Special Chapter

6.2K 282 48
                                    

Chrisen

"Kumusta naman ang pagbubuntis mo anak?" Tanong sa akin ni mommy Kaede. That's right, buntis ako at kay Porcia ang dinadala ko.

Napasimangot ako rito. "Ang hirap mommy. Dapat sa susunod si Porcia na ang magdala."

Natawa ito. "Anak, matanda na ang asawa mo. Hindi na kakayanin ang matres non."

Porcia snorted. "Makapagsalita ka parang wala ako rito a. Bakit mama? Ikaw ba hindi matanda?"

"Wala akong naririnig." Pasaring ni mommy Kaede rito.

Sa nagdaang taon ay nasanay na ako sa pagsasagutan nilang dalawa sa tuwing nagtatagpo ang mga ito.

Nakaupo lang si Porcia sa isang single seater na couch habang nakakrus ang mga hita at may ginagawa sa laptop nito. Trabaho na naman, she's so workaholic.

"At least, blessed ako sa lahat ng aspeto Kaede. Sa boobs pa nga lang at pwet talo na kita." Patuloy ng mahal ko. Hinaplos ko ang maumbok kong tiyan. Napangiti ako ng maramdaman itong gumalaw.

"Pinaglilihian mo ba ako Porcia? Parang ikaw itong naglilihi sa inyo ng anak ko sa sama ng tabas ng dila mo."

"No mama, dalaga ako."

Gusto kong matawa ng mapaawang ang mga labi ni mommy Kaede sa sagot nito.

"And yes, if you disagree na blessed ako. It's called genetics, looks like you gave me yours too." Sulyap nito sa dibdib ni mommy Kaede.

"Anak, paano mo nagawang mahalin ang babaeng ito? Walang modo."

"Wife is cool mama because she knows I'm a moron."

"Stop calling me mama!"

"Hmm." Parang wala lang na nagtitipa ito sa laptop nito. "Your daughter's carrying my baby. You're first grandchild, so what should I call you then?"

"Kaede!"

"Ok Ate Kaede."

Natawa ako bago hinawakan ang kamay ni mommy Kaede.

"Tama na po iyan mommy." Nilagay ko ang mga kamay nito sa tiyan ko para maramdaman nito ang paggalaw ng baby ko.

"Don't start with me. You'll regret it." Patuloy pa rin ni mommy Porcia.

Napairap na lang dito si mommy Kaede bago ito bumaling sa akin.

"Pasapak ng partner mo anak." Bulong ni mommy Kaede sa akin dahilan para matawa ulit ako.

That's right, we're partners. Hindi pa kami kinakasal at hindi naman kami nagmamadali. Siguro ay saka na kapag nakapanganak na ako. Ang mahalaga ay nagsasama na kami at parehong masaya.

Mas nadagdagan pa ang pag-aalaga sa akin ni Porcia lalo na noong nalaman nitong successful ang ginawang proseso sa akin. Actually, ini-spoiled ako nito, silang lahat naman mula kina mommy Kaede at daddy Datrius.

More than a year ago ng malaman ng lahat ang relasyon namin ni Porcia. Maraming hindi may gusto pero mas maraming nagulat. At kagaya ng sinabi ko, wala akong pakialam at mas lalo naman si Porcia. She was even proud of it.

Imbes na maapektuhan ang negosyo nito at negosyo namin ay mas lalo pang lumakas. Our companies both merge at mas naging maganda ang relasyon nila ni daddy Datrius dahil pareho namang workaholic at puro negosyo ang usapan ng mga ito. I guess you get to enjoy the things you love to do kapag kalevel mo ang isang taong kausap mo.

"Amore, may nakapasok na bubuyog."

Sinamaan ito ni mommy Kaede ng tingin. "Konti na lang talaga anak at-"

Napakunot noo ako ng sumakit ang tiyan ko. Napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni mommy Kaede.

"Anak?"

Agad lumingon si Porcia at sinara ang laptop nito bago ilagay sa center table at mabilis na nakalapit sa akin.

"Amore something wrong?" Bakas ang pag-aalala sa boses at mukha nito.

"Chrisen ano? Anak magsabi ka."

Napangiwi ako ng maramdamang sumakit ulit ito.

"Mommy." Mabilis silang napatingin sa aking dalawa.

"Ako iyon." Sabay na wika ng dalawa.

"She calls you mommy Kaede/She calls me mommy." Sabay ulit na saad ng dalawa.

"Ang sakit!" Reklamo ko dahil talagang sumasakit ang tiyan ko.

"Kasalanan mo ito e, ini-stress mo siya." Akusa rito ni mommy Kaede.

"Ikaw itong dumalaw para lang awayin ako." Hindi papatalong wika naman ni Porcia. "Come on Amore." Inakay ako nito. "Ate get my car key on top of the center table."

"It's Kaede-"

"Kaede manganganak na si amore! Get my key!"

"Oo na! Huwag kang magtataas ng boses kasi mas lalo akong matataranta at mag-aalala!"

Nauna na kaming naglakad pero naabutan kami ni mommy Kaede at tutulongan sana nito si Porcia para akayin ako.

"Fuck sake Ate! Go and drive my car!"

"Putang ina." Hindi mapigilang magmura ni mommy Kaede pero nagmamadali rin namang pumunta sa garahe para ilabas ang sasakyan ni Porcia.

"Ang sakit na! Hindi ko na kayang maglakad." Reklamo ko.

"Amore konti na lang, kahit gusto ko ay hindi kita kayang buhatin. Baka mahulog ko pa kayo at mapano."

"Ma'am! Manganganak na po ba si ma'am Chrisen?" Nakasalubong namin si Starr at mukhang kagagaling lang nito sa labas para mag-grocery.

"Tanga!" Sigaw rito ni Porcia. "Tulongan mo ako! Manganganak na siya! Fuck sake Starr don't ask something obvious!"

"Paano po itong mga pinamili ko?" May mga karga kasi ito.

"Itapon mo!"

"Ganun po ba." Mabilis nitong itinapon ang mga hawak nito sa kung saan at agad inalalayan ako.
Nag-park si mommy Kaede sa harapan namin.

"Tara na!" Sigaw nito. Agad namang binuksan ni Starr ang likuran ng sasakyan at saka kami sumakay.

"Drive!"

Hindi na sumama pa si Starr. Alam kong ipapakuha ni Porcia ang mga kagamitan namin rito mamaya. Nakahanda naman na iyon, wala lang talaga nakaisip na damputin dahil sa taranta ng mga ito.

"I am driving!"

"Amore gaano kasakit?"

Mahigpit ang hawak ko sa kamay nito. Pinagpapawisan ako, nanlalamig sa sobrang sakit.

"Porcia." Worried akong napatitig rito. "I think my water just broke."

Nanlaki ang mga mata nito. "Drive Kaede! Amore's going to deliver the baby! She's not going to have our baby inside this freaking car!"

"Fuck shit!" Hindi mapigilang mura ni mommy Kaede. "I can't go fast! I hate your car!"

"Bakit?!" Takang tanong ni Porcia rito. "Stop this car and I'll drive!"

"I'm trying to learn! I always drive automatic at dalawang beses pa lang akong nakasubok ng manual! I'm not good with this! Tatlo ang apakan nito Porcia!"

Pati ako ay nanlaki ang mga mata dahil sa narinig. Mommy Kaede's telling the truth.







"For fuck sake Kaede!"

So Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon