Chapter 37Diane POV
"Ate congratulations~!" niyakap ako ni Danna pagkatapos naming magparty-party sa labas.
"Thank you, Danna"
Si Nathan talaga, nagawa pang bumili ng handa para sa buong kanto. Pero natutuwa ako dahil girlfriend na niya ako.Pagpasok ko sa school, kinabukasan ay wala man lang nakakaalam na boyfriend ko na si Nathan kahit sila Faith.
"Good morning Nathan!" as always, tuwing umaga ay parang prinsipe siya kung batiin.
"Thank you guys" nakangiting sabi ni Nathan.
"You know Diane, because of you that Nathan changed" sabi sa akin ni Faith.
"Ha? Changed?"
"Yup. You don't remember? Nathan is really an irresponsible, spoiled and mean guy before but thanks to you he becomes more responsible, mature and nice" natutuwang sabi ni Faith."I didn't know na isang Diane lang pala ang kailangan para magbago siya"
Natawa na rin ako sa sinabi ni Faith. Isang katulad ko lang? Hm...mukhang totoo nga na malaki ang pinagbago niya. Naalala ko tuloy nung First Day of school, napakasungit niya sa akin at sobra na ang galit ko sa kanya noon na halos sumpain ko na siyang mamatay pero akalain ko bang kami pala ang magkakatuluyan sa huli?
Fate really surprise us, when we are not ready it always comes by...
Nahuli kong tumingin sa akin si Nathan, ngumiti siya at ngumiti rin ako na may kasamang kaway. Ngayon ko lang sasabihin na hindi kami magkatabi ng upuan dahil lumampas na ang Second Semester.
Nasa kauna-unahan siya at ako naman ay kabaligtaran. Nasa kahuli-hulihan akong upuan. Kahit na malayo kami sa isa't isa ay nararamdaman kong nasa tabi ko lang siya.
Waa! Kilig nanaman ako to the max!
. . . . . . .
Lunch time na kaya pupunta na ako sa garden kung saan kami naglalunch nila Karen, Michelle at Faith.
Papalabas na sana ako ng room nang biglang humarang sa pinto si Nathan.
"Diane, would you like to eat lunch with me?" nahihiya niya pang tanong. Walang rao na sa room at naglalunch na, sinadya niya kayang hintayin ako para lang sumabay maglunch sa akin?
Wow! Ang sweet naman niya...
"Nathan, paano kasi...alam nila Faith na sasabay ako sa kanila maglunch ngayon kaya--"
"Then I'll just say to them that I borrow you to lunch"
"Hindi kasi..." nagulat ako nang bigla siyang nagpuppy-eyes sa harapan ko.
"Ayaw mo ba kasama ang boyfriend mo?" pacute niya pang tanong.
Huminga ako ng malalim."Hindi naman sa ayaw ko..." gusto ko nga eh. Hindi ko akalain na boyfriend ko ang prince ng school na ito.
"Then, let's eat lunch together!" \(^___^)/
"Pero Nathan, nauna sila"
(-____-)"Please? Magtatampo ako!" nagmamaktol niyang sabi. Ang cute talaga niya! Pero magpapakatotoo lang ako na kinikilig ako.
"Sige na nga...tatawagan ko lang sila" Lumundag pa siya sa tuwa.
"Hihintayin kita sa rooftop!" humaripas siya ng takbo papunta sa rooftop.
After kong sabihin na sasabay na akong makipaglunch kay Nathan ay umakyat na ako sa rooftop.
Nakita ko siya na nakatingin sa langit. Mayroon siyang ngiti na nakaukit sa mga mukha niya pero ang mga mata niya ay may halong lungkot.
BINABASA MO ANG
When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)
Ficção AdolescenteWhen will be the right time for me to love again? A mixed stories of some college students who revolve their life in love. Diane who is a broken-hearted nerd girl and Nathaniel Ford who is a spoiled brat as the two main heroines pero hindi lang sa k...