Chapter 25-Semestral Break

20 2 0
                                    

Chapter 25

Diane POV

"Mmm~!" masaya akong gumising, umunat muna ako bago ayusin ang kama. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at ngumiti. Today, is a new day!

"Ate...good morning..." namumula ang mga mata ni Danna na kulang na lang ay mamaga.

"Oh? Anong nangyari sa mata mo?" nag-aalala kong tanong.

"Wala ito, halika ate baka ma-late tayo" mahina niyang sabi bago bumaba ng hagdanan.

Sa tingin ko tungkol nanaman ito kay Rey na ex-boyfriend niya. Mahal na mahal niya talaga kasi, siya ang great love niya.

"Diane, halika rito" nagtaka ako kung bakit kababa ko lang ay hinila ako ni tita sa kwarto niya.

"Ano po iyon tita?"

"Heto oh" may inabot siya sa aking kahon, nakabalot pa ito.

"Ano po ito?" inalog ko pa ang kahon at pinakinggan.

"Buksan mo" nakangiti niyang sabi.

"Sige po" binuksan ko ang kahon at ang gulat ko na may nakita akong cellphone.

"Alam kong masyado pang maaga para sa birthday mo pero gusto na kitang ibili kaya Ta-da!" napapalakpak niyang sabi.

"Tita,..hindi niya na po kailangang bumili nito..." nahihiya kong sabi.

"Naku, hindi, regalo ko sa iyo iyan dahil nagsisikap ka...kunin mo na sayang naman binili ko na" natutuwa ako. Hindi ko maipaliwanag kung paano ba.

"Maraming salamat po tita, matagal ko nang gustong magkaroon ng cellphone" nakangiti kong sabi. Niyakap ko si tita.'Thank you po talaga!"

"Walang anuman, halika kumain na tayo ng almusal"

"Opo"

. . . . . . .

"Wow, meron ka nang cellphone?" gulat na tanong ni Karen. Kasama namin ngayon si Faith, nakikisama na siya sa amin ngayon.

"Oo, binigay sa akin ni tita" pinakita ko sa kanila.

"Ang bait naman ng aunt mo, ah! Take my number" naglabas si Faith ng cellphone.

"Okay, teka paano maglagay ng number sa cellphone?" ang mag-text lang ang alam kong gawin.

"Parang ngayon ka lang nakahawak ng cellphone, ha? First time mo lang bang magkaroon?" natatawang tanong ni Karen.

"Ang totoo niyan...hindi ko first time makahawak nito, pero ngayon lang ako nagkacellphone sa buong talambuhay ko" mahina kong sabi.

"Eh?! Seryoso?" gulat at sabay-sabay na tanong nila Faith, Karen at Michelle.

"Oo, humihiram lang ako sa kapatid ko kapag kailangan ko talagang gumamit"

"Hm...we have to teach you the basics then further step-by-step" nakangiting sabi ni Faith.

Marami silang naturo sa akin, pati games...ang galing!!! Pwede pa lang magdownload ng mga app?

"Anong app ba gusto mo...?" tanong sa akin ni Michelle. App means application di ba? Edi...

"Dictionary, Encyclopedia, Sudoku, Text twis-"

"Not that, iba pa" bawal sa akin ni Faith.

"Wala na"

"Fine, lagyan kaya natin ng Clash of Clans!" Ha? Matagal ko nang naririnig ang COC, paano ba nilalaro?

"Paano iyon?"

"Bibigyan ka namin ng instructions ng games"

Natapos na ang pagtuturo nila sa akin, simula na ng Semestral Break bukas, ano kaya gagawin ko?

When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon