Chapter 35

5.7K 291 39
                                    

Porcia Era

"So tell me about her!" Wika ni Cindy habang kumakain ito ng cookies.

She's in my house. Noong una ay nagtaka pa ito dahil nandito si Chrisen at wala sa bahay nito pero ipinaliwanag naman rito ni Chrisen. I don't need to explain myself; basta nasa akin ang taong mahal ko. I am fine with it; I don't need other people's opinions.

Magkatabi ang mga ito sa mahabang couch samantalang nakaupo ako sa isang single seater at nagbabasa ng business proposals na in-email sa akin ng sekretarya ko pero nawawala doon ang pukos ko dahil sa pinag-uusapan ng dalawang nasa harapan ko. I tried not to make it obvious na nakikinig ako.

Nagiging tsismosa na ako simula noong mahalin ko si Chrisen. I am more aware now sa mga taong nakapaligid rito.

"Hmm. She's turning thirty seven soon-"

"So totoo nga? Hindi ka nagbibiro? Pero ok ba iyon kasi hindi ka pa talaga magaling beastie baka mag-take advantage siya sa iyo."

Napatuwid ako ng upo dahil sa narinig.

Matabil ang dila ng bubwit na ito. Maghintay ka lang kapag nakabalik ako sa eskwelahan Miss Denares. Magtutuos tayo, kung exempted ka sa isang quiz na ipinangako ko. Magpawis ka sa kaka-recite.

I heard Chrisen giggle. Her laughter really melts my heart. She's so darn naughty.

"Oh! Ako ang nagte-take advantage sa kanya kasi hindi siya makahindi sa akin!" Proud pang sagot nito.

"So if she's turning thirty seven. Seventeen years ang age gap niyo? Beastie oh my goodness! Mammeng mammeh ang datingan niya sa iyo!" Humagalpak ito ng tawa.

Humigpit ang hawak ko sa laptop ko. Ang sarap saksakan ng maraming cookies ang bunganga nito.

Fuck sake Denares. Hindi ka matutuwa kapag nalaman mong ako.

Chrisen giggle again.

"Of course! She's my mommy!"

"Paano naman kayo nagkakilala? Ok lang ba kina Tita Kaede at Tito Datrius? Wait, alam ba nila?"

Napaubo ako kunwari pero hindi ako pinansin ng dalawa. Ako itong apektado sa usapan ng mga ito but them, they seem to enjoy discussing my love life in front of me for fuck sake.

Chrisen beamed in delight.

"I wouldn't say that they like her. Aside sa magka-age kasi sila ni Miss Kaede. Magkaibigan pa sila that's how I met her."

Napatingin sa akin si Cindy kaya nagkatitigan kami nito. Nahuli tuloy akong nakikinig sa usapan ng mga ito. I acted like I don't care.

Pete's sake Denares. You're making me feel uncomfortable. Malapit na kitang palayasin sa pamamahay ko.

"Miss Hart! Baka kilala mo kung sino? Nasa circle of friends niyo po ni Tita Kaede."

"No." Mabilis at simpleng sagot ko rito.

"They don't like her, but I think kahit papaano ay tanggap naman na nila kasi mahal ko siya ng sobra." Wika ni Chrisen habang titig na titig sa akin. "Besides, she doesn't need to be afraid. Age gap doesn't matter. Society doesn't matter." Tumingin ulit ito kay Cindy. "What matters is that, nagmamahalan kami. I am happy right now at nakikita kong masaya siya sa akin. That's all that matters."

Cindy squealed. Binugbog pa nito ang cushion. Ganito ba ito kiligin? Naninira ng gamit.

Iniharang ko ang laptop sa mga ito para hindi makita ang ngiting sumilay sa mga labi ko. I tried to bite my lower lip but I can't suppress that long at baka masugatan ko ang mga labi ko.

So Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon