Chapter 1

27K 617 145
                                    

Chrisen

"What's her name mommy?" Nakatingala ako ngayon kay mommy habang hawak nito ang kaliwang kamay ko.

It's my seventh birthday at kasalukuyang idinadaos ang kaarawan ko sa mansyon namin. Maraming bisita at marami rin mga batang kaedaran ko pero hindi ako nakikipaglaro sa kanila. Kadalasan kasi ay nahihiya ako.

Nag-iisa lang akong anak nina mommy Kaede at daddy Datrius. Nilingon ako ni mommy saka ngumiti sa akin.

"You probably don't remember her kasi minsan ka lang niya nakita. She's my best friend, her name is Porcia and she's your godmother."

"Ninang ko po siya mommy?"

Masaya itong tumango. Kapagdakay lumapit ito sa amin ni mommy. Halatang kadarating lang nito at hinihintay ni mommy.

"Kaede, it's been so long. That was six years ago." Malamig ang boses nito.

Niyakap ito ni mommy at yumakap naman ito rito.

"Thank you at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko ngayon Porcia. Kahit alam kong busy ka dahil nag-aaral ka pa rin hanggang ngayon."

Katatapos lang kasing mag-aral ni mommy a year ago and now she's already twenty four. Ibig sabihin ay twenty four na rin ito.

"You already know that I needed my MBA Kaede."

"The great Porcia."

Tumaas lang ang isang kilay nito. Sa murang edad kahit alam kong mataray at masungit ang babaeng ito ay hindi ko mapigilang humanga.

She's sophisticated and graceful. She's tall at sobrang ganda nito sa paningin ko.

Bumaling ito sa akin at sa unang beses na nagtama ang mga mata namin ay tumibok ang munting puso ko. Hindi ko alam pero masaya ako at nahihiya knowing that she's my godmother.

"This is your godchild already, she's Chrisen." Si mommy.

Dahan dahan namang pumantay sa akin ang babae at ngayon ay magkatitigan na kami nito.

"She's very beautiful Kaede. I didn't know she'll grow up like this. Noong nakita ko siya last time. She's only a year old ng bininyagan siya."

Natawa naman si mommy rito. "Girl version ni Datrius pero namana naman niya ang ugali ko. Chrisen." Tawag sa akin ni mommy pero hindi ko maalis ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

"She's your ninang Porcia."

Ngumiti ako rito. "You're gorgeous ninang."

"Thank you."

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Basta ang gusto ko lang gawin ngayon ay makalapit rito. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni mommy at saka dahan dahan akong lumapit rito.

Inangat ko ang dalawang maliliit kong kamay at dahan dahan kong inilapat ang mga palad ko sa mga pisngi nito. Ang lambot at ang kinis. Halos magkapareho kami pati kaputian.

Kapagdakay yumakap ako rito. Hindi ko alam pero gustong gusto ko ang mabangong amoy nito. I think I'm addicted to her. Niyakap naman ako nito.

Ng kumalas ako ay dahan dahan akong umatras at humawak ulit kay mommy.

"Chrisen, let's play." Si Cael.

Lumingon ako rito saka ako ngumiti. "I don't want to play Cael. I'm ok with my mommy. You can ask Cindy to play with you."

Anak ito ni ninang Xyline at kapatid nito si Cindy.

Napakamot naman sa ulo si Cael.

"Naku Cael. Hindi mo maaayang maglaro si Chrisen. Maarte ang anak ko." Natawa naman si mommy.

Napalabi ako. "Hindi ako maarte mommy."

"If I know Kaede. You're over protective to your daughter." Si ninang Porcia. Napabuntong hininga naman si mommy.

"Mabuti na lang at nagkaanak ako ng maaga. Nasabi ko na sa iyo diba? Pagkatapos kasi ng dalawang taon ng maisilang ko si Chrisen. Datrius and I tried everything pero hindi na raw pwede. Plano ko sanang mag-anak na lang muna ng dalawa bago ipagpatuloy ang pag-aaral dahil ayaw ko sanang malayo ang mga agwat nila."

"Maybe there's another way."

"Wala na talaga Porcia. It's only Chrisen kaya ingat na ingat ako sa anak ko ngayon lalo na marami pa siyang allergy in terms of food kaya binabantayan ko talaga ang mga kinakain niya." Tumawa si mommy. "Kulang na lang ay paliguan ko siya ng gatas."

Inaya ito ni mommy para maupo kami sa isang round table. Not minding the visitors na busy sa pagkukwentuhan at pagkain.

"You're not spoiling her right?" Si ninang Porcia ng makaupo ito.

Hindi ko alam bakit sobrang seryoso ito. Napakalamig niya. Abot na abot sa Antarctica.

"Hindi naman. Mabait na bata at iyon ang ipinagpapasalamat ko. Matalino rin. She's doing self study most of the time at ginagabayan ko lang. She's very determined if she wanted to get something. She's an achiever. Kaya nga sabi ni Datrius, hindi pa man nagdadalaga ay nagkakaroon na siya ng problema. If I am over protective to her, mas lalo naman ang asawa ko."

"What if she'll make the same decision as yours Kaede. You know you fell in love with Datrius at a very young age and eventually nagkaroon kayo agad ng anak."

"Hindi naman ako namimili Porcia. Huwag lang niyang sasaktan ang anak ko. Sa parte naman ni Datrius, hindi ko lang alam pero bilang mga magulang ay nandito lang kami para suportahan si Chrisen."

Tumango naman si ninang Porcia.

"Ikaw kailan ka mag-aasawa? Last time nanligaw sa iyo si Jims diba?"

"At this point of my life. Ayaw ko pang magkaroon ng karelasyon. Men are just pain. Most of them are idio-" Hindi ko narinig ang sinabi nito dahil tinakpan agad ni mommy ang mga tainga ko. "I don't see myself with someone else."

"Tatanda kang dalaga?" Takang tanong ni mommy rito. "Sayang ang lahi mo Porcia. Matalino ka at maganda."

Nagkibit lang ito ng balikat bago nagtaas ng isang kilay.

"Kung maging single ako. I don't mind."

Napangiti ako rito. "Ninang, when I get old. I'm going to marry you so you won't be alone. I'm going to take care of you."

Napatingin si mommy sa akin. "Where did you learn that?"

"She's innocent Kaede. Don't make it as a big deal, right beautiful?"

Tumango ako rito habang ngiting ngiti. But I am dead serious. Isang beses pa ay tinitigan ako ni ninang Porcia ng matiim. Nakipagtitigan rin ako rito ng seryoso.

Porcia, I am serious and when I get old. I'm gonna make you mine gorgeous.








●●●●●

Ehem , another story. Maybe it's not the type of story you want but who cares . I . Like . It . Pusoan niyo kung gusto niyo . Happy Valentines Day ! 🇨🇦

Sa aking minamahal na fiancée . RNP. Elle_Ruz I love you so much !
Sa aking matalik na kaibigan. shakiara17 beb, kahit di tayo masyadong nagkakausap. I am grateful, thank you palagi. Lab lab! miss you beshie !

So Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon