Chapter 8 - Preliminary Exam

45 3 0
                                    

Dedicated to: bumblebane

Chapter 8

Diane POV

~*Insert song* Wedding bells and Wedding March~

"Ate! Wake up!" nasa loob ako ng simbahan, may tumutugtog, red carpet, at mga tao.

"Ate!" nakasuot ako ng wedding dress na may bouquet sa kamay. Nakatalikod ang lalaking papakasalan ko.

"Wake up!!!" Humarap siya sa akin at nakita ko ang mukha niya.

Siya--si--si--si--si!

(O.o)

Nathan?!

"Waaaahh!!!" nahulog na lang ako sa upuan ko. Nakatulog pala ako, kaaaral.

Nakita ko si Danna na may hawak na feather.

"Yehey! Gising ka na!" pumalakpak siya.

"Teka, aanin mo iyan?" tinuro ko ang feather na hawak niya.

"Eto? Ah, ayaw mo kasing magising kaya balak kitang kilitiin, alam kong malakas ang kiliti mo eh!"

"Salamat na lang..." huminga ako ng malalim.

"Bilisan mo na oh!" tinuro niya ang wall clock.

9:00 am...

(O@O)

"Ahh! Malalate na ako! Teka? Di ba may exam ka ngayon? Bakit hindi ka nakagayak?!" nagwawala kong tanong sa kanya.

"Ate, after lunch pa ang exam namin" pinakita niya ang schedule sa papel ng exam nila.

"Ha? lagot!!!" nag-apura akong maligo, kumain, magtoothbrush at gumayak."Tita, aalis na po ko!" agad akong lumabas ng bahay.

"Mag-iingat ka!"

. . . . . . .

"Ayos! hindi pa nagbebell!" napangiti ako ng masaya. Kaso, hingal na hingal ako.

Kring!!!

"Ah! Nag-bell na!!!" tumakbo ulit ako papunta sa classroom."Hoo! nakaabot ako" sabi ko pagpasok.

"You again?" napatingin ako sa room teacher namin na magpapa-exam. 'You again' daw?
"Sino po kayo...?" parang matumba siya sa tanong ko.

"Argh! it's me" nagbun siya ng buhok at naglagay ng mamahaling salamin.

"Eek! ikaw!" siya 'yung nagpa-exam sa amin nung entrance exam. 'Yung nagsabi sa aking nangongopya ako. Nag-iba kasi hitsura niya eh, ang ganda at desente niya kanina pero ngayon nakakatakot siya.

"Tss! go to your seat now! before I'd fail you!" nataranta akong umupo sa upuan ko.

"Here's your test papers, no cheating, no drawing on it, no too much erasures make sure to use a pencil first" ibinigay niya isa-isa ang mga test papers sa amin. Nakabaligtad ako, lumunok ako at saka tiningnan ko ito.

Sinagutan ko na ito, pakiramdam ko tinitingnan ako ng teacher na nagbabantay sa amin.

"Bawal mangati!" sigaw niya sa lalaking nagkakamot ng ulo.

"Bawal lumigon sa likod!" sigaw niya sa babaeng nasa harapan.

"Bawal kumain kapag nageexam!" sigaw niya naman sa katabi kong kumakain ng Piattos.
"Bawal tumingin sa ibang kaklase!" sigaw sa harapan ko. Ano ba iyan? napatingin lang eh! talk about so strict!

Slam!!!

"?!" lahat kami nagulat ng biglang bumukas ang pinto.

"Sorry! I slept too long!"si Nathan na--jusme!--halatang naapura siya! Ang gulo-gulo ng damit niya, hindi pa nakabuttons. Yung buhok niya hindi niya sinuklay!

When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon