Chapter 38- The Break-Up, Realization and The Childhood Friend

40 2 1
                                    

A/N

Hello po, sa chapter po na ito ay hindi muna po magpapakita ang dalawang main characters na si Nathan at Diane kaya more on the side characters ang chapters na ito.

Michelle X Andrew Sarah X Arthur Karen X Joshua

Chapter 38

Michelle POV

"Ha? Anong sabi mo?" totoo ba ang sinabi ni Andrew?

"I said, let's break up..." mahinang sabi sa akin ni Andrew.

"Bakit? Si Mica nanaman ba?"

"No! walang kinalaman si Mica dito! I thought I love you pero I was wrong na infatuation lang pala, I'm sorry dahil ayaw ko nang makipagkita ako sa iyo" nakatalikod na sabi ni Andrew.

"Andrew, panaginip lang ito di ba?" pinipilit kong tumawa pero tumingin lang siya sa akin ng malungkot.

"Michelle...goodbye..." nakayukong sabi niya. Naglakad na siya papalayo sa akin.

Lumabo na ang paningin ko dahil sa luha na namumuo sa mga mata ko. Unti-unting sinaksak ang puso ko dahil sa sinabi niya. Akala ko kami na pero hindi naman pala...

Hindi ako makagalaw dahil tila bang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Umasa ako...

Gusto ko siyang habulin at sampalin pero ang puso ko ay pinipigilan ang katawan kong kumilos.

Hindi...

Kailangan kong lumaban, malalaman ko ang tunay na dahilan ni Andrew.

Hindi na ako uupo na lang at maghihintay ng resulta, kailangan kong kumilos para sa amin. Alam kong may tinatago siya, malungkot ang mga mata niya habang kinakausap niya ako. Hindi si Andrew ang tipo ng lalaki na mang-iiwan lang kapag na-bored na siya.

Magpapatatag ako, hindi na ako ang dating Michelle na iiyak na lang sa isang tabi.

Andrew POV

Pumunta ako sa parking ng mga kotse at nandoon si Mica na naghihintay sa akin. Nakasandal siya sa kotse at nakangisi.

"Good job, my darling..." balak niya akong yakapin pero pinigilan ko siya."Aw~!Affected ka ba sa nangyari? Umiiyak ka na eh" pangtutukso niya sa akin.

"Shut up" pinunasan ko ang luha ko na kanina pa tumutulo. Kaya ako nakatalikod kay Michelle para hindi niya makita ang mga luha ko.

"Hahaha, ano kaya ang expression ng midget na iyon?" tumatawang sabi niya.

"Hoy, ginawa ko na ang gusto mo, kaya pakiusap...huwag mo nang ituloy ang plano mo sa kanya" mariin kong sabi.

Sumimangot siya."Sayang naman, I was planning to kidnap her at tatakutin ko siya hanggang sa magmakaawa siya sa akin pati na ang pagbreak niya sa iyo"

"I already break up with her kaya huwag mo nang ituloy ang plano mo sa kanya" halos nagmamakaawa kong sabi pero pinapakalma ko pa rin ang sarili ko.

"Tsk.tsk.tsk! Andrew my honey naman~! That's only the start, you still have to become my boyfriend again"

"What? Wala sa usapan natin iyan!"

Ang sabi lang niya ay hindi niya sasaktan si Michelle unless makipagbreak ako sa kanya kahit na labag na labag ito sa kalooban ko. Masakit sa akin na iwanan ko si Michelle, pangako Michelle, gagawa ako ng paraan para makabalik sa iyo.

"Really? Then you don't mind na saktan ko ang parents mo?" binuksan niya ang car niya at nakita ko ang mga magulang ko na nakatali at natatakot.

"Mica! Pakawalan mo sila!" sinubukan kong lumapit sa kanya pero pinigilan ako ng dalawang bodyguard niyang kasama. "Bitawan niyo ako!"

When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon