Chrisen
My life is like a hell simula noong umapak ako ng Australia. Noong mga panahong kadarating ko rito ay wala akong ginawa kung hindi ang umiyak at magmukmok.
Porcia lied, she lied to me.
Ang sabi niya ay mag-uusap kami. But never once did I receive a message from her. Her social media accounts are all blocked. Tinatanong ko si mommy Kaede pero wala itong maibigay na sagot sa akin maliban sa wala na doon si Porcia.
She can't just vanish like that. Was she kidnapped? Although mayaman siya pero hindi siya iyong tipo ng taong basta basta na lang maloloko. She's smart. At alangan namang sumama ito kay Aiken when clearly she said she never love the guy.
Nagbihis ako para pumasok sa eskwela. Para na akong robot at pinipilit ko na lang na pagbutihin ang pag-aaral ko para hindi madismaya ang mga magulang ko. This is the least thing I can do for them.
Halos mahuli ako sa klase dahil na naman sa kakaisip kay Porcia. She said she's going to visit me pero kalahating taon na ako rito at hindi pa rin ito pumupunta. Hindi naman ito nangako pero iba kasi ang dating sa akin kapag nasabihan ako, I expect too much.
Hindi naman siguro masama since I love that person. That person who once made me feel like I'm the luckiest woman on earth. Kung tatanungin nina mommy Kaede kung wala na kami, my answer is I don't know that's because I really don't have the answer.
We never talk, kung break na kami I have no idea dahil wala naman kaming pormal na pag-uusap.
But whatever her reason is. I can't hate her, my love is stronger than any other emotions I have. How can I hate the woman I ever love throughout my entire life?
And whatever it is, I will still forgive her. Hindi ako masokista pero itong pagmamahal na meron ako sa kanya ay tunay.
Napabuntong hininga ako bago bumaling sa harapan kung saan nagtuturo ang propesor namin. Winaksi ko ito saglit sa aking isipan kasi pagkatapos ng klase ko ay buong araw ko na naman itong iisipin.
Ng sa wakas ay natapos ang ilang subjects ko. Nagmamadali akong umuwi para matulog. Wala akong ganang kumain. I even lose weight but I just can't enjoy my food.
Pagdating ko sa condo ay basta ko na lang binalibag sa upuan ang dala kong bag at naghubad ng mga damit leaving my bra and underwear.
"Amore-"
"Ah shit!" Gulat kong wika at bahagya pa akong napatalon dahil sa gulat. Napasuklay ako sa aking buhok gamit ang mga daliri pero natigil ako ng mapagtanto kung kaninong boses iyon.
Awtomatikong napalingon ako sa taong nakaupo sa aking couch. The ever cold Porcia, kahit nakaupo ito at nakakrus ang mga hita ay hindi pa rin maitatanggi ang karisma at awtoridad sa pagkatao nito.
"Mommy?" I ask at baka nananaginip lang ako.
"It's me amore. I've come to visit you kagaya ng sinabi ko sa iyo."
Napamaang ako rito. "After almost seven months?! I'm almost done with my school at ngayon ka lang pupunta? I've waited and you never send me any message. What happened to you?"
"First, wear something. I honestly like how you welcomed me so warm-"
"Wait a second." Wika ko at iniwan ito para magsuot ng damit.
Pagbalik ko ay dumiretso ako rito at pinaghiwalay ang mga hita nito saka ako nagpakandong. Niyakap ko ito bago titigan ang mukha nito.
"Now talk."
"Aren't you mad?"
"I love you. Is that enough?"
"Hmm." Niyakap ako nito at hinaplos ang likuran ko. "Na-miss kitang sobra amore."
"Pero hindi ka man lang nag-message. Paano mo ako natiis ng ganun katagal?"
"Hindi ko rin alam but yesterday, I decided to come and visit you. I told myself it's enough."
"Enough of what? Saka paano ka nakapasok rito?"
"Enough suffering. Bukas ang pinto mo amore at hindi mo dapat iyan kinakalimutang isara. Safety first." Tinitigan ako nito. "Kumakain ka pa ba ng tama? Napansin kong namayat ka."
Napalabi ako rito. "Ikaw rin naman namayat ka. Saka kailangan mo talagang magtanong? I suffered dahil nangungulila ako sa iyo. Are we still ok?"
Tumango ito. "Very much ok."
"So tell me what happened?"
"I can't tell you right now, maybe someday pero huwag ka ng mag-alala. Everything is ok. Know that I'm always here for you amore. Know that you're my everything kahit anong mangyari, hindi kita iiwan."
"I believe you. Kahit ano namang sabihin mo maniniwala ako."
"Can we go eat? Nag-take out ako ng pizza at pasta."
Hindi na nito kailangan pang tanungin dahil bigla akong nagutom. Porcia can make me feel bad and better in just a split of second. Or maybe because I'm broken for the past couple of months na wala kaming komyunikasyon.
Ng makarating kami sa kitchen ay pinaupo ako nito sa stall at ito na mismo ang naghanda. As usual ay maasikaso ito.
Hindi ko ito nilulubayan ng tingin, I still can't believe na kasama ko ito ngayon at nandito ito.
"For how long you're going to stay here mommy?"
"A week amore. I need to go back kasi may mga kailangan akong tapusin sa opisina." Binigyan ako nito ng plato na may dalawang slice ng cheese pizza at isang bowl ng creamy pasta.
"Thank you." Sinimulan kong kumain, binigyan din ako nito ng isang basong tubig.
"Pupunta ka ba sa graduation ko?"
Naupo ito sa harapan ko at napatitig sa akin. Her eyes are gloomy. Something is wrong. I can sense it at ayaw lang nitong sabihin.
"I will see if I can come amore. After ng graduation mo. It will be your birthday already. Is it a double celebration?"
"Probably sa atin na gaganapin mommy."
Tumango ito. "Eat more. Ayokong pumayat ka. We have a lot of things to do. I want to spend time with you going out in the beach."
Umiling ako rito. "No, I just want to stay here and keep you all for myself mommy. I'm fine being in bed with you all day. We can read, we can watch, we can cook together."
Napangiti ito. "If you say so amore. Come on, eat."
Kumain ito at nanatili lang akong nakamasid. There's something off and she looked so sad. Now how can I get mad of her? All I can do is understand her.
"Are you done amore?"
Umiling ako bago ipinagpatuloy ang pagkain.
I'll definitely find out.