Porcia Era
"It is time to eat." Tawag ko sa dalawa.
Agad namang tumayo ang mga ito at sumunod sa akin. Patuloy pa rin ang mga ito sa kwentuhan na naikwento na yata lahat ng nangyari sa dalawang buwan na hindi sila nakapag-usap.
Ng makarating sa kitchen ay natigilan si Chrisen ng makita nito si Kaede. Samantalang tuwang tuwa naman si Cindy ng makita ito.
"Hi Tita! You're here. Hindi ka po namin napansin." Mabilis itong nakalapit kay Kaede saka ito yumakap at bumeso.
Sinadya naman nitong hindi nagpahalata kanina ng pumasok. Besides, nasa kabilang living room ang dalawa kanina. Dalawa kasi ang sala ko dito sa baba. Ang isa ay ang main living room kung saan ang tanggapan ng bisita, ang pangalawa ay nasa gilid kung nasaan ang mga libro at malaking telebisyon.
Lumapit si Chrisen sa akin na parang natakot. Hinawakan ko ang kamay nito at napatingin doon si Cindy.
"Hey, it's ok amore. She's your mom. Go and greet her." Bulong ko rito.
Tumingin muna ito sa akin bago tumango. Binitawan ko ang kamay nito. Naglakad ito papunta kay Kaede na parang hindi sigurado.
"Chrisen." Emosyonal na wika ni Kaede rito.
"Ah, hi?" Ng makalapit ito ay kinuha nito ang kanang kamay ni Kaede at saka nagmano. "Kumusta po kayo Miss Kaede?"
Nakita kong napatakip si Cindy sa bibig nito bago napatampal sa noo. Nanlaki ang mga mata ni Kaede at umawang ang mga labi nito na parang hindi makapaniwala.
Napakagat labi ako bago bumaling ng tingin sa ibang direksyon. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko.
Nabaliktad yata ang sitwasyon. Si Kaede na ngayon ang mukhang ninang nito. Chrisen did the same thing to me when she got mad when she learned about me and Aiken. But seeing her do the same thing to her mom was truly an epic.
Parang sinagasahan na prutas ang mukha ni Kaede kaninang magmano si Chrisen rito.
Chrisen, no words can define how naughty you are amore! Iba ka talaga!
"Miss?" Ulit na tanong ni Kaede rito na hindi pa rin makapaniwala.
"Ah, Mrs.?" Inosenteng tanong ni Chrisen dito.
Nanlulumo si Kaede na napaupo sa upuan nito bago inabot ang isang basong tubig at uminom.
"I'm fucking unwell. This happening is not right anymore." Mahinang sentimyento nito pero dinig na dinig ko.
I cleared my throat. "Let's sit and eat."
Umupo ako ganun din si Chrisen sa tabi ko. Kaharap ko si Kaede at kaharap naman ni Chrisen si Cindy.
Kumuha ako ng pagkain at nilagyan ang bowl ni Chrisen. She said she wanted a chicken soup pero nagdagdag ako ng noodles para kahit papaano ay may makain ito na tama aside sa chicken at gulay na halo nito.
Kumuha rin ako ng para sa akin pagkatapos ni Kaede at Cindy. Susubo na sana ako ng matigilan ako, napansin ko kasing titig na titig si Chrisen sa pagkain nito. Hindi kasi nito ginagalaw ang ibinigay ko rito.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" Takang tanong ko rito. Ito na lang kasi ang hindi gumagalaw.
Lumingon ito sa akin.
"Eating without saying grace, it was very disrespectful."
"Huh?!" Lumagapak ang hawak na kutsara ni Cindy dahil sa narinig. Naubo naman si Kaede.
"Right. We should say our grace." Bakit ko ba kasi iyon muntik makalimutan?
Pinagsalikop ni Chrisen ang mga kamay nito at saka pumikit.
"May our meal and this celebration nourish our bodies, strengthen our bonds that unite us in faithful and in love. Bless this food and bless this family with peace today."
Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Cindy at si Kaede ay laglag ang panga. Maganang nagsimulang kumain si Chrisen.
"Shall we eat?" Basag ko sa katahimikan bago ako bumaling kay Chrisen. "Eat a lot amore."
And for the second time, lumagapak ulit ang kutsara ni Cindy. I forgot I wasn't whispering anymore, lumabas iyon ng kusa gaya kapag kami lang na dalawa ni Chrisen.
"Amore po?" Takang tanong nito habang namumutla.
"Cindy." Si Kaede kaya nabaling ang tingin nito sa kaibigan ko.
"She's my girlfriend Cindy." Agaw naman ni Chrisen rito.
Nagpalipat lipat ang tingin ni Cindy kina Kaede at Chrisen bago ito tumigil sa akin. Bumuka ang bibig nito pero walang masabi.
"She's the one I'm talking about. She's the one I fell in love with." Paglilinaw ni Chrisen dito.
Inabot ni Cindy ang tubig nito saka uminom.
"Breath." Si Kaede. "Trust me, I'm the mother. It's difficult for me."
"T-Tita, paano niyo po natanggap? Si Miss Hart po matalik niyong kaibigan, ninang po siya ni Chrisen. Seventeen years of age gap-"
"You're very rude Miss Denares."
"I'm sorry po Miss Hart. I didn't mean it. Nagulat lang po talaga ako."
Napabuntong hininga naman si Kaede. "I can't do anything. I guess love really knows no boundaries. My daughter loves her; Porcia loves Chrisen. There's no more powerful feeling that will ever exist in this world aside from it."
Napakagat si Cindy sa kuko nito. "For real Tita?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango naman si Kaede. Cindy squealed!
"Oh my! Bagay na bagay po kayo! Damn sana matisod ko rin si ninang-"
"Language Miss Denares. We're in front of the table." Paalala ko rito.
"Sino sa mga ninang mo?" Kunot noong tanong ni Kaede rito.
"Huh?" Namula ang mga pisngi nito. "Ah, wala po iyon Tita! Kumain na po tayo." Pagsasawalang bahala nito bago dinampot ang kubyertos saka sumubo para makatakas.
Ipinagpatuloy namin ang pagkain.
"So ano pong tawag ni Miss Hart sa iyo Tita Kaede?"
Nailuwa ni Kaede ang kinakain nitong karne ng manok.
"Magkaibigan pa rin kami Miss Denares at hindi na magbabago ang label namin." Ako na ang sumagot.
"Shocks!" Susubo sana ulit ito ng may maalala. Tumingin ulit ito sa akin. "Um, ano po. Miss Hart, pasensya na po pala sa mga nasabi ko kaninang nagku-kwentuhan kami ni Chrisen. Hindi ko naman po alam na kayo at ikaw pala ang tinutukoy niya. Sana sinabi niyo na lang po sa akin kanina."
"Mukha ba akong tsismosa Miss Denares?"
Chrisen giggled.
"Ay hindi po!"
"Then eat."
Kumain ulit ito.
"Mukha kayong mag-ina ng anak ko." Baling ni Kaede sa akin.
Nagsisimula na naman ba ito? Kasi kung oo, kahit sa harapan ng dalawang bata ngayon ay papatulan ko ito. Pati si Chrisen ay natigil sa pagkain.
"It's ok, I'm going to be her mommy for real." I retorted na ikinangiti ni Chrisen sa akin. Panay naman ang kagat ng labi ni Cindy at hindi mapigil ang pag ngiti.
"Maniniwala pa ang iba kapag kami. Pero kung ikaw ang tinawag kong mommy. Sa edad nating pareho. Masahol ka pa sa pinakamalanding bakla sa balat ng lupa, Kaede."
Bumunghalit ng tawa si Cindy. Sa inis ni Kaede ay nilagyan nito ng gulay ang bunganga ng dalaga.
"Don't you dare Porcia! The audacity of you!"
"Best friend goals."