Chapter 42

4.7K 248 9
                                    

Chrisen

Niyakap ko si Porcia ng mahigpit habang nakapalibot ang isang braso nito sa akin. I'm not going to cry, malakas ako. I've been away before and I know I can do it this time again. Ngayon pa bang malapit na ako sa finish line? Heto na lang ang hindi ko nagagawa para makasama ko ito ng lubosan.

I have to finish my studies in Australia at ngayong araw na ito ang alis ko. We are on our way to the airport at kasama namin si mommy Kaede at daddy Datrius pero nasa ibang sasakyan ang mga ito dahil kay Porcia ako nakisakay.

"Huwag kang mambababae dito mommy ha?"

Napabuntong hininga ito bago tumingin sa akin.

"Do I look like I'm a womanizer amore?"

Natawa si Starr pati ako ay napahagikhik. Tinatawa ko na lang talaga kahit sobrang lungkot ko ngayon.

"Drive Starr."

"Nagmamaneho po ako ma'am."

"Well then fix your eyes and ears on the road."

Napakamot na lang si Starr sa ulo nito dahil sa pagsusungit ng mommy Porcia ko. Naramdaman kong hinalikan nito ang gilid ng noo ko.

"Ikaw ang huwag mambababae doon amore."

"Nagseselos agad mommy?" Tukso ko rito.

Nakita ko itong nag-iwas ng tingin at ibinaling ang mga mata sa bintana. Napangiti ako rito bago abutin ang gilid ng mga labi nito at gawaran ng isang mabilis na halik.

"Mabilis lang ang panahon mommy. Babalik rin ako agad at kapag nakabalik ako. Akin ka na talaga, hindi na tayo maghihiwalay pa."

"Hmm."

"Hindi ka naniniwala?"

"Naniniwala pero may kahabaan din ang isang taon."

"Why are you worried now mommy? Umaalis naman ako noon at wala lang sa iyo-"

"Dahil magkaiba noon sa ngayon." Putol nito sa akin. "Noon, hindi kita mahal so I am not worried kahit lumayo ka pa at hindi kita makita. Iba na ngayon kasi mahal kita and I'm-"

Natigil ito sa pagsasalita ng paluin ni Starr ang manibela.

"Fuck sake Starr! What happened?!" Nag-aalalang tanong ni Porcia dito.

"Wala po ma'am. May lamok lang na nakapasok sa loob ng sasakyan at triny kong patayin." Pero iyong hawak nito sa manibela ay masyadong mahigpit.

"Don't mind it." Wika nito bago ulit bumaling sa akin. "Nagbago na ang lahat kasi mahal kita amore. I trust you pero wala akong tiwala sa mga nakapaligid sa iyo. Hindi ka mahirap mahalin." Hinaplos nito ang pisngi ko. "Maganda ka, mabait, at makulit."

"Aaaah!" Biglang hiyaw ni Starr na nagpagulat sa amin.

"What the heck is it this time Starr?!"

"Ma'am kinagat na ako ng lamok!"

Sumama ang tingin ni mommy Porcia sa harapan. Pinipigilan ko namang matawa pero hindi ko pa rin makontrol ang pagngiti.

"Kapag hindi ka tumigil tatadyakan ko talaga iyang upoan mo ngayon kahit ikaw mismo ang dumikit sa salamin isama mo ang lamok na iyan."

"Si ma'am, so violent. Oh my!"

Hindi ko na napigilan at natawa ako. Hinawakan ko ang pisngi nito.

"Dapat ako lang ang pukos mo mommy."

Tinitigan ako nito bago bumaba ang mukha nito at ginawaran ako ng isang magaan na halik.

"Nandito na po tayo!" Wika ni Starr ng pumarada ito sa harapan ng airport.

Napapikit si Porcia dahil sa inis. Nakita kong nawawalan ito ng pasensya kaya marahan kong pinisil ang pisngi nito.

"Don't get upset. I should be dahil ako ang aalis at parang hindi ko kayang malayo sa iyo."

"I will come and visit you."

Napangiti ako lalo rito. "I love you." Hinalikan ko ang mga labi nito ng isara ni Starr ang sasakyan. Hindi naman binalibag pero may kabigatan.

"Fucking bitch. Remind me to fire her later."

Natawa ako rito. "You can't. You need her, besides mas komportable ako sa kanya at may tiwala ako."

Hindi na ito umimik pa. Binuksan nito ang pintuan at magkahawak kamay kaming bumaba. Nailabas na ni Starr ang ilang mga maleta ko at tinulongan naman ito ni daddy, agad namang lumapit si mommy Kaede at may dala itong isang cart. Si daddy na ang naglagay sa mga bagahe ko rito.

Niyakap ako ni mommy Kaede. "Mag-iingat ka doon anak ha? Alam kong kayang kaya mo ang sarili mo. Ilang beses mo na iyong pinatunayan. And know that we're always proud of you no matter what."

"Salamat mommy." Hinalikan ko ito sa pisngi bago ako bumaling kay daddy at niyakap ito.

"Let us know whatever you need sweetheart." Hinaplos nito ang ulo ko bago nito halikan ang noo no.

"I will po."

"Now go and catch your plane."

Natawa ako kay mommy Kaede. "I have to say goodbye to my woman mommy."

"Akala ko natapos na iyan sa sasakyan kanina." Tukso ulit nito. "At akala ko makakalimutan mo na siya."

"Hindi iyon mangyayari mommy." Lumapit ako kay Porcia at saka ulit ito niyakap. Niyakap rin ako nito.

"Behave yourself mommy."

"Watch out your own sake ok? I'm not there to protect you."

"Tamo anak, kapag nagloko. Kahit matanda na, papatulan ko. Ibebenta namin ng daddy mo kasama sa negosyo."

"Mommy, she's priceless." Baling ko rito habang nakangiti at para hindi na naman magbangayan ang dalawa. "I have to go. Message me ok? I will always check on you." Hinalikan ko ang labi nito ng mabilis.

Kinuha ko ang cart at tinulak ito pero hindi pa ako nakakalayo ay narinig kong may tumatawag sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Cindy at Cael.

"Hey Cindy! You came." Niyakap ako nito habang hingal na hingal dahil sa pagtakbo kaya yumakap rin ako dito.

"Of course! We're best friends, para ano pa kung hindi ako pupunta para suportahan ka."

Napatingin ako kay Cael.

"Don't worry Chrisen. I'm not here to stop you or ask you to love me. I am here for the same reason like my sister. I just want to see you and tell you that you can make it. Pagbalik mo, we're still friends. I still love you pero tanggap ko ng hindi magiging tayo."

I tap his shoulder. "One day, makakahanap ka rin ng mas deserving para sa iyo. I'm just not that girl you're really looking for. Trust me when the feeling is gone. Tatawanan mo na lang."

"Mag-iingat ka doon beastie! Saka huwag kang makakalimot na sulatan ako ha?"

"Ano ka? That's old fashioned. I'm not going to write, icha-chat kita."

Natatawa ito bago ulit ako niyakap.

"Mag-iingat ka Chrisen."

"You too." Tinignan ko ng isang beses sina mommy Kaede, daddy Datrius at mommy Porcia.

I wave my hand one last time and blow them a kiss.




I'll be back and when I do. I'll claim what's rightfully mine.









*****

Time check: 19:24pm June of the 15th..
Dinner is ready!

So Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon