Shia Marie POV.
Sino ba naman ako?! Tao lang ako at marunong magkamali. Napahawak nalang ako sa ulo ko.
Ilang araw na akong pinapagalitan ni Sir Cendelle. At ilang araw na rin n'yang pinamukha sa'kin ang pagiging t*nga ko sa gawaing bahay.
Napansin ko si Cindy habang nag-iipis ng tubig galing sa takure. Tinaas baba n'ya ito at ang husay nya. Wow. Dahil sa ka inggitera ko ay sinunod ko ang ginawa n'ya kaso lang....
"Arghhh!" Sigaw naman ni Sir Cendelle ng hindi ko maayos ang pagsalin ng tubig sa baso n'ya at dumiretso ito sa lamesa at na-lapnos ng mainit na tubig si sir Cendelle.
"Ayusin mo nga!" Medyo may diin n'yang hiyaw.
"Sorry po young master." Nahihiya kung wika at yumuko na lamang para di makita ang inis sa kanyang mukha.
"Anong napala ng pabida." —Mari
"Karma." —Janisse
"Akala mo mahusay na eh." Wika ni Mari
Mga narinig kung bulungan ng mga kapuwa ko kasambahay. Grabe naman sila kung makapanghusga. Nobody's perfect 'no? Akala mo kung sino. Hindi ko na sila pinansin.
"Nung isang araw! Pinaso mo'ko, ngayon naman? Sabihin mo, may galit ka ba sa'kin!" May diin ang bawat salita n'ya. Hindi na s'ya umimik kaya nag-angat ako ng tingin. Napansin ko ang mariing pagkagat niya sa ibabang labi at kita ang pagpigil galit nito.
"Sir, ito po ointment." Wika ni Manang Perla at inabot kay Sir Cendelle ang ointment. Wala ngayon ang parents ni Sir Cendelle kaya free s'yang pagalitan ako.
Mabait kasi sina ma'am at sir at saka marunong 'din silang umintindi, unlike kay Sir Cendelle na hindi nagmana sa kaniyang mga magulang. Sa t'wing pinapagalitan ako ni Sir Cendelle, haharangin naman siya ng parents niya at sasabihin na intindihin lang ako.
At ngayon, nakakatakot. Sabi pa naman nina ma'am and sir na may business trip sila at tatlong araw silang mawawala. Hindi yata ako mabubuhay dito ng tatlong araw kung kasama ko naman palagi ang anak nilang gwapo naman pero nuknukan ng suplado.
"Kakausapin kita mamaya sa kitchen, ha." Medyo nagulat ako dahil pasinghal ang huli n'yang binitawang salita.
Kikiligin sana ako sa sinabi nya pero alam ko naman na pagagalitan lang din n'ya ako. Napatango nalang ako.
"Yaya Perla, at Cindy. Kayo muna ang maghanda ng hapag ko baka mamaya 'yung sobrang init na talaga ang ibubuhos sa'kin ni Shia." Wika nito at tiningnan si Manang Perla at tumango naman ito. Umalis na'lang ako sa harapan nila at pumasok sa loob ng silid ko. Bad day.
——————
Habang nasa kusina ako ay siya na'lang ang pagkagulat ko sa biglaang pagpasok ni Sir Cendelle. Nakabathrobe lang siya at basa pa ang buhok nya.
His beautiful eyes, kissable lips, pointed nose, long eyelashes, thicken eyebrows and smooth skin. Sino pa namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya? Pero ang suplado lang.
"Why are you staring at me?” Medyo suplado nitong wika dahilan para bumalik ako sa huwisyo. Sinasabi ko na nga eh. Tiningnan lang siya ang suplado na.
"Manang Perla, Manang Jane and Cindy. Iwan muna kami, kakausapin ko lang ang magaling n'yong kasamahan na lagi nalang akong bigyan ng lapnos sa balat." Mahinahon nitong wika at umalma naman sila.
Naiwan kami ngayong dalawa ni Sir Cendelle sa kusina and I feel awkward the way he walked toward at me and I step-backward. Every moment he forward, I walk backwards hanggang sa nacorner nya ako sa may lamesa.
Napaiwas nalang ako ng ilapit nya ang mukha sa'kin. Hahalikan n'ya ba'ko?!
DON'T MISS THE NEXT CHAPTER
💚💚💚
BINABASA MO ANG
Mistakes from the Past
RomanceIn a world where love holds the power to conquer at all but, "Are you ready to forgive the person who loves you most and give them another chance?" As the saying goes, "love is ready to fix everything." But can your heart withstand the weight of the...