Chapter 27-Happy 18th Birthday Diane!

43 2 0
                                    

Chapter 27

Diane POV

Nagulat ako nang makita ko si Nathan. Ang sama ng tingin niya sa akin.

"Well?" lumunok ako saka nag-isip.

"Pasensya na, gigisingin sana kita pero napukaw ang atensyon ko sa mga libro mo tungkol sa mga eroplano kaya tiningnan ko" mahina kong sabi.

"Wala kang nakitang iba?" seryoso niyang tanong.

"Wala..." pagsisinungaling ko.

"I see" napangiti siya."Then, are you interested in airplanes?"

"Oo, gusto kong maranasang makasakay"

"Heh, you think it's fun?" natatawa niyang sabi."Wait till you ride one, you'll know how scary it is. Especially when you're in the window side"

"Talaga?, alam ko namang hindi ako makakasakay ng eroplano"

"Then, I'll take you!" bigla siyang nagsalita. Isinara agad niya ang bibig niya.

"Sure?"

"Yeah, if you want...?" nagkakamot niyang tanong.

"Oo naman, salamat!" masaya kong sabi."Hihintayin ko iyon sa tamang panahon"

"You will" ngumiti siya sa akin.

. . . . . . .

"Nathan, pangarap mo bang maging piloto?"

Nasa private library na kami kung saan dito kami nag-aaral.

"Oo, but my dad doesn't want me to become one" mahirap kung ayaw ng magulang mo sa pangarap mo.

"Bakit mo gustong maging isang pilot?"

"So I can learn to drive an airplane and find the woman who is important to me" gusto kong ngumiti pero ayaw ng mga labi ko. Dahil ba sa narinig ko ang woman?

"Sinong woman?" naalala ko tuloy ang babaeng nasa picture kanina.

"...." natahimik siya bigla."Haha, it's a secret! You don't have to know" halatang napipilitan lang siyang tumawa.

"Pareho talaga kayo ng pinsan mo...womanizer" bulong ko.

"Hey! Don't compare me to that idiot!"

"Joke lang, halika mag-start na tayo"

Magaling, nakakahabol na siya. Kaya naman niya kung sineseryoso niya ang pag-aaral, baka next time magka-90+ siya sa mga grades niya...

Hindi pa rin ako mapakili sa nakita kong picture kanina. Kamukhang-kamukha niya ang babae, sino kaya siya? Napakarami ko pa talagang hindi alam kay Nathan.

"Are you okay? you've been spaced out for a while" nagulat na lang ako nang magsalita si Nathan.

"Oo naman, namangha lang ako sa improvements mo ngayon"

"What do you expect from me?" pagmamayabang niyang sabi.

"Kailangan ko nang umuwi, pero very good ka ngayon ha?" hinatak niya ako.

"Wait"

"What?"

"Before Semi-Final exams, I have something important to ask you...so can you prepare yourself?" ayaw ko mang aminin pero parang nalulusaw ako sa mga tingin niya sa akin.

"Okay?" medyo namumula na ako, hindi ko alam kung paano siya titingnan ng diretso.

Lumalapit na ang mukha niya sa
mukha ko. Mga ilang cm na lang ang mga labi namin sa isa't isa, hindi ko namamalayan ang ginagawa ko. Barado na ang isip ko at ang puso ko na ang rumirisponde.

When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon