Porcia Era
"I'm sorry mommy."
How I long to hear her voice. Halos apat na buwan na noong huli kaming nagkita. Ikinulong ako ng sarili kong ama. He hired a lot of bodyguards ng malamang nakatakas ako para puntahan si Chrisen sa Australia.
"How dare you disobey my order Porcia! You are old enough to know your own actions pero hindi ka nag-iisip! Pinatulan mo ang inaanak mong anak ng matalik mong kaibigan! You're seventeen years older than her! You disgust me!"
"You have no right to talk to me that way Lucian dahil hindi mo ako pinalaki. You're my father pero hindi ka kailanman nagpakaama pero alam mo ang nakakatawa? This woman you're insulting right now is better than you sa lahat ng bagay."
Akmang sasampalin ako nito ng pigilan ko ang kamay nito. Ang mommy ko ay tahimik na nanonood sa isang tabi dahil takot ito sa daddy ko. Bawat salita nito ay batas na dapat sundin.
Marahas nitong binawi ang kamay nito. "Hanggat hindi ka nagtatanda!" Dinuro ako nito. "Hindi ka makakaalis o makakalabas sa pamamahay na ito! Tandaan mo Porcia! Wala akong anak na suwail! Nakakadiri ka! At kung hindi mo lalayuan ang batang iyon, hindi ako magdadalawang isip na ipapatay siya!"
Saka ito umalis pagkatapos nitong sirain ang isa sa mga painting na koleksyon pa ng lolo ko.
Mas lalong namanhid ang pakiramdam ko. Akmang lalapitan ako ng mommy ko ng malamig ko itong tinitigan. Kaya naging ganito ang trato ng daddy ko rito dahil hinayaan nito kahit hindi tama.
I don't hate my mother for being weak but I hate women who can't stand para sa mga sarili nila.
"Maybe you should listen to your dad."
"Don't start with me. Baliw ang asawa mo." Iyon lang at saka ko na ito tinalikuran.
Sino sila para sabihing mali ang nararamdaman ko? Sino sila para sabihing maling tao ang minahal ko? At sino sila para panghimasokan ang buhay ko? At gaano kabilis rito ang utangin ang buhay ng isang tao? Halimaw lang ang makakagawa non.
Halimaw si Lucian Percival and it disgust me too na ito ang naging ama ko.
Wala sila noong bata ako. Wala sila sa lahat ng achievements ko, but hey, what I said is true. I am better than Lucian Percival Hart. Nagawa ko itong talunin sa larangan ng negosyo. I am better than him in any aspect.
Dati pa ay wala na itong puso at muntik na akong sumunod rito pero dumating si Chrisen para iligtas ako. That young woman whos everything to me. Who change me at nagpakita sa akin paano ang totoong mabuhay.
Chrisen made me stronger than ever.
"Hindi ka ba natatakot na baka itakwil ka ng daddy mo anak?" Tanong nito sa akin ng makaapak ako sa hagdan. Natigilan ako pero hindi ako lumingon. Taas noo akong tumingin sa itaas kung nasaan ang magaling na asawa nito.
"Hindi ako natatakot. Strip me of his last name. Strip me of all the things I am entitled to. Strip me of all the luxuries he has. I already built my own empire, better than he had and more powerful than his." Nakipagtitigan ako rito ng malamig habang nagbabaga ang mga mata nito sa akin.
"Itakwil mo ako ngayon din. Wala akong pakialam. Tandaan mo, kapag nakaalis ako rito, babalikan kita. Only a real Hart can mess up a self-proclaimed moron like you."
Wala lang akong magawa ngayon dahil confiscated lahat ng mga gamit ko at bantay sarado ako ng ilang mga tauhan nito. Pero hindi habang buhay ay maglalagi ako rito. Ipapakulong ko ito for kidnapping isama na ang mga bodyguards na tumanggap ng trabahong ito dahil una ay dapat inaalam nila kung paano gamitin ang proteksyon sa isang kliyente.
They can't protect and defend a lying man from an innocent woman.
"Let's see where that sharp tongue can take you. You're a disgrace to this family."
"I never want you to become my father. Wala lang akong pagpipilian. Kung ayaw mo akong itakwil, ako na mismo ang magsasabi ngayon. You are no longer my father."
And last two days ago. May nakapagsabing I was being held captive inside his mansion. Whoever it is, malaki ang pasasalamat ko rito. Nakakulong na ngayon si Lucian kasama ng mga bodyguards nito.
And that's when I decided na umalis muna at maglagi pansamantala sa isang resort. I wasn't ready para magpakita ngayon kay Chrisen pero naisip ko, kailan ang tamang panahon? I know she's been waiting for me at sa dami ng atraso ko rito ay gusto kong bumawi.
Tinupad nito ang pangako nitong magtatapos para sa amin. It's time for me para tuparin ang pangako ko rito and that is to fight for her and be with her.
And now that I am finally free. Kahit bata pa ito, I am ready to ask Kaede and Datrius para tuloyan ko na itong kunin. Hindi na ako bumabata. I can no longer wait to start my life with her at excited ako sa mga kakaharapin namin.
"Amore."
Nakita ko itong natigilan habang si Cindy ay titig na titig sa akin. I heard kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito kanina and it seems like Miss Denares likes Chrisen's Aunt Kennedy. Ang kapatid ni Kaede.
Dahan dahang lumingon si Chrisen sa akin at nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. She beams in so much delight.
"Mommy?"
Inilahad ko ang kamay ko rito pero tinapik nito iyon imbes ay mabilis itong yumakap sa akin.
"Mommy!" Ang tuwa nito ay napalitan ng pag-iyak. "I thought you're not coming. Akala ko nakalimutan mo na ako. Akala ko hindi na kita makikita pa."
Hinaplos ko ang likuran nito. "I am here now and I'm not going anywhere away from you. You kept your promise to finish whatever you need to do. Ngayon ay ako naman amore. Let's go somewhere."
Hindi ko na ito hinayaan pang makapagsalita. Hinatak ko ito sa likuran kung nasaan ang pavilion at hardin ni Kaede.
Wala na akong paligoy ligoy pang kinuha ang isang singsing at isinuot sa daliri nito.
"You know I am not good with words amore. But this ring has all the words I want to say. Espesyal ang araw na ito sa iyo kasi selebrasyon ng pagtatapos mo. I am sorry na hindi ako nakarating amore."
Napatakip ito sa bibig nito habang tahimik na lumuluha.
"And today is your birthday. There's no perfect time para tanungin kung pwede na ba kitang iuwi sa bahay ko at maging may bahay."
"I've waited for thirteen years mommy. You know I am so into you. Of course yes!"
"At bakit mo tinatangay ang anak ko at magpo-propose dito sa likod ng bahay? Doon ka sa harap, ipakita mo sa lahat ng tao. Panindigan mo ang anak ko."
Napatingin kaming dalawa kay Kaede. Nasa tabi nito si Datrius. Panira talaga minsan ang kaibigan kong ito.
"Shut up Kaede."
Yumakap sa akin si Chrisen. "Don't mind my mom. I already said yes."
Tumitig ako rito. "I love you amore."
"I love you too, ninang Porcia."
Hinapit ko ito at sa harapan ng mga magulang nito ay wala akong pakialam, hinalikan ko ito. Sakto naman ang pagsabog ng mga fireworks sa kalangitan na hinanda para dito.
And with Chrisen by my side. I found myself complete.
THE END..
******
Time Check: 19:46pm June the 16th 2024..
Dinner Time!
And now that it's done. Sana abangan niyo, may new character ako. The teaser will be in tiktok. Judge niyo, gusto ko ng honest opinion.
Revision done: 23:26pm June the 16th of '24