Chapter 28- The Confession

26 2 0
                                    

Chapter 28

Diane POV

Monday nanaman! Ngayon ang unang pasok ko sa school na ako ay isa nang 18 years old.

"Argh...Mondays!" bored na sabi ni Danna habang nagtutoothbrush kami sa banyo.

"Ang saya kaya kapag Monday, maraming pasok" napapangiti kong sabi.

"Tsk. Ate, 'yung iba ayaw pumasok. Ikaw naman gustong-gusto mo!"

"Masaya naman sa school, di ba?"

"Hindi noh, lagi ko siyang nakikita araw-araw!" badtrip na badtrip yata si Danna ha?

"Sino ba? Si Rey?" bigla siyang napatigil sa pagtutoothbrush at yumuko. Oops, dapat hindi ko tinanong iyon."Danna...?"

Tumingin siya sa akin na naiiyak."Waaa!!! Ate!" bigla na lamang akong niyakap ni Danna."Nagkita kami ni Rey kahapon, sinubukan ko siyang iwasan pero siya pa ang lumalapit at sinasabing mahal niya pa rin ako, ayoko nang umasa! Ate, anong gagawin ko?"

"Danna" tiningnan ko siya ng seryoso ang umiiyak niyang mukha."Ikaw mismo ang hahanap ng sagot na iyan sa katanungan mo"

"Ate" pinupunasan na niya ang kanyang luha."Wala kang kwenta!" dinilaan niya ako pagkatapos magmumog."Bllll!!!"

"Kayong dalawa! Ilang dekada na ba kayo diyan?" narinig naming sumigaw si tita.

"Tapos na po kami" lumabas na kami ng banyo ni Danna para magbihis.

. . . . . . .

"Diane!!!" pagpasok na pagpasok ko ay niyakap ako bigla ni Joshua."Good morning!"

"Uh...Good morning...Joshua..." ( - . - )

Bbbbbooogggsshhh!!!

Again, sinapok nanaman siya ni Nathan.

"Stop it, Good morning" binati ako ni Nathan kahit na nakapoker face siya.

"Good morning" napangiti siya pagkatapos kong mag-reply.

Normal na kaming nag-uusap ngayon. Dahil na lumabas na rin ang sikreto, hinayaan naman na namin iyon.

"Belated Diane!" binati rin ako ni Faith.

"Thank you"

Ilang oras na ang lumipas, na-inform na sa amin na malapit na ang Semi-Finals. Mag-aaral ulit ako ng maayos.

Natapos na ang buong klase, actually, tatlong prof. ang absent ngayon dahil may dengue, bulutong at sour eyes sila ngayon. Kaya ang aga-aga kong natapos, si Faith at Nathan ang may klase pa.

Si Joshua, pareho kami ng isang prof. kaya mamaya pa ulit ang klase niya. Papunta sana kami sa library ngayon pero naisip naming mag-lunch muna. Nag-aapoy si Nathan nung makita niyang magkasama kami ni Joshua, gusto niya raw sumama pero pinilit ko siyang pumasok sa klase niya.

"Diane, wala ka nang klase?" tanong sa akin ni Joshua.

"Oo, tatlo-tatlo ang wala kong prof. na sunud-sunod pa" sabi ko pa na binibilang ang daliri ko.

Nakarinig kami ng sigaw pagdating namin sa canteen. Nakita ko si Karen na sinsigawan ng canteen lady na nagbobroken-English pa.

"Sorry po, kulang ang pera ko" naiiyak na sabi ni Karen.

"Dapat kasi you can buy pud kapag meron kang money-money, you..you kent buy pud if you doesn't have money-money" Eh? Ano raw??

"Sorry po talaga, nakain ko na po, sabi po kasi sa presyo tama ang pera ko"

When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon