Dedicated to: itsandreafries
Chapter 3
Isang linggo na ang nakaraan simula nang pumasok ako sa Ford International School. Ako si Diane Sanchez, 17 years old, isang scholar student at nanguna sa top 5 na pinakamataas na nakuha na marka sa entrance exam para sa libreng scholar. Akakalain ko bang kaysa sa batiin nila ako at parang ganito:
Wow! she's the top 1 right?
Yeah! let's be her friend and ask what's her favorite subject
She could also help us with our studies! it's great to be her friend!
'Yun ang inexpect ko kaso baligtad pala, nakilala ako dahil sa pagiging nerd ko.
Sa sobrang nerd ko raw, kaya ako nanguna sa top 5. Alam niyo gusto ko ngang malaman ang natitirang top 4 pero mukhang magkakaiba kami ng kurso.
Ang pinakamalala pa ay nakilala ko ang pinakatamad at bwuset na lalaki sa balat ng lupa. Naku! hindi talaga ako magkakagusto sa katulad niya.
Magkagusto man ako, itatago ko ito. Saka sinabi ko naman na hindi ulit ako agad-agad magtitiwala sa mga lalaki, saka balak ko lang magkaboyfriend kapag nakatapos na ako at nakagawa ng bahay kahit abutin ako ng 30 bago makapag-asawa okay lang! basta tupad ang pangarap ko!
Sa kasalukuyan ngayon, wala akong ginawa kundi mag-aral. Kailangan ko na ring humanap ng part-time job, kulang na kulang kami sa budget. Natatakot kami na mawalan kami ng pera. Isang buwan na lang at kailangan na naming bayaran ang Php. 80,000.00! na bills. Huhu, kulang pa ang kita ni tita, kailangan ko nang maghanap ng trabaho. Kaso ang tinatanggap lang ay ang mga 18 and above na employees. (TT—TT)
. . . . . . .
"Ate!" hindi ko napansing tinatawag na pala ako ng kapatid kong si Danna. Naglalakad kasi kami ngayon papunta sa school namin."Nakikinig ka ba?"
"Sorry, ano 'yun?" hindi talaga ako nakikinig dahil unang-una namomroblema ako sa bills, pangalawa sa paghahanap ng trabaho at sa huli 'yung hinayupak na prinsipe ng school.
"Hays...sabi ko, gusto kong madalaw ang school mo, di ba may festival kayo sa September?" tanong niya sa akin.
"Oo yata sabi sa year schedule sa bulletin board sa amin"
"Talaga? yes! ipasyal mo ko ha! baka maraming hot boys doon!" napapangiti pa siya sa mga sinasabi niya.
"Oo...siya nga pala bakit naghahanap ka ng ibang lalaki? at bakit ka sumasabay sa akin simula kahapon?" narinig kong nag-'hmph!' pa siya tapos ngumiti sa akin.
"Wala. Nag-break kami~!"
(Ooo)
"Ano?! bakit? nag-away ba kayo?"
"Hindi. Bored na ako sa kanya" straight niyang sabi sa akin. "Ang baduy niya kaya"
"HA! ikaw ang nakipag-break sa kanya?!" napalakas na ang boses ko."
"Oo"
"Bored ka na sa kanya dahil baduy lang siya?! at dapat hindi ka nakikipag-break kung nababaduyan ka lang sa kanya, baka masaktan mo lang ang puso niya!"
"So? okay lang, nakipag-boyfriend lang ako sa kanya dahil gusto kong mainggit si Rey sa kanya"
"Ginamit mo lang siya?!"
"Hindi naman, grabe ka! kailangan lang namin you know, space... he is not even my type!" mahal na mahal mo pa rin talaga ang gangster na iyon, boyfriend niya iyon nung second year siya panglima niyang bf at ang pinakamahal niya sa lahat.
BINABASA MO ANG
When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)
Teen FictionWhen will be the right time for me to love again? A mixed stories of some college students who revolve their life in love. Diane who is a broken-hearted nerd girl and Nathaniel Ford who is a spoiled brat as the two main heroines pero hindi lang sa k...