Chrisen
Tahimik lang ako ngayong nakatitig kay mommy Kaede. Bumalik na kasi sa akin lahat ng ala-ala ko. Si Cindy, si Cael, si daddy Datrius at si mommy Kaede. Some people and events in the past too.
Napakunot noo ako ng sumakit ulit ang ulo ko.
"Anak ayos ka lang ba?" Tanong nito.
Nandito pa rin ako sa hospital at medyo balot ako ng kumot.
"I'm ok mom."
"Hindi ka ba naiinitan? Kanina ka pa balot na balot."
Nahulog ni mommy Porcia ang cellphone nito habang nagkakape.
"So clumsy." Bulong ni mommy Kaede para hindi ito marinig ng isa saka nito dinama ang noo ko. "Wala ka namang sakit. Anong nangyari at nandito ka sa hospital anak?"
Should I tell her? Hindi kasi sinabi ni Porcia rito na muntikan na akong malunod. Sinabi lang nitong dinala ako sa hospital.
"Muntikan na po akong malunod."
"What?! Why?!"
"Nananakit po kasi ang ulo ko ng sobra. I thought kailangan ko lang ng preskong hangin kaya nagpunta ako sa pavilion pero nahulog po ako ng mawalan ako ng malay."
"And who save you?! Si Porcia?!" Nagpapanic na ito.
"Mommy calm down. Niligtas po ako ni Starr at mommy Porcia." Nanghihina nitong hinawakan ang kamay ko.
"Chrisen, hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nawala ka sa akin. Kahit hindi kasalanan ni Porcia siguro mapapatay ko pa rin siya." Agad napalingon si mommy Porcia sa gawi namin.
"Pete's sake, shut your dirty mouth old hag."
"Hey that's below the belt!" Asik ni mommy Kaede rito.
"Hmm." Humigop ito ng kape. "You should be glad it's not below the ass. My ass."
Napatingin sa akin si mommy Kaede. "Loving her is a big no, it's a mistake. Ang bastos ng magiging asawa mo anak."
Napangiti ako rito. "Mommy-"
Natigil ako ng may kumatok sa pintuan. Pinagbuksan ito ni mommy Porcia at pumasok ang isang doktor. May hawak itong mga papel at sa tingin ko ay mga reports ito.
"Hello Miss Hart." Bati nito kay Porcia. Titig na titig talaga sa girlfriend ko. Tumango lang naman ito with her usual stoic face.
Napatikhim ang doktor bago ito lumapit sa amin. Mukhang bata pa talaga. Hindi kasi ito ang doktor na sumuri sa akin kanina. Iba ito.
"Hello Miss?"
Tumayo si mommy Kaede at humarap dito. "I'm Mrs. Miller, the patients mother."
Alanganin itong napangiti. "Hi Mrs. Miller. I'm doktor Sandejas. Shall I proceed?"
Tumango si mommy rito.
"We've done an xray to her and her lungs seemed perfectly fine. She's lucky dahil agad siyang nailigtas. But here it is." May ointment itong ibinigay kay mommy Kaede.
Parehas kaming natigilan ni mommy Porcia.
"She needs to apply this one para sa mga pantal niya. Nakuha niya siguro ang allergy niya sa tubig Mrs. Miller. Pero anytime, pwede na siyang umuwi. Mag-iingat ka palagi Miss Miller." Baling nito sa akin.
"Salamat dok." Si mommy Kaede.
Ng makaalis ang doktor ay namumula talaga ako. Now mommy Kaede will know about it. Huwag naman sana itong mausisa pero wala ring pag-asa dahil simula pagkabata ko ay ito na ang ginagawa nito, ang alagaan ako.