Porcia Era
"Come on, eat more amore." Udyok ko rito ng makitang parang wala na itong ganang kumain pa. Binaba na kasi nito ang mga hawak na kubyertos.
"Sige na anak. Kumain ka pa. Ang liit pa lang ng nakakain mo." Si Kaede.
Dumalaw kasi ito sa bahay ngayon para kumustahin si Chrisen. It's been almost a week simula ng tumira ito sa akin. May kaunti na itong progreso pero lately ay nagiging bugnotin ito.
I asked her nicely if Kaede can come and visit her pero matagal bago ito sumagot ng simpleng tango. Masaya si Kaede na kahit papaano ay nakabisita ito.
I cleared my throat.
Hinawakan ko ang isang kamay nito at marahang pinisil. I know she's not ok with Kaede o kahit na sino dahil nakikita pa rin na hindi ito komportable sa presensya ng ibang tao. Hindi ko rin pwedeng sabihing nagkukunwari ito dahil talagang makikita sa mukha nito ang kawalan ng rekognisyon.
And for the past seven days, I see no signs of her remembering or mentioning about her parents which is rare kasi dati kahit mensahe lang ay nagagawa nito sa mga magulang nito. I know Chrisen, she's stubborn pero hindi ito isang irresponsableng anak.
"Hey it's ok." Hinalikan ko ang kamay nito. "Do you want to eat more amore?"
Dahan dahan itong tumango kaya kinuha ko ang kutsara nito at sinubuan ito. Kumakain rin ako at ganun rin si Kaede na tahimik lang at panay sulyap kay Chrisen at sa kamay naming magkahawak.
Ng matapos kami ay pinainom ko ito ng tubig bago punasan ng tissue ang bibig nito. Tumayo ito at tinignan lang si Kaede bago umalis.
Napabuntong hininga ang dati kong kaibigan bago ito napatitig sa akin.
"Thank you for taking care of my daughter. Nagkulang kami ng pang-unawa sa nararamdaman ng anak namin Porcia pero balang araw, kung magkakaroon ka ng sarili mong anak. Maiintindihan mo ang nararamdaman namin ni Datrius bilang mga magulang."
Nagpunas ako ng aking bibig bago sumandal sa upuan ko at tumingin rito ng deretso.
"Wala akong masamang intensyon kay Chrisen. I fell for her and it was out of my control. Kagaya ng palagi kong sinasabi. Wala ito sa plano."
Napatango ito. "Datrius and I talked these past few days. Narealize namin lahat ng nangyari bago ang aksidente ni Chrisen. She's a very good young lady. Noong araw na maaksidente siya, napagsalitaan ko siya at muntikan ko ng masaktan. Para kong nakita si Datrius sa kanya noong mga panahong pinaglaban niya ako habang dinadala ko si Chrisen."
Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatitig rito. I want to listen sa lahat ng bigat na nararamdaman at dinadala nito. It's the only thing I can do for unintentionally stealing Chrisen in their lives.
"Pinaglaban ka niya sa akin. Unang beses niya akong sinagot, unang beses niya akong sinuway at hindi ko talaga iyon matanggap. Pero mas masakit pala ngayon na parang pagkakataon na ang humiling na ilayo siya sa amin." Her tears started to fall pero agad nito iyong pinalis.
"There's a lot of what if's pero lahat ng iyon ay wala ng silbi. Nangyari na ang lahat. For how long Chrisen won't remember us ay hindi ko alam. At hindi ko alam kung sinusubok ako ng pagkakataon ng pagiging isang ina ko ngayon sa kanya."
Ako naman ngayon ang napabuntong hininga.
"My house is open for you anytime you want to come and visit her. I'm here hanggang sa tuloyan siyang gumaling. I promise to take care of her hindi lang ngayon." I lean forward at pinagkrus ko ang mga braso ko sa harapan ng dibdib ko.
"You have my word Kaede. I will take care of her as long as she's with me, as long as she loves me and as long as she's delusional to me. I'm in love with Chrisen, alam mong pihikan ako dati pa. Nagkaroon kami ng ugnayan ni Aiken pero maikli lang iyon na panahon. I'm not even comfortable with the relationship na meron kami noon kasi akala ko mahal ko siya."
"But I thought what you had with Aiken is real."
"I thought so, too. But Chrisen is real to me. Your daughter loves to pest me; she loves to tease me. She loves to test my patience. She's a flirt, kagaya mo noon kay Datrius."
"Gaga."
"But Chrisen." Napabuntong hininga ulit ako. "I think kaya hindi ako nagkakagusto sa iba dati pa dahil subconsciously ay hinihintay ko talaga siya. Thank you sa maagang paglalandi."
Napairap ito sa akin. "Tang ina mo Porcia."
"Kung hindi dahil doon, you wouldn't give me my person. You gave me my happiness and contentment in life. You save me from growing old alone. Chrisen was the missing piece, and she filled my life with colours. So thank you, mom."
Napasuklay ito sa buhok gamit ang mga daliri habang nagsasalubong ang mga kilay nito.
"Tang inang mom na yan. Ok na e, pero trip mo talaga akong asarin. Kaede na lang total naman magkaedad lang tayo. Ang kapal ng mukha mo kung tatawagin kitang anak. Si Chrisen lang ang iniluwal ko. Mas magandang magkaibigan na lang tayo. Wala ng ibang label bukod doon."
"So tanggap mo na ako?"
"Bilang kaibigan oo pero bilang manugang hindi. Kung magkakatuloyan kayo ni Chrisen, magkaibigan pa rin tayo. Ayokong tawagin mo akong mama o mommy o kung ano pa. Kilabutan kang hayop ka."
Napangiti ako rito. "Walang problema. So kapag nagkaanak kami ni Chrisen. Tita ang tawag ng bata sa iyo kasi magkaibigan tayo."
"Pak yu ka talaga." Tumayo na ito. "Sige na, aalis na ako. Alagaan mong mabuti ang anak ko." Aalis na sana ito ng lumingon ulit. "Don't abuse her. You know better Porcia."
"Bye friend." Wika ko.
Ng makaalis ito ay tumayo na rin ako. Saka pa lang sumulpot si Starr para mag-ayos.
"Eat first before you organize everything."
Iniwan ko ito sa kitchen at saka ako nagpunta sa sala. Chrisen wasn't there kaya umakyat ako sa itaas. Ng makapasok ako sa kwarto ko ay nakita ko itong nakatayo sa may bintana. Nakatanaw sa labas at parang balisa na naman.
Lumapit ako rito at niyakap ito mula sa likuran bago halikan ang kanang balikat nito. Hinawakan naman nito ang kamay kong nakapulupot rito.
"Amore, something wrong?"
Umiling ito bago umikot at ilagay sa batok ko ang isang kamay nito at ang isa ay sa balikat ko.
Nakita kong dahan dahang bumuka ang bibig nito pero wala namang masabi.
"What is it?" Itong puso ko ay bumibilis ang tibok.
This is Chrisen's first attempt to talk after Doctor Weis declared that she's suffering from traumatic mutism.
I waited for a couple of seconds habang pinagmamasdan ang mukha nitong maganda na may halong pagkalito.
"Amore?"
"I.. love you."