Chapter 13-HomeSick

30 2 0
                                    


Chapter 13

Diane POV

"Nathan? Bakit ba ipinatawag mo ko rito?" tanong ko sa kanya. Nagbabasa ako sa library nang sinabi sa akin ng isang janitor na pinapatawag ako ni Sr. Nathan, nalaman niya dahil ako lang naman ang nerd na nakatirintas.

"Well, um...there is something important that I want to tell you" nagkakamot siya ng ulo habang nakatingin sa baba.

"Ano?"

"I-it's..."

"Sabihin mo na, magbabasa pa ako sa library" madiin kong sabi. Pero tumahimik lang siya."Kung wala, magbabasa na ako"

Papaalis na ako ng hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako."Don't go"

"Ha? Bakit ba?" naiinis kong tanong sa kanya. Bigla niyang kinapa ang pisngi ko at sinabing...

I love you...

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya."A-ano?" nanginginig kong tanong.

"I love you" seryoso niyang sabi sa akin.

"Ano?!" talagang gulat na ako dahil dalawang beses niya nang sinabi iyon.

"Oh! For Pete's sake!"

"Mmph-!" bigla niya akong hinalikan sa labi.

(@^@)

Ang First Kiss ko...

Waaaaaa!!!!!!!

"Aaahhh!" bumangon na lang ako sa kwarto ko. Buti panaginip lang iyon, akala ko nawala na ang virginity ng lips ko, huhu."Aray" naramdaman kong sumakit ang ulo ko at nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Oh, you're awake..." tumingin ako sa taong nakaupo sa tabi ng kama ko na nagbabasa ng libro.

( O - O)

"Kya!!! N-Na-Nathan?! Anong ginagawa mo rito?" halos napalundag ako sa kama, hindi nga lang dahil nanlulumo ako.

"Gala" tipid niyang sabi.

"Anong gala? Di ba may klase pa?! Paano ka nakapasok?"

"Pinapasok ako ng tita mo, binigyan pa nga ako ng biscuits. She is really nice, you're lucky to have an aunt like her" kumagat siya ng biscuit."By the way, I didn't know you read this book 'Love For Beginners'"

"Hoy! Akin na nga iyan!" inagaw ko sa kanya ang libro na pinag-iingat ingatan ko."Di ka pa ba aalis? Gagayak na rin ako" tinuro niya ang orasan ko. Nakita ko na...

11:30 am

"Kalahati na iyan ng mga klase ko! Gagayak na ak- aray..." nahilo nanaman ako.

"You have a high fever, your aunt told me so that's why she didn't wake you up. She said to me to tell you that stop stressing yourself, bawal mapagod at magpuyat, di ka na nga raw nakakakain minsan oh and she went out to shopping"

"Ah..." kaya pala ang init ng pakiramdam ko. "Teka, bakit ka naman nandito"

"Because of you"

"Because of me..?" concern siya sa akin. Uy! Akalain niyong may caring personality pala si Nathan. (0////¤////0)

"Yeah, kung wala ka it means that wala rin akong aasarin...aray!" adik ito ha?

"Sige, umalis ka na. Nakakaistorbo lang ako sa iyo" ewan ko ba kung bakit parang nagtatampo ako. Malay ko ba? Natotopakan na yata ang utak ko, teka baka puso? Ewan.

"No, I'm really here because of you so that I can say a reason to my sister that why I ditch class" edi parang ngang ginamit mo lang ako!

"Umuwi ka na, matutulog ulit ako" tinakpan ko ng kumot ang mukha ko."Gumawa ka na lang ng importanteng bagay"

When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon