Chapter 17

7.6K 270 6
                                    

Chrisen

"Because I like this one." Sagot ko kay Porcia ng makita nito ang kabuoan ng penthouse.

Bumisita lang ako rito dahil matagal na itong binili ni dad para sa akin but living here is a no for me. Bakit gugustohin kong maging independent kung mag-isa na nga lang akong anak? I want to stay with my parents.

Ayaw kong malungkot ang mga magulang ko. Kagaya ng sinabi ko, isa akong mabuting anak.

"You're not going to live here."

"I still don't know yet." Hindi ko naman ito pwedeng ibenta kahit hindi ko ginagamit. It might be an investment na lang since I don't want to sell properties lalo na kapag regalo sa akin kagaya ng hacienda. Malaki ang sentimental value sa akin.

"Well I'm telling you already. Your bathroom doesn't even have any curtain."

Napangiti ako rito. "Dahil sa tayog ng building na ito mommy. I think deserve naman makita ng kung sino mang daraan rito ang dapat makita within eight hundred fourty feet high, tama ba?"

Hindi ito nagsalita at tinitigan lang ako nito ng malamig.

Why so hot mommy?

"Anyway, I'm not going to live here. Hindi ganito ang pinangarap kong kalakihan ng magiging anak natin. Kung ayaw mo sa mansyon namin. Doon ako sa mansyon mo."

"Wala akong sinabing pakakasalan kita."

Nagkibit balikat ako rito. "It's fine. Whoever will marry me."

I've learned to take her words not so serious sa mga nagdaang araw kasi kung papansinin ko. Masasaktan lang ako o di kaya ay maaapektuhan. We have come to terms already that I love her and that she likes me pero wala kaming label.

Hindi ko rin alam kung sila pa ni Aiken kasi hindi naman ako nagtatanong. Maybe I got tired of it. Kung may nararamdaman siya sa akin. She needs to figure out dahil matanda na rin naman siya para pag-isipan ang mga bagay bagay. She needs to make up her mind.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa shoulder bag ko. Si Cindy.

"Yes-"

"Chrisen!" Napahawak ako sa aking dibdib ng marinig ang pag-iyak nito. Hindi kasi ito umiiyak unless na seryoso.

"Teka." Ninenerbyos kong wika rito. "May nangyari ba?"

"Please come. Kailangan kita ngayon."

Agad akong naglakad at papalabas na sana ng penthouse ng pigilan ako ni Porcia sa pulsohan.

"Where are you?" Hindi ko pinansin si Porcia at pilit na binabawi ang kamay ko rito.

"Nasa hospital ako. Si Cael nadisgrasya sa minamaneho niyang big bike."

"Ano?!" Sigaw ko rito. Kumabog na ng husto ang dibdib ko at palagay ko ay nanghina ako.

Kaibigan ko si Cael kaya masamang balita ito para sa akin. He's a good guy.

"How is he?! Nasaang hospital ka?!" I force to free myself from Porcia's grip pero masyadong mahigpit ang hawak nito.

Kakasabi lang ni Cindy sa akin kung saang hospital ng agawin ni Porcia ang cellphone sa akin at patayin ito.

"Why did you do that?!"

"Calm down Chrisen will you? Walang mangyayari kung ganyang natataranta ka. I will drive you there."

Saan naman ako sasakay kung sakali e sasakyan naman nito ang ginamit namin kaninang nagpunta kami rito.

"Let's go mommy!" Ako na ngayon ang humatak rito. Wala na akong pakialam kung pareho pa kami nitong naka-heels. Ang mahalaga ay makita ko kaagad ang kalagayan ni Cael.

Pagdating namin sa hospital ay hindi ko na hinintay pa si Porcia. Nagmamadali akong naglakad papunta sa loob ng hospital at hiningi ang room number ni Cael pero sabi ng mga ito ay nasa ICU pa at under observation.

"Will you wait?" Si Porcia at ito na mismo ang humawak sa kamay ko. Pinagsalikop ko ang mga kamay namin at hinatak ulit ito papunta sa elevator ng hospital. Ng makarating kami sa ICU ay nakaupo si Cindy habang nakayuko at parang nag-iisip. Mababakas ang sobrang pag-aalala sa mukha nito.

Binitawan ko ang kamay ni Porcia at nanghihinang naglakad palapit rito.

"Cindy."

Agad naman itong nag-angat ng tingin. Namumula ang mga mata nito dahil sa pag-iyak.

"It's my fault Chrisen." Napaiyak ulit ito kaya lumapit ako para mayakap ito.

"Hey, it's not you."

"Ilang beses na iyan sumemplang noong nasa ibang bansa ka pa kaya itinago ni mommy ang susi. Hindi ko aakalain na makikita niya ng hindi sinasadya kanina. Nagkasagutan pa kami kanina dahil hindi ko talaga pinayagan pero isang beses lang daw dahil bibili lang ng bulaklak para sa iyo at mabilis lang daw dahil idadaan lang naman daw, babalik din kaagad. I told him to just use his car pero ayaw niya."

"It's not your fault. Alam mo na kung gaano kakulit si Cael."

"Kakasabi ko lang kay mommy kanina ang nangyari at on the way na sila. Alam mo namang nasa Cebu sila ni daddy ngayon."

I don't know what to say anymore. Ng kumalma si Cindy ay saka ako kumalas ng yakap rito. Dahan dahan akong naglakad palapit sa may salamin para makita si Cael.

Napahawak na lang ako sa salamin ng makita ang kalagayan nito. Nakataas ang isang paa nito na parang nabali. Ang daming nakakabit na tubo rito at halos hindi na makita ang mukha dahil sa dami ng benda sa ulo.

Hindi mapigilang umagos ang mga luha ko ng maalala ang ngiti nito. So ako ang rason kung bakit nadisgrasya ito. Hindi naman nito kailangang bumili ng bulaklak para sa akin. Palagi akong masaya kapag nasa tabi ko ito. He's fun to be with and he's a good guy na kahit sino ay magugustohan ito pero isa lang ang problema. He's a dear friend of mine. Wala naman akong magagawa dahil si Porcia ang mahal ko pero pwede akong bumawi rito.

I can personally take care of you Cael..

Naramdaman ko ang paghawak sa akin ng isang pamilyar na kamay.

"He'll be fine." Si Porcia.

I forgot that she's here with me, with us. Humarap ako rito saka ito niyakap.

"He's not because he loves me and I can't return it because I love you." Mahinang wika ko rito. Sapat para ito lang ang makarinig dahil kasama namin si Cindy ngayon.

"I don't want to lose Cael, mommy."

"He's going to be ok, Chrisen."

So Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon