Chapter 32Diane POV
Tama na 'yang iyak...iyak ka na lang ng iyak, wala ka nang alam kundi umiyak...napakaiyakan mo pa rin talaga Diane...
Hindi dapat ako magkaganito. Hindi ako dapat umiyak.
Pinunasan ko ang mga luha ko. Bumaba na ako sa Ground Floor para umuwi, tapos nakita ko si Danna na kinakausap si Nathan.
(( O______O ))
"Danna?!" napasigaw tuloy ako.Napatingin sila sa akin at binati ako ni Danna.
"Hi ate~!" kumakaway-kaway pa siya. Danna anong ginagawa mo rito?
Ang cute talaga ng kapatid ni Bookworm...
Sana ganyan na lang siya ka-cute, hindi isang nerd tulad niya...
Sa una, you won't know that they are actually sisters...
Medyo nainis ako sa mga bulungan ng estudyante. Oo na, panget ako at cute si Danna...
Nahuli kong nakatingin sa akin si Nathan pero iniwasan niya ako agad.
"Ate! Ate! Ate!" hinila ako ni Danna palapit sa kanila. Magkatabi tuloy kami ni Nathan at naiilang sa isa't isa."Dapat laging magkasama at magkaholding-hands ang mga couple" kinuha niya ang kamay naming dalawa ni Nathan pero inalis rin namin ito agad.
"Danna" tumingin ako sa kanya ng masama.
"Bakit? Hindi ba normal lang ang maghawakan ng kamay ang magboyfriend at girlfriend"
Ala! Sinabi ko nga pa lang kami na ni Nathan para hindi siya magalit sa akin.
"Couple?" napatanong si Nathan."We're not a coup--" bago pa matapos si Nathan ay sumingit na ako.
"Ah! Sige may pupuntahan pa kami! Bye Nathan!!!" hinila ko paalis si Danna sa nagtataka pa ring Nathan.
Tumatakbo kami ni Danna pauwi, tumigil kami sa may traffic light. Maglalakad na lang kami pero pinigilan ako ni Danna.
"Ate! Ano ba? Bakit ba?" naiinis niyang tanong.
"Sorry...bakit ba nandoon ka?" tanong ko sa kanya.
"Ah! Kasi, magandang balita, sabi ng hospital ay nagising na raw si mama!"
Michelle POV
Nasa bahay na ako at gumagawa ng ipapasa kong project. Napatingin tuloy ako sa langit. Kumusta na kaya si Andrew? Hays...makapag-aral muna...
Bubuksan ko pa lang ang isa kong Notebook nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Michelle" si kuya!
"Bakit kuya?" tanong ko sa kanya.
"May naghahanap sa iyo sa baba" may naghahanap sa akin? Sino?
"Hi Michelle" ngumiti siya sa akin na parang may rosas sa background niya.
Siya?"Mica?"
"Oo, can I talk to you for a bit?"
"Sige..." lumunok ako. Kinakabahan ako rito...
. . . . . . . .
"Ang ganda ng panahon ngayon, di ba?"
Napunta kami sa park, umupo siya sa isang swing at pinatabi ako sa tabi niya.
"Oo nga" umupo na rin ako. Ano ba naman ang itatanggi ko?
"You know..."
"?"
BINABASA MO ANG
When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)
Teen FictionWhen will be the right time for me to love again? A mixed stories of some college students who revolve their life in love. Diane who is a broken-hearted nerd girl and Nathaniel Ford who is a spoiled brat as the two main heroines pero hindi lang sa k...