Chapter 21- Anemia

30 3 1
                                    


Chapter 21

Diane POV

"Let's not meet anymore, ayaw na kitang makita and don't come near me anymore" sabi niya sa akin na may malamig na tono.

"Teka, Nathan..." hindi niya na ako tiningnan, tinalikuran at naglakad na lang palayo siya sa akin. Huwag!

Hindi ako makagalaw, gusto kong habulin siya pero ayaw. Nanginginig ako sa kinatatayuan ko habang hawak ko ang School Newspaper.

Pinunit ko iyon at nilukot. Nathan, ayokong nagagalit siya sa akin.

Kkkkrrriiinnnggg!!!

"Bell na, Diane, pupunta na kami sa klase namin...okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Karen.

"Ayos lang ako...patawad kung nadamay kayo..." mahina kong sabi halos maiyak na.

"Diane, kung kailngan mo ng kausap, nandito lang kami" inilagay ni Faith ang kamay niya sa balikat ko."Halika na, magkaklase tayo ngayon"

"S-salamat.." pinipilit kong ngumiti pero malungkot pa rin ako.

"Wait!" may sumigaw sa akin. Nakita ko ang supervisor ng school."Clean all this mess first..." tinuro niya ang bungkal-bungkal na kalat ng school paper.

"Teka, hindi naman po si Diane ang naglabas niyan kay-" pinigilan ko si Faith.

"Okay lang, mauna ka na doon Faith"

"Pero, Diane..."

"Kaya ko ito, matatapos ko ito..." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Fine, sabay mo 'yan...pero kung kailangan mo ng tulong, huwag kang mag-aalinlangang tawagin ako"

"Oo, maraming salamat"

"Aalis na ko, bilisan mo ha?"

"Oo"

Huminga ako ng malalim at kumuha ng trashbag para pulutin ang mga papel. Hindi ko alam kung anong oras na, nakita ko na lang na may lumabas na.

"Whoo! Tapos na klase natin mga girls~! Buti wala tayong prof. kaya mag-shopping na tayo~!"

"Yes~! Marami akong dalang money today~!"

"Gusto ko ng bagong mini-skirt~! Hihihi~!"

Habang nag-uusap sila. Napansin nilang pinupulot ko ang mga papel. Umirap sila sa akin at nagparinig, sila ang mga babaeng pumatid sa akin sa Entrance Ceremony!

Oh-My-Gosh~! That's so kaderder~!

Yeah, poor girl! After knowing na tutor siya ni Prince Nathan, nilayuan na siya!

Desperadang nerd kasi! Ayan tuloy iniwanan siya~!

Hahahahahahahaha~!

Umuunit na ang ulo ko, kumunot ang noo ko pero pinipilit ko lang pakalmahin ang sarili ko.

"Whoops!" bigla niyang sinipa ang trashbag na pinaglalagyan ng mga papel, kaya sumabog ito at nagkalat."Di ko sinasadya! Hahaha, sorry na lang, linisin mo na lang ulit~!" nagtawanan ulit sila.

Buti nga, kaiwan-iwang tao talaga siya!

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya sinabunutan ko na lang bigla ang leader nila.

"Ooouuwwwcchhhiiiee!" nagulat sila tapos ang isa nilang kasama ay sinabunutan naman ako.

Nagsabunutan na lang kami hanggang mawala sa tali ang buhok namin at gusot na.

When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon