Chapter 15

7.9K 302 12
                                    

Chrisen

Tatlong araw akong hindi nakapasok sa eskwela dahil nagkasakit ako. Pagbalik ko ng eskwela ay kailangan kong humabol. Madali lang naman dahil matalino ako pero kailangan ko pa rin ng sapat na oras.

Kasalukuyan ako ngayong nasa pavilion at nakatitig sa mga halaman ni mommy na nasa hardin nito. Iba't ibang klase ng imported na rosas at ang titingkad ng mga bulaklak. Mayroon pa itong mga tanim na iba't ibang tulips at mga orchids.

"Gusto mo bang sumama sa amin anak?"

Lumingon ako kay mommy at ngumiti rito. "I'm fine here at home mom."

Pupunta kasi sila sa isang probinsya upang bisitahin ang hacienda naming kabibili lang ng mga ito. At dahil mahilig si mommy sa mga prutas ay binili nito iyon upang iregalo sa akin ng malamang maraming tanim na puno ng mga mangga, niyog, avocado, calamansi, at kung ano ano pa idagdag pang malawak daw ang nasasakupan ng mga punong mahogany.

Gusto pa nitong dagdagan ng maraming klase ng prutas kaya umorder na rin ito ng mga itatanim. May tagapangalaga na agad na itinalaga doon. Gusto ko sanang sumama pero wala ako sa mood bumiyahe ngayon dahil kagagaling ko lang sa sakit.

"Get well soon." Lumapit ito at niyakap ako bago bigyan ng halik sa noo. Yumakap rin ako dito.

"I will my."

Dumating si daddy at pati ito ay nakiyakap na rin.

"Behave Chrisen. Kung masama pa ang pakiramdam mo. Huwag kang lalabas. Don't worry, tinawagan ko na si ninang mo para samahan ka muna rito." Si daddy.

Agad akong napahiwalay sa mga ito. "Hindi niyo na sana ginawa dad. Ok lang ako rito. Alam kong masyado ring abala si ninang kasi dalawa ang trabaho niya at hindi biro iyon."

"It's fine. She said she'll come. You know her right? Kapag abala iyon, hindi sasagutin ang tawag ko kahit magunaw ang mundo." Natawa sila ni mommy pero hindi nakakatuwa.

"Isa pa, linggo naman ngayon. I'm pretty sure it's fine with Porcia. Alam mo namang paborito ka non."

Lihim akong napairap. Fuck that.

I'm keeping my distance to Porcia pero ang mga magulang ko rin talaga ang naglalapit sa matandang iyon sa akin. Kung hindi iniimbitahan para kumain ay kailangan talagang pabantayan ako. Hindi na ako bata. Kayang kaya ko na ang sarili ko. At si Porcia naman, kung ako ang pinag-uusapan. Nagiging manang ng husto. Over acting masyado.

Nakikita ko na. Wala akong pag-asang maka-move on. Siguro kailangan ko na lang landiin ng husto para bumigay at tugonan na lang ang pag-ibig ko.

Bahala silang maging manugang ang kanilang kumare. Nagbibigay na ako ng senyales na pulang bandila si Porcia pero parang wala lang.

"Datrius, huwag na lang kaya akong sumama? Our poor daughter needs me."

Umiling ako rito. "Mom, sumama ka na po kay daddy. I can handle myself. Matanda na po ako."

"That's my girl." Si daddy.

"Are you sure? Kasi ako hindi ako sigurado."

Natawa ako rito. "Sige na mommy. Mag-iingat po kayo ni daddy sa biyahe."

Ng makaalis ang mga ito ay nanatili pa rin ako sa hardin ni mommy ng ilang sandali.

"Ma'am kumain na po kayo."

"Pakiligpit po. Hindi ako nagugutom." Wika kong hindi tumitingin rito.

Napatingala ako sa langit. Ang ganda ng panahon ngayon. Siguro masarap lumabas para mamasyal sa tabing dagat. But the last time I've been there with Cael ay naulanan kami kaya ako nagkasakit.

"Chrisen. I brought some foods for you kaya sinabi kong ihanda para sa iyo."

Napalingon ako at awtomatikong napangiti ng makita si Cael. Lumapit ito sa akin at yumakap ito. I am comfortable with Cael dahil halos lumaki kami ng sabay at kahit noon na ay malapit kami sa isa't isa. Siguro iyon din ang dahilan kung bakit ito nahulog sa akin.

"I'm sorry about what happened to you Chrisen. Hindi ko sinasadya. I just want to spend some time with you, hindi ko naman aakalain na uulan ng araw na iyon."

"Ayos lang Cael. It's not your fault saka kahit nagkasakit ako. I still want to say thank you. Nag-enjoy ako ng araw na iyon."

Humiwalay ito sa akin. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"I'm ok now." I pinch his left cheek. "Ang cute mo yata ngayon? May bago ka ng pinupormahan?" Biro ko rito. Natawa ito.

"Ako? Ikaw lang ang gusto ko pero may mahal ka namang iba." Unti unting nawala ang ngiti ko.

"I'm sorry Cael."

Umiling ito sa akin habang nakangiti pero kahit ganun ay nakikita ko pa rin ang sakit sa mga mata nito.

"It's not your fault Chrisen. I can't force you to love me. Masakit man pero tanggap ko. Ayos na rin sa akin kung magkaibigan lang tayo."

Lumapit pa ito sa akin hanggang isang dangkal na lang ang agwat ng mukha namin.

"I love you so much Chrisen and you don't have to say anything. Can I hug you?" Tumango ako rito kaya dahan dahan ulit ako nitong niyakap. This time ay niyakap ko ito pabalik.

"Thank you for everything Cael."

"What's happening here?!" Si Porcia na kadarating lang at naghahasik na agad ng kalamigan.

Agad humiwalay sa akin si Cael. "Miss Hart, ikaw po pala. Napadalaw po kayo?"

"I am here for Chrisen."

Napakamot na lang si Cael sa kasungitan nito.

"Chrisen, mauuna na ako. Kumain ka ha? Dumalaw lang talaga ako para kumustahin ka."

"Salamat Cael. Mag-iingat ka pauwi. Drive safe ok?"

"A'righty. Pagaling ka Chrisen. See you in school tomorrow."

Ngumiti ako rito. "See you."

Ng makaalis si Cael ay humarap ako sa matandang masungit.

"How do you feel?" Malamig na tanong nito.

"I'm ok now Porcia." Lumapit ako rito at kinuha ang kanang kamay nito saka sana magmamano pero mabilis na binawi nito.

"He got a hug from you and I get a what? Ang pagmamano, pagbibigay galang sa matatanda. Are you rubbing on my face that I am really old already Chrisen?"

Napangiti ako rito. Ngayon ko lang napagmasdan ang suot nito. Dang she's smoking hot.

"You're talking too much now Porcia. I hope you're aware that you're becoming a one hot wild mommy."

"Language Chrisen."

Lumapit ako rito. "You like me so don't expect me to respect you now." Dahan dahan akong yumakap rito. "Can we stay like this for awhile perhaps forever?"

Hindi ito nagsalita pero hinayaan naman ako nito. I got the chance to hug her and sniff her addicting scent.




"I love you so much Porcia."

So Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon