Chapter 12-End of School Cultural Fair

33 2 0
                                    


Chapter 12

Diane POV

Huminga ako ng malalim, hanggang ngayon kahit na bumalik ako rito sa room namin at si Danna umuwi na...ay hindi, nakikipag-usap pa ang boys sa kanya.

Kanina, nagulat ako nang makita ko si Chris. Sinabi niyang hindi niya ipagsasabi ang sikreto at saka mukhang katiwa-tiwala naman siya lalo na angelic smile niya.

Pero bakit?...bakit parang wala akong tiwala sa kanya na sinasabi ng utak ko na dapat hindi niya nalaman iyon.

Tumingin ako kay Nathan, nakikipag-usap siya sa ibang lalaki at babae. Nakangiti siya...naisip ko na isa pa rin siyang lalaki.

Pare-pareho pa rin silang lahat. Paano kaya kapag nalaman nila ang sikreto namin ni Nathan? Ngayon na parang hindi niya ako kilala. Na invisible lang ako...

. . . . . . .

"Bye ate~! Nag-enjoy ako!" kumaway sa akin si Danna."Paalam rin sa inyo~!" nag-wink siya sa mga lalaki sa likod ko.

"Paalam Danna~!" sabay-sabay na paalam ng mga lalaki. (♡*♡)

Bumalik ako sa room namin, nag-ayos kami at naglinis, actually ako lang ang halos naglinis. 'Yung iba nag-chat lang.

"Phew! tapos na!" ibinaba ko na ang huling kahon na nakahalang. Malinis na ang room. Kailangan ko na ring magbihis.

"Guys! Ibibigay na namin ang sweldo!" nag-unahan ang mga kaklase ko kay Head Rep. na dala ang maraming envelope na hinati-hati sa kita namin.

"Umm...excuse me..." pinipilit kong sumiksik pero hindi ko makaya lalo na't nagtutulakan sila."Mamaya na nga lang"

Nagbihis na lang ako bago bumalik sa room. Naglakad na ulit ako pabalik nang maabutan ko si Head Rep. na inabot sa akin ang envelope.

Napangiti naman ako nagpasalamat sa kanya."Salamat"
"Ang totoo niyan, naubusan ka na talaga. Nagrereklamo sila dahil Php 5,000.00 lang ang nakuha nila...kaya may dumoble ng kuha" Php.5,000 ang laki na kaya 'non!

"Naubusan edi kanino it-?"

"Sa kanya..." tinuro niya ang likod niya. Nathan?!

Lumapit kami sa kanya na nakasimangot at nakasandal sa dimgding."Don't think that I really give you that...it's just that I don't need it! I have lots of money! take that cheap cash.Nerd"

"C'mon, dude!" inakbayan siya ng isang lalaki kasama pa ang tatlo."Bar!bar!bar!"

"Yeah, fine"

Napangiti ako.

"Diane, it looks like close kayong dalawa ni Nathan...matagal na ba kayong nag-uusap?"

"Ah...hindi, ngayon lang kaya! Haha" sinusubukan kong tumawa pero baka mahalata niyang fake.

"Hmm..." tumingin siya sa akin ng seryoso at saka ngumiti."Okay then, if you say so...you can go home now" nakangiting sabi ni Head Rep. sa akin.

"Okay, Head Rep."

"Oh, wait!" tinawag niya muna ako."Just call me, Faith"

"Sige, Head Rep...ay! Faith pala..." natatawa kong sabi. Nakalimutan kong Faith nga pala pangalan niya. Sanay na kasi ako sa puro Head Rep.

Lumabas na ako ng school. Naramdan kong umambon, tapos pumasok ako nung lumakas na ang ulan.

Ang lakas, buti may dala akong safeguard ngayon! Ta-da!

Umbrella~!

Binuksan ko na ang payong ko. Saka naglakad palabas ng gate, tapos na ang cultural fair ngayon. Sa Wakas!

When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon