Shia Marie POV.
Matapos akong pagalitan ni Sir Cendelle ay naupo nalang ako sa kama ko habang hinahayaang bumagsak ang mga nagbabadya kong luha na kanina ko pa pinipigilan.
Grabe naman s'ya kung makapagsalita. Hindi ko nilustay ang pera just is not my intention. Bancrupcy, yan ang binalita sa'kin ng isa sa mga nangangalaga do'n.
Ilang oras na rin akong nakaupo rito at hindi lumalabas dahil sa sakit na nararamdaman ko and 5:00pm na. Siguro sa tagal kung nanatili sa silid ko ay ilang sandali ay dinalaw ako ng antok.
Nagising nalang ako sa malakas na katok sa labas ng kwarto ko.
"Shia!"
"Ang babae talagang ito, nakakainis!"
"Hoy, Shia...lumabas ka d'yan! Ang aarte mo!"
"Palibhasa nasanay sa malaprinsesang buhay."
"Kaya siguro iniisip n'yang boss s'ya hindi naman!"
Tinig ng mga kasamahan kung kasambahay sa bahay na ito na saksakan ang inggit sa'kin. Sino pa ba kundi sina Mari at Janisse.
"Hoy, tumahimik nga kayo!" Tinig iyon ni Cindy na mukhang kakarating pa lang.
"Shi, lumabas ka na d'yan please." Nagmamakaawang tinig ni Cindy. Ha? Bakit kaya?
"...i-fired daw n'ya kaming lahat ni sir Cendelle pag 'di ka namin napalabas d'yan sa silid mo." Awtomatikong napatayo ako dahil sa sinabi ni Cindy. Anong nakain naman ni sir Cendelle.
Agad kung binuksan ang pinto at bumungad sa'kin ang nakasimangot na mukha ni Mari. Tse, di naman kagandahan para maging over acting.
"Dahil sa'yo kaya muntik na kaming mapagalitan ni Sir." Pataray na sabi ni Mari habang naka-cross arm.
Napairap nalang ako sa hangin.
"Ano naman pala ang ipapagawa sa'kin ni sir Cendelle at pinatawag n'ya ako?" Takang tanong ko.
"Diba katulong ka?!" Sarkastiko namang tugon ni Janisse.
"Let's go." Wika ni Mari at umalis na silang dalawa ni Janisse sa harap naming dalawa ni Cindy.
Napasapo nalang ako sa noo ko. Kasambahay pala ako.
"Sabi ni sir Cendelle na mag-dinner kana daw." Wika ni Cindy na s'yang kinagulat ko. Ha? Mag-dinner? Ginising n'ya lang ako dahil mag-dinner?
——————
After kung mag-dinner kasama ang mga kasambahay sa bahay na ito with those two feelingera ay nakatayo ako ngayon sa terrace habang pinagmamasdan ang mga kotseng nagsidaraanan.
Napalingon naman ako sa likod ko ng may umubo. Si sir Cendelle pala ang nasa likod ko. Nakasuot s'ya ngayon ng mahabang manggas.
"Malamig." Wika nito at niyapos ang sariling katawan. Hindi ko na s'ya pinansin. Kanina-nina lang inaway n'ya ako tapos ngayon he acting like my bestfriend. Bahala ka d'yan, di kita papansinin.
"...di ka'ba nilalamig?" Baling nya sa'kin. Umiling lang ako at bumaling muli sa kalsada kung saan ako nakatingin. Ngumiti naman s'ya at tiningnan din ang tinitingnan ko. But serious, wala talaga akong tinignan at in short iniiwasan ko lang s'ya.
"Haist, next day uuwi na si kuya Cedric." Wika nito at saka nagbuntong hininga.
May kuya pa pala ang lalaking toh? Natatakot tuloy ako, baka mas malala pa yun sa kanya.
Habang malalim ang iniisip ko ay nabigla nalang ako ng hinubad ni Sir Cendelle ang kanyang manggas at isinuot n'ya sa'kin. Natuop naman ako sa kinatatayuan ko at hindi ko magawang kumilos agad.
Biglang tumibok ng malakas ang puso ko at nakaramdam ako ng pang-iinit ng pisngi ko. Pagkatapos nyang isuot sakin ang manggas ay ngumiti sya sakin ng napacute na s'yang lalong nagpalala ng sitwasyon.
DON'T MISSED THE NEXT CHAPTER💚💚💚
BINABASA MO ANG
Mistakes from the Past
RomanceIn a world where love holds the power to conquer at all but, "Are you ready to forgive the person who loves you most and give them another chance?" As the saying goes, "love is ready to fix everything." But can your heart withstand the weight of the...