Chapter 35
Karen POV
"Will you go on a date with me?" tanong sa akin ni Joshua.
EH? Makipagdate sa kanya? Inaaya ako ni Joshua Ford?! Na Crush ko? AYIIIEE!!!!
"Para saan?" pinipilit kong ngumiti pero kinkilig talaga ako. Shet! ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Ah, sorry kung biglaan kasi kailangan kita dahil sa isang Triple Date" nakangiti niyang sabi.
TRIPLE DATE? AYYYIIEE!!!! so totoo nga! OMG!
"Talaga?" pinipilit kong kumalma dahil konti na lang ay isisigaw ko na ang sagot."Oo, kung doon ka masaya!" medyo pakipot...
"Yes! thank you! ikaw lang kasi ang alam kong mapapagkatiwalaan ko!"
Teka? Mapagkakatiwalaan?
"Anong mapagkakatiwalaan?" nagtataka kong tanong kay Joshua.
"Actually, the reason why I ask you is to help me tomorrow" nagkakamot ng ulo niyang sabi.
"Para saan?"
"To help Niel and Diane make-up! and to realize those two idiots that they are really inlove with each other"
"Ah..." medyo kumunot ang noo ko. Akala ko totoong date kundi plan lang pala?
"But, even though it's a plan. I still want to have fun with you and you're the only girl I know that I can trust. Thanks by the way, bye! I'll pick you up tomorrow!" umalis na siya pagkatapos.
Paano naman niya malalaman 'yung bahay ko? At saka nawala na rin 'yung inis ko nang malaman kong ako lang ang pinagkakatiwalaan niya! Ayie!!!
. . . . . . .
"Zzzzz!"
Karen!
"Zzzzz!"
Karen! Gumising ka na!
"Zzzzz!"
Karen!!!
"Nay, ayoko pa pong pumunta ng langit...ayoko pa pong mamatay" sabi ko habang nginunguya ko pa ang bibig ko at nakapikit pa rin ang mata ko.
"Hoy! Anong langit? Anong mamatay?!" napagising ako sa sigaw ni nanay na itinapat pa niya sa tenga ko. Tinanggal niya na rin ang kumot ko.
"Nay! Ang aga pa po!" pinipilit kong kunin 'yung kumot ko pero ayaw ibalik ni nanay.
"Hoy ine, may naghihintay sa iyo sa baba!"
"Talaga po? Sino?"
"Aba'y hindi ko alam! Basta mukhang mayaman, may magandang kotse at ang gwapo!" medyo kinikilig pang sabi ni nanay.
"Opo baba na ako" bumaba ako ng kwarto. Naligo muna ako at nung paglabas ko ng banyo ay.
.."Hi Karen!" nakita ko si Joshua na nasa living room at nakaupo sa isang upuan. Sila Nanay at Tatay naman ay abot-tenga ang ngiti.
(( O/////____________ /////O ))
"Ahhhh!!!!" napasigaw tuloy ako napakatakbo sa kwarto ko dahil nakita niya lang akong nakatuwalya.
Nanay naman, bakit mo pinapasok agad si Joshua! Nakakahiya tuloy!
Kumatok si Nanay."Anak! ang tagal mo naman!"
"Sandali lang po" hindi ko maisarang mabuti ang zipper sa pantalon ko, pero na-izip ko na rin sa huli.
"Wow! Karen, boyfriend mo ba siya?" tanong ng kapit-bahay kong si Sally.
BINABASA MO ANG
When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)
Novela JuvenilWhen will be the right time for me to love again? A mixed stories of some college students who revolve their life in love. Diane who is a broken-hearted nerd girl and Nathaniel Ford who is a spoiled brat as the two main heroines pero hindi lang sa k...