Chrisen
"Can we talk?" Tanong sa akin ni mommy Kaede.
Kakauwi lang ni Cindy, nauna na ito kanina. We're having a tea outside. Although ayaw ko dahil hindi pa rin ako komportable pero nandito naman ang babaeng mahal ko. Besides, if mommy Kaede is really my mom. Siguro naman ay hindi ako nito pagagalitan ngayon like the vivid memory I have with her.
Tumingin ako kay Porcia. Nakatingin rin ito sa akin saka marahang tumango, encouraging me.
"I'll just go and read some of the proposals. Sunod ka na lang amore." Wika nito bago tumayo at iniwan kaming dalawa pagkatapos nitong halikan ang noo ko.
Hindi ako masyadong makatingin kay mommy Kaede. Hindi ko alam paano ko ito haharapin.
Napatikhim ito. "Chrisen anak."
Nag-angat ako ng tingin.
"Can I hug you?"
Naglumikot ang mga mata ko sa kung saan.
"Miss na miss ka na ni mommy."
Napatitig ako rito. "Sige po."
Tumayo ito at lumapit sa akin bago ako nito yakapin. Hinaplos nito ang buhok ko.
"I miss you so much anak." Patuloy lang ito sa paghaplos sa akin. "I want to say sorry. Your dad and I am sorry for not understanding your side. At dahil doon ay muntikan ka ng mawala sa amin."
I'm speechless. What would I say?
"Kahit mahirap, tanggap na namin ang relasyon niyo ni Porcia. Your dad and I can't do anything kung nagmamahalan kayo. Nakita ko rin naman kung paano ka inalagaan ng kaibigan ko hanggang ngayon. I've never seen her love someone so much."
Napangiti ako sa narinig. I know my Porcia. Her demeanor is cold but she's the sweetest and kindest.
Hinawakan ko ang kamay nitong nakapulupot sa akin at marahan itong pinisil.
"Thank you po."
"We're just really thankful that you're alive and if being with her will make you happy, hahayaan ka namin. Pero sana kapag magaling ka na anak, gusto kong bumalik ka sa Australia at tapusin mo doon ang pag-aaral mo. Pagkatapos non, if you want you can be with Porcia. As a mother, gusto kong unahin ang kapakanan mo."
Naiintindihan ko naman ito. But being away with Porcia? Baka makahanap ito ng kapalit ko. Natatakot ako. Ang dami pa namang umaaligid rito. And why not? Kahit may katandaan na ito, she's a perfect catch.
Humiwalay ito mula sa pagkakayakap sa akin at naupo sa tabi ko habang hawak ang kamay ko. Hinalikan nito iyon bago ngumiti sa akin. I don't see my resemblance with her kahit maganda ito. Mas nahahawig kasi ako sa asawa nito.
"Why can't I finish my school here instead?"
"Kasi alam mo?" Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok kong tumakip sa mata ko. "People will notice both of you. At kung may makaalam na nagsasama na kayo. Porcia will be in trouble. It's not only about you, it's also about her. Nakataya ang reputasyon niyong dalawa rito."
She was right.
"If.." Natigil ako ng may maisip. "Kung pupunta po akong Australia para ipagpatuloy ang pag-aaral ko kung magaling na ako. Will you do me a favor?"
Tumango ito. "Anything anak."
"I want you and my old woman to get along."
Natawa ito. "We are both your old women now."
Napangiti ako rito. "At gusto ko ring bantayan mo po siya baka agawin ng iba sa akin."
Mas lalo itong natawa. "You should know by now na pagdating ng time na iyon. Siguro thirty eight na si Porcia. If she's a player, marami na sana siyang naging ex. Hindi na sana siya umabot pa sa edad na iyan. Dapat nga at this point, kaedad mo na sana ang dapat anak niya."