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanyang nakipag-usap sa fashion designer at ang angas pa ng dating n'ya.

———۝———

"Tingnan mo ang sunset." Nakangiting wika ni Cendelle habang ako nama'y nakasandal sa kanyang balikat. "Nakatingin na ako kanina lang."

"Ang ganda." Wika nito. Napayakap na lamang ako sa beywang n'ya at ninodnod ko ang ulo ko sa balikat niya at amoy na amoy ko na ang pabango n'ya. Masarap sa ilong talaga.

Ilang oras pa naming pinanuod ang sunset ng napagpasyahan naming umuwi.

"Kanina pa ako inaantok." Wika ko saka naghikab.

"Sandali lang, dumaan muna tayo sa bahay." Wika nito saka hininto ang kotse.

"Dito lang ako." Pagmamatigas ko.

"Sumama kana."

"Sige na nga." Inis na wika ko at tinanggal ang seatbelt ko saka sumunod sa kanya papasok ng gate.

Nauna na akong naglakad papunta ng pintuan ng bahay nina Cendelle habang pinaparada n'ya pa ang sasakyan n'ya. Natuop ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang usapan nilang magpamilya.

"Son, kailan mo ba ipaglihim ang lahat kay Shie?" Rinig kung tinig ni tita Josephine.

"Habangbuhay." Tugon naman ni Cedric.

"Son, ikakasal na sila ng kapatid mo." Si tito Arnold

"Di'ba kayo rin ang may sabi, hangga't walang nagsasabi sa kanya walang makakaalam." Madiing wika nito.

"Pero Son. Alam kung maiintindihan ka din n'ya lalo na't aksidente lang ang lahat." —Arnold

"Kung malaman n'yang ako ang naka hit and run sa parents n'ya sa tingin mo ba hindi s'ya magagalit satin?" Kusa na lamang bumagsak ang luha ko. Napalingon ako kay Cendelle na ngayon ay natuop sa kinatatayuan n'ya.

"Shie, magpapaliwanag ako."

"Kaya ba naging mabait kayo sa'kin? Matatanggap ko iyon, kung sinabi mo agad sa'kin. Hindi ang ipaglihim!" Piyok kung wika kay Cendelle at binangga s'ya ng kunti saka nagmamadaling umalis. I also heard he call me pero di ko na s'ya pinansin pa.

DON'T MISSED THE NEXT CHAPTER 💚💚💚💚

Mistakes from the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon