Chrisen
"Congratulations and happy birthday hija." Bineso ako ng isa sa mga kaibigan at kasosyo ni daddy sa negosyo.
"Salamat po."
"You're gorgeous hija. Bagay kayo ng anak kong si Leviticuz." Dagdag pa nito.
Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi nito.
"Um.. Hindi po ako naghahanap ng lalaki."
"Oh I know, bata ka pa hija. Perhaps kailangan niyo lang ng maraming panahon para lubosang makilala ang isa't isa." Nakangiti pa ito ng todo.
Mukha namang mabait pero hindi ko ito ramdam maging biyenan. And I am ready to wipe that smile on her face.
"I am not looking for any male specie po. I am part of LGBT. May girlfriend po ako."
She was taken aback. Tinitigan ako nito ng mabuti bago ngumiti.
"I used to be just like you hija pero sinaktan ako ng babaeng minahal ko. Naglasing ako which led to a one night stand at nabuntis ako. Kahit ayaw ko, nagpakasal kami ni Lucio. Natutunan ko naman siyang mahalin."
"Really po?" I was so amaze kasi akala ko iba ang magiging reaksyon nito.
Tumango ito sa akin. "Yes, kaya kung saan ka komportable at masaya, doon ka. Hindi lang ako makapaniwala kasi look at you, you're very feminine and gorgeous hija."
"Thank you po."
Tinap nito ang balikat ko. "I'll go ahead hija. Asikasuhin mo muna ang mga ibang bisita mo."
"Chrisen!" Si Cael ng makaalis ang ginang na kausap ko.
"Hi Cael!" I beamed.
"Pwede ba kitang maisayaw?" Napapakamot ito sa ulo.
Tuloy pa rin naman ang kasiyahan. May mga kumakain since open buffet ang ginawa nina mommy Kaede at daddy Datrius. May mga sumasayaw din at handa na akong isayaw lahat ng mga pinsan ko, mga Tita mommies at Tito daddies ko.
"Sige." Inakay ako nito sa dancefloor at saka kami sumayaw.
"How are you Chrisen?" He ask. Hawak nito ang beywang ko habang nakahawak ako sa mga balikat nito.
"I'm fine. Ikaw? Kumusta na ang kondisyon mo?"
Ngumiti ito sa akin. "Bumalik na lahat ng ala-ala ko kaya ngayon mahal na ulit kita."
"Cael."
Natawa ito. "I'm just teasing you Chrisen but whatever happens. Mag-asawa man ako ng iba. Ikaw pa rin ang one great love ko."
Natigil kami ng may kunwaring napaubo sa tabi namin. Si daddy Datrius.
"Can I dance with my daughter Cael?"
"Sure Tito."
Ibinigay ako nito at sumayaw naman kami ni dad ngayon.
"How's your heart sweetie?"
Napabuntong hininga ako. "Longing for that old woman."
Napangiti ito. "Let's just hope that she's in good shape right now. Kahit ganun si Porcia, I'm happy for the both of you."
"Daddy bakit ang dali mong natanggap ang relasyon namin?"
"Mahal kita anak at gusto ko lang ay maging masaya ka. I am your dad, I can give you everything pagdating sa materyal na bagay pero pagdating sa emosyon, hindi ko iyan pwedeng panghimasukan at kontrolin. Ikaw ang nakakakilala sa sarili mo. You never ask me anything, hindi mo kami binigyan ng sakit ng ulo ng mommy mo and loving someone like Porcia. Why not? May edad nga siya pero hindi ka naman kabit, iyon ang mahalaga. Life is too short para maging perpekto."