Chapter 30

5.9K 307 25
                                    

Porcia Era

"Something wrong baby?" I asked Chrisen ng makitang titig na titig ito sa akin.

Simula noong mangyari ang aksidente ay hindi pa ito nakakapagsalita. I understand that she's in trauma but we're really shocked when Doctor Weis told us that Chrisen have traumatic mutism. It was an act of unwillingness or refusal to talk.

Madalas itong balisa pero hindi na ito kagaya dati na nakatulala lang. Siguro ay hindi pa ito handa.

Hinawakan nito ang kanang pisngi ko. Kunway napaubo si Datrius pero hindi ito pinansin ni Chrisen.

Nandito sila dahil madi-discharge na si Chrisen and I am taking her home since she doesn't remember her parents and she's comfortable with me na matinding tinutolan ni Kaede noong una pero sa huli ay wala itong nagawa.

Inaatake ng anxiety si Chrisen while she learned how to ignore everybody and she only focus on me. I felt bad for Kaede and Datrius pero sa sitwasyon ni Chrisen ngayon, I am more than willing to take care of my baby.

"Are you hungry?" Tanong ko dahil hindi ako sigurado kung ano ang gusto nito.

Hinawakan ko ang kamay nitong nakahawak sa pisngi ko at marahan itong pinisil. I fed her already, in fact ay napalitan ko na rin ang damit nito pagkatapos kong punasan kanina.

Nakahanda na lahat ang mga gamit naming uuwi.

Hindi ko inaasahan na hahalikan ako nito sa pisngi ko. Namula ako dahil sa hiya. Dati na, Chrisen's bold and daring towards me pero lumala ngayon dahil kahit nasa gilid lang sina Datrius at Kaede ay parang wala itong ibang iniintindi kung hindi ako.

She used to steal kisses pero mas maganda na ngayong sa pisngi kaysa nakawan ulit ako ng halik sa leeg ko.

Nagkasakit man ito, hindi pa rin nagbabago ang pagiging makulit nito.

Napalunok ako at pilit inignora ang kaibigan ko at asawa nito kahit nakikita ko sa gilid ng mga mata kong panay ang simpleng hampas at yugyog ni Kaede kay Datrius. I know, sa akin ito nanggigigil but Chrisen made it clear already kahit na may sakit ito. Walang makakahadlang sa amin.

I cleared my throat bago ito tinulongang makatayo at pinaupo sa wheelchair. Inipit ko sa tainga nito ang ilang hibla ng buhok nitong tumabing sa mukha nito.

Hinawakan ko ang wheelchair nito at handa ng itulak ng makita si Kaede na naiiyak. Sa sitwasyong ito ay hindi ko alam ang gagawin ko. Ang gusto ko lang ay gumaling at mapabuti si Chrisen at alam kong iyon din ang gusto ni Kaede at Datrius but Chrisen doesn't remember them. I am not heartless para ipilit na alagaan ito ni Kaede if Chrisen is not ok with it.

What Chrisen wants, her condition matters.

Binuksan ni Datrius ang pintuan at tinulak ko na si Chrisen palabas ng kwarto nito. Nasa labas si Starr kasama ang kapatid nitong si Tauros. Sila ang kinuha ko para magbuhat ng mga ilang kagamitan namin. I am not comfortable with other people but Starr has been with me eversince I moved to my new house. So I asked her kung may kapatid itong gustong umekstra para lang mabuhat ang mga gamit namin.

Ng makalabas kami ng hospital ay dumiretso agad ako sa sasakyan ko. Tinulongan kong makatayo si Chrisen mula sa wheelchair at binuksan ang passengers door pero yumakap ito sa akin.

I forgot siguro ay may trauma na rin itong sumakay sa harapan. Niyakap ko ito pabalik to comfort her.

Ng mailagay ni Datrius ang mga gamit namin sa likuran ng sasakyan ko dahil tinulongan nito si Tauros pagkatapos ibalik ang wheelchair ay saka ito bumaling sa akin.

"Please, take care of my daughter Porcia." Ramdam kong labag sa loob nito pero kagaya ni Kaede ay wala itong magawa.

"Without a doubt." Wika ko habang hinahaplos ang buhok ni Chrisen.

Lumapit ito sa amin bago ito humalik sa ulo ni Chrisen, ganun din ang ginawa ni Kaede na hindi mapigilang umiyak. Gusto man nitong yakapin si Chrisen ay baka pumalag kagaya kahapon.

"Don't do anything stupid to my daughter Porcia. Don't you dare touch her." May pagbabanta sa boses nito.

"All I want is the best for Chrisen. She's in good hands."

"Huwag mo siyang gagalawin." May diin sa salita nito.

Tinaasan ko ito ng isang kilay. "Paano kapag ako ang ginalaw niya Kaede?" Hindi ko mapigilang hindi magtaray rito.

Ang lakas kasi ng boses to the point na kung saan saan na tumitingin si Starr para lang masabing hindi ito nakikinig at naiilang and for pete's sake! Tauros is only a teenager!

I might as well give her a dose of her medicine and that is to show an attitude.

"Delusional."

"Siguro Kaede. Isa akong hangal sa paningin ng kahit sino but our friendship, my age, being her godmother doesn't define and limit the love we have for each other. I maybe older for seventeen years but Chrisen is my person in this life and you have nothing to say about what we feel."

"Hon, let's go." Si Datrius at inakay na nito si Kaede para hindi kami nito magkainitan pero pumalag ito.

"I know my way ok?! Saka hindi pa ako tapos!"

Itinaas ni Datrius ang dalawang kamay nito sa ere na parang sumusuko.

"We're done here. We're going mom." Sarkastikong paalam ko rito. Sinamaan ako nito ng tingin.

"Drive my car Starr." Binigay ko rito ang susi. Nauna na itong sumakay at pinaandar ang sasakyan. Pinagbuksan kami ni Tauros sa likuran.

"Hey it's ok." Hinaplos ko ulit ang buhok nito. "I'm here sugar plum. Let's go home." Nauna akong pumasok habang hindi binibitawan ang kamay nito kaya magkasunod lang kami. Ng makaupo ako ay hinila ko ito payakap sa akin. Isinara ni Tauros ang pintuan saka ito sumakay sa harapan.

The ride back home was quiet peaceful. I am so relieve na makakauwi na si Chrisen after six weeks sa hospital.

Nakarating kami sa bahay na magkayakap pa rin sa isa't isa. Ang kaibahan lang ay natutulog si Chrisen. Nauna ng lumabas si Starr at Tauros upang ipasok ang mga gamit.

Tinitigan ko itong mabuti. She's so damn beautiful. A perfect creation.

Nagising ito ng maisara ang trunk sa likuran. Tumitig ako sa mga mata nitong nakakatunaw sa puso ko. She look so innocent.

"You're mine, my delusional koala." Hinalikan ko ito sa noo. Mula sa noo ay bumaba ang halik ko sa mga mata nito, sa tungki ng ilong.

"I love you Chrisen." And I captured her lips. The most sweetest and softest I've ever tasted.










All mine.

So Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon