Chapter 26

6K 269 28
                                    

Chrisen

Wala akong gana sa araw na ito dahil hindi ako pinapansin ni mommy Porcia sa school kanina at pagkatapos nitong magturo ay saka umalis. I tried to call her pero hindi ito sumasagot. Nagpadala ako ng mga mensahe pero hindi rin ito nagrereply.

I assume na may problema ito pero hindi naman siguro ganun kalala. I can give her space kung gusto nito dahil alam ko namang marami itong responsibilidad at maraming taong umaasa rito.

Abala ako sa pag-iisip ng marinig kong may kumatok sa pintuan ko. Bumangon ako para pagbuksan ito.

"Mommy-"

"Chrisen, kakain na." Seryosong wika ni mommy Kaede.

Kumunot ang noo ko ng maglakad ito palayo na parang hindi maganda ang mood nito.

May nangyari ba?

Sumunod ako habang dala dala pa rin ang pagtataka. Palaging malambing si mommy kaya hindi ko alam bakit ganito ito ngayon.

Pagdating ko sa hapag kainan ay wala pa si daddy pero nakaupo na si mommy sa pwesto nito. Dahan dahan akong naupo sa tapat nito habang nakahanda na ang mga pagkain.

Her mood is still off.

"Mommy may problema ba?"

Tumingin ito ng deretso sa akin pero hindi ko mawari ang iniisip nito. Hindi ko pa kasi ito nakitang seryoso kaya naninibago ako.

"Did dad cheated on you? Nambabae ba-"

"Chrisen, walang kinalaman ang daddy mo rito. In fact, sana ganun na lang ang kaso."

She's not happy pero anong ibig nitong sabihin?

"Bakit mommy, may nangyari ba?"

Huminga ito ng malalim. "Chrisen, I know you adore Porcia." Binundol ako ng kaba ng marinig ang pangalan ng kasintahan ko.

Alam na ba ni mommy? Regardless ay wala akong pakialam. Porcia's my happiness and I love her. Hindi ko hahayaang mawala ito sa akin.

"Hindi ang daddy mo ang nambabae kundi ikaw mismo!" Tumaas na ang boses nito. "I have nothing against same sex pero anak naman! Ang ninang mo pa talaga! Matalik kong kaibigan at mas matanda siya sa iyo ng labing pitong taon! Are you out of your mind Chrisen!?"

It hurts me to see her like this.

"Hindi ko mapipili kung sino ang mamahalin ko mommy. The moment I laid my eyes on her, my seventh birthday hold a lot of significance and one of them is loving her."

"No!" Nagulat ako ng lumagapak ang isang palad nito sa lamesa. "I spoiled you too much na nawala ka na sa tamang landas! You could've love someone else not her! Ninang mo siya!" May panggigigil na napasuklay ito sa buhok nito gamit ang mga daliri.

"Mommy, I love her and you can't change that dahil lang sa matalik kayong magkaibigan at ninang ko siya. Sa kanya ako masaya."

"Nahihibang ka na Chrisen. Hindi ko alam saan ako nagkulang! Pero sa nakikita ko ngayon, parang sumubra ako sa iyo." Kumuyom ang kamao nito habang namumula sa galit.

"And Porcia didn't think of this! The heck is wrong with her! Inakit ka ba niya ha Chrisen?!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo dahil napatayo ito.

"Don't blame her mommy! Kasasabi ko lang sa iyo na mahal ko siya simula pa noon period point blank. Hindi niya ako inakit, ako ang umakit sa kanya. Hindi po ako nagsisisi na siya ang minahal ko."

Naglakad ito paikot sa lamesa para lumapit sa akin bago hinawakan ang palapulsohan ko ng marahas.

"Chrisen, babalik ka sa Australia kung ayaw mong sirain ko ang reputasyon ni Porcia sa eskwela at sa kanyang kompanya. This is absurd and outrageous young lady!"

So Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon