Chrisen
Nagising akong sobrang inuuhaw at nananakit ang ulo. Sapo ang noong bumangon pero natigilan ako ng makitang hindi ito ang kwarto ko. I remembered we partied last night sa place nina Cash. I'm probably in their mansion right now.
Nagtaka pa ako ng makitang nakasuot na ako ng ternong puting pjs. Sino ang nagpalit sa akin? And where's Cael?
Nalilito man ay pinilit kong tumayo at nagpunta sa banyo. Umihi muna ako bago nagsepilyo at naghilamos. Ng mapunasan ko ang mukha ko ay saka ako lumabas ng washroom at dahan dahang pinihit ang seradura upang lumabas ng silid pagkatapos kong kunin ang cellphone ko sa may bedside table.
I don't need to turn on the light of my phone dahil ng umapak ako sa hagdan ay awtomatikong umilaw sa daraanan ko. Napakunot noo ako ng mapagmasdang sobrang moderno ang mansyon na ito kumpara kagabi. Hindi kaya nauntog ang ulo ko at parang ang lakas naman ng tama ko ngayon?
Nagpatuloy ako sa paglalakad pababa ng hagdan. Ng makarating ako sa sala ay ganun rin ang nangyari. Umilaw ang bawat sulok.
Inilibot ko ang aking paningin ng makita ko ang malaking portrait ni Porcia sa dingding. Literal na nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ang cellphone ko. Muntikan na rin akong mapasigaw dahil sa gulat. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.
Why is her photo here? Huwag nitong sabihing nasa mansyon ako nito? I don't remember anything maliban sa..
I will pick you up later.
Pero wala akong natatandaan na pinuntahan ako nito dahil una ay hindi nito alam ang address nina Cash.
I must've drunk so much.
Dinampot ko ang cellphone ko sa carpeted na sahig at saka ako nagmamadaling pumunta sa kitchen. Hindi ko na kailangang magsindi pa ng ilaw dahil parang sensor ang mga ito na kapag dadaanan pa lang ay iilaw na.
Pagkalapag ko ng cellphone ko sa lamesa ay kumuha agad ako ng baso at sinalinan ng malamig na tubig sa ref. Ininom ko ang isang basong tubig saka ulit ako kumuha.
Ang sarap sa pakiramdam na mapunan ang sobrang kauhawan. Ininom ko ulit ang pangalawa at umikot para sana sumandal ng bumalik ang iniinom ko dahil sa gulat.
Hindi na ngayon isang portrait ang nasa harapan ko kundi isang totoong Porcia. Masungit, mataray, yelo, at walang emosyon ang mga matang nakatitig sa akin.
Mabilis kong inilagay ang baso sa lababo at pinunasan ang aking bibig bago ulit humarap dito.
"Ano ba! You're scaring me!" Dahil sa takot at gulat ay nahalo na rin pati ang aking inis. Pwede naman kasi itong magsalita. Uso naman dahil pareho kaming may bibig.
She can simply say, 'Good morning, wife!'
-pero naalala kong divorced na nga pala kami at mayroon ng mga sariling buhay.
"Good morning." Hindi ko alam kung nagiging sarkastiko ito o ano.
Napasuklay ako sa aking buhok gamit ang mga daliri ko at nagdesisyong umuwi na lang. Lalagpasan ko na sana ito ng pigilan ako sa braso.
"And where do you think you're going Chrisen?"
"And what do you think why you're touching me Porcia?" Tinanggal ko ang pagkakahawak nito sa akin. "I am going home. Obvious ba ninang? Hindi ko ito bahay." Sarkastiko ko ring sagot rito.
Tinitigan ako nito ng malamig. "You're getting on my nerves, young woman."
"Well, you're getting under my skin, old woman."
"Stop disrespecting me Chrisen! Do you know what you did last night?"
"No." Maikling sagot ko rito. I just want to get away from her.
"Exactly." Malamig na wika nito. "Natutulog ka sa banyo ng madatnan kita. And where's that little boy na nagsabing aalagaan ka? Lasing din."
Natulog ako sa banyo? Heck no.
"Thank you Porcia pero sinabi ko na sa iyo noon pa. Stay out of my life dahil hindi ako nakikialam sa buhay mo. We're through."
Nakita kong nag-ngalit ang mga ngipin nito sa inis pero wala akong pakialam. Hindi na rin naman ito umimik.
I saw it was six o'clock in the morning already at may klase ako ng nine o'clock. I have to go home and prepare at least man lang ay makapagpahinga pa ng kaunti.
Nilagpasan ko ito at ini-unlocked ang cellphone ko. I don't know where I am right now dahil unang beses akong nakaapak sa mansyon ni Porcia.
Gagamit na lang ako ng google maps para makita ko ang eksaktong lokasyon ko ngayon. When I opened the maps saka naman ulit nagsalita si Porcia.
"I'll drop you off."
"No, I can manage myself." Pagmamatigas ko rito.
"I'm the one who brought you here and took care of you-"
"Well, thank you." Putol ko rito saka ito hinarap. "I didn't ask you to do it when, in fact, I told you to stay away from me. If something happens to me, it's no longer your concern."
"Well, let's see kung anong sasabihin ni Kaede about this matter."
Natigilan ako sa sinabi nito. Like I've said, makulit lang ako but I'm not a bad daughter. At ayaw kong bigyan sila ng kahit anong kahihiyan at disappointment sa buhay. At dahil naging irresponsable ako kagabi. Alam kong madi-disappoint sila sa akin. They trusted Cael. They trust me all the time at ayaw kong masira ang tiwalang iyon.
"What do you want Porcia?"
Baka pwede itong masuholan kung sakali pero sinong niloloko ko? Lahat ng bagay ay mayroon ito pwera na lang ang asawa at anak. Well, anak niya ako sa binyag pero pwede naman din ako nitong maging asawa pero never kong pinangarap na may kahati.
In order for her to have me. She needs to let go of her so-called daddy Aiken.
"Layuan mo si Cael."
Ngumiti ako ng matamis rito. "Layuan mo si Aiken." Ginaya ko pa ang tono nito.
At bakit ko naman lalayuan si Cael?
"He already asked for permission para ligawan ako so I see no point para lumayo ako sa kanya. You love your guy right? I like Cael as my guy."
Parang may dumaan na kung anong emosyon sa mga mata nito pero saglit lang. Bumalik din agad sa pagiging sobrang lamig.
"You said you love me. Therefore ay lolokohin mo lang si Cael lalo na ang sarili mo."
Mahina akong natawa rito.
"So what? You don't feel the same way kaya bakit ako magpapaka-loner just because wala itong katugon mula sa iyo? I want to be happy at kung ang ibig sabihin pa non ay kalimutan kita. I am willing to do it. Don't you think I deserve to be happy with someone who can love me wholeheartedly and treat me well?"
Ng hindi ito sumagot ay lumapit ako rito isang dipa lang ang layo.
"I'll have you or not in this life, Porcia. It doesn't mean I'll end up lonely because I've loved you and you've never returned my feelings. My world doesn't stop there; it doesn't stop revolving around you."