Chapter 15

23 2 0
                                    

Shia Marie POV.

As a event organizer, andito ako ngayon sa mismong event at tinitingnan ang mga nakadecorate.

"Ma'am, ok na po ba?" Nakangising tanong sa'kin ng aking assistant habang pinapasadahan nya ng tingin ang buong hall na syang ginawa ko rin.

"It's good." Wika ko at ngumiti.

"Ma'am, ako po ang kumuha ng caretaker." Nakangiting pabida nito at smirk lang ang sinagot ko sa kanya saka naglakad at nilibot ang hall at pinapasadahan ang bawat dekorasyon.

———۝———

"Invitation miss?" Tanong sa akin ng guard. Agad ko namang kinuha sa shoulderbag ko ang invitation letters saka pa n'ya ako pinapasok. Grabe talaga ang security sa event na ito. Dapat exemption na ako doon lalo na't secretary ako at the worse is ako pa yung nag-design ng mga invitation na yun. Haist.

Pagpasok ko sa loob ay ang napakalakas na audio agad ang sumalubong sa'kin. I walk in the scattered red carpet on the hall. Maraming mga camera ang nakabantay sa bawat sulok. Pormal akong naglakad at naupo sa isang guest table. This event was organized because of the 14th anniversary of the Sandoval Corp.

Habang painom-inom ako ng wine ay bigla na lamang nagkagulo ang mga tao sa paligid dahilan para iangat ko ang tingin ko.

Wala akong ibang nakita kundi ang mga reporter na nagsiksikan para lang makuhanan ng camera ang kakarating lang. Well, siguro ang Sandoval Family na yan dumating na.

Ilang saglit pa ay nagsimula nang mag-alisan ang mga reporter at tanaw na tanaw ko na mula rito sina tita,tito, Cendelle, Cedric at sino pa'ba ang nagfeeling reyna na si Mari.

"Lady's and Gentlemen's." Panimula nang emcee at natahimik na ang audio pati na rin ang mga taong nakapaligid at nakatutok na silang lahat ngayon sa emcee.

"So, we're her to celebrate the following occasion...." Huh? Following? Di'ba 14th anniversary lang ang dapat i-celebrate. Ipinilig ko na'lang muli ang ulo ko at nakinig muli sa emcee.

"...first, we would like to celebrate the 14th anniversary of Sandoval Corp and the 30th anniversary of the couple which Mr. And Mrs. Arnold Sandoval..." Woah, 30th anniversary na pala sina tito at tita. Nagsipalakpakan naman ang mga crowd habang tumataas lang ng kamay sina tito at tita bilang pakilala.

"And next, the announcement of the engagements of the two couple Mr. Cedric Micini and Mrs. Marianna Grace Alcantara and soon to be a Micini." Masayang wika ng emcee at nagsipalakpakan ang lahat.

"Andito ka lang pala." Wika ni Cindy na kakarating lang.

"Saan kaba sumuot?" Panermon ko habang nakapamewang.

"Dyan lang sa tabi." Nakangusong wika nito at kinurot ko naman ang pisngi nya dahilan para umirap ito sa'kin.

"Ang sabihin mo na nakipaglandian ka sa Kean na yun." Inis kung wika at nagpacross arm nalang.

"Asan ang ebidensya mo?" Matapang naman na tanong nito.

"Wag ka na ngang magmaangmaangan." Wika ko at saka napanguso narin. "...buti ka may ka-love life." Pabulong ko na'lang habang nasa malayo ang mga mata ko.

"Baka natraffic pa yung lagi mong sinasabi na the right one." Hulakhak ito nang tawa kaya sinamaan ko na'lang s'ya ng tingin. Porket taken api-apihin na agad.

DON'T MISSED THE NEXT CHAPTER 💚💚💚

Mistakes from the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon