Chapter 29 - YES or NO?

29 3 2
                                    


Chapter 29

Diane POV

~*Insert song: No Erase by James Reid and Nadine Lustre*~

Naitakip ko ang aking kamay sa bibig ko. Tama ba ang narinig ko? Na mahal niya ako? Hindi ako makapaniwala.

Teka, baka naman isa ito nanaman sa nga joke niya! Oo, tama nga...pinaprangka nanaman siguro ako nito! Hindi ako magpapaloko sa kanya! Isipin ko na lang na binibiro niya ako.

"Hahaha, nakakatawa naman ang biro mo" sarcastic akong tumatawa."Akala mo siguro, ganon-ganon mo na lang akong lolokohin!" nakasimagot kong sabi.

Tumingin ako sa kanya. Mukhang nagulat pa siya at kumunot ang noo.

"What...?"

"Hindi mo ako agad-agad kayang lokohin tulad ng dati" pagmamalaki kong sabi.

"Wait, wait...do you think that I'm joking? Fooling with you?

Napatingin ako sa kanya at tumango. Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"I'm not joking, I do lov-- dammit! you!" naiinis niyang sabi."I can't say it now properly!"

"Makaalis na nga!" tinalikuran ko siya at humakbang paalis. Siya na nga nang-aasar, siya pa nagagalit!

"Wait" hinawakan niya ang isa kong balikat mula sa likod. Pinaharap niya ako sa kanya at hinawakan na ang magkabila kong balikat.

"Ano ba?" medyo naiinis na ako.

"Look at me in the eyes, do I look like I'm lying?" kaysa sa tingnan ko ang mata niya ay umiwas ako.

"Huwag mo kong asarin! Hindi ka na nakakatawa!" pilit kong inaalis ko ang tingin ko sa mata niya.

"Just look at me!" kinapa niya ang pisngi ko at pinatingin ang mata ko sa mga mata niya.

Napatulala ako, ang mga kulay dagat niyang asul na mata, ang ganda...at nakikita ko ngang nagaasabi siya ng totoo...

Inalis na niya ang kamay niya sa pisngi ko pero nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya. Tinakpan ko ang bibig ko ulit sa gulat.

"Now, you see that I'm not lying" seryoso niyang sabi."Do you know how much courage do I need to confess to you?" nagtatampo niyang sabi.

"Pasensya na...hindi ko akalain..." gulat na gulat ko pa ring sabi."Pwede?"

"Hm?"

"Pwede ko bang pag-isipan muna bago ko ibigay sa iyo ang sagot?" naguguluhan na kasi ang utak ko.

"Of course, I'll wait for you..." mahina niyang sabi."Well, see you around" tumalikod na siya at umalis.

. . . . . . .

Umuwi ako ng bahay, pinagpapawisan ako at mabilis na kumakabog ang aking puso. Hindi talaga ako makapagmove-on sa sinabi niya.

Gusto kong sampalin ng paulit-ulit ang sarili ko. Totoo nga ba? We??

"Hi, ate welcome home!" binati ako ni Danna. Parang nagtaka siya at tiningnan akong mabuti."Ate, okay ka lang?"

"Ha? ba-bki..t mo na-nam..a-n nata--..nno.-ng?" putol-putol at nanginginig kong sabi.

"Kasi, pinagpapawisan at grabe ang mukha mo! namumula na yata na halos kamatis na ang hitsura!"

"Eh? Totoo?" tumingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili ko. Oo nga.

"May problema ba?"

"Wala ito, hehe. Sige, gagawa pa ako ng homework ko!" mabilis akong umakyat sa kwarto ko. Pagsara ko ng pinto sa kwarto ko ay idinkit ko ang likod ko sa pinto at idinulas ko ng dahan-dahan. Bali nakasandal na ako sa pinto ng kwarto ko.

When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon