Chapter 33- Semi-Final Exams

32 3 0
                                    

Chapter 33

Diane POV

Ano kaya ang tinutukoy ni Danna kagabi? Minsan hindi ko rin alam kung ano ba ang takbo ng isip 'non pero ang mas ikinagulat ko ay ang nangyari kay papa. Hindi pala lahat ng taong minamahal sa iyo, iiwan ka...

Bbbbboogggssshhh!!!

May nakabunggo akong tao.

"Sorry" sabi ka habang hawak ko ang namumula kong ilong."Chris!" natutuwa ako at nagkita kami ulit.

"Oh, it's you Diane" nakangiti niya ring sabi sa akin.

"Matagal na kitang hindi nakikita, kumusta ka na ba?"

"I'm alright, nagkaayos na kami ng Dad ko sa USA...nung dinadalaw ko ang mga grandparents ko"

"Talaga? Edi mabuti!" natutuwa kong sabi.

Buti pa siya, nakapag-ayos siya sa ama niya pero ako...habang-buhay na akong nagagalit at kinamumuhian ang aking ama, hindi ko man lang alam ang katotohanan lalo na't hindi ako nakapagpasalamat sa kanya at humingi sa kanya ng tawad sa pagmamahal niya sa amin.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Chris.

"Wala ito, naalala ko ang papa ko na hindi ko man lang alam na namatay na pala" mahina kong sabi.

"That's bad to hear..." sabi ni Chris."Anyway, Semi-Finals is tomorrow. I need to study hard this time"

"Okay, sige by--" napahinto ako nang makita kong nanlilisik ang mga mata ni Nathan sa akin. Nakakatakot ang hitsura niya.

"Eh? Nathan!"

(O @ o)

"Ehhh?!" biglang tinawag ni Chris si Nathan.

"Hey" nakangiting bati ni Nathan kay Chris.

Namimiss ko nang makita ang mga ngiti ni Nathan pero hindi naman siya sa akin nakangiti kaya ano pa ang ang silbi ng pagkatuwa kong makita ang ngiti niya muli.

"It's been ages, where have you been all this time?" lumalapad pa yata ang ngiti ni Nathan kay Chris.

Argh, naiinggit tuloy ako kay Chris. Ako lang ang hindi niya nginingitian.

"Christian! Hey, dude! long time no see!" nag-apir pa si Joshua at Chris.

"Josh! man, hey! how are you?" halatang matagal na silang magbebestfriend na tatlo.

"Handsome pa rin dude!" nagtatawanan sila.

(^____^) <-------------Sila

(-__- ; ) <-------------Ako

"Diane! come here!" bigla akong tinawag ni Chris. Napatingin ako kay Nathan na nakatingin sa ibang direksyon.

Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.

"Huwag na, pupunta na ako sa klase ko" aalis muna ako. Hindi pa ito ang oras para kausapin ko si Nathan.

"Halika na" hinila ako bigla ni Chris.

"T-teka s-sandali!" hindi niya pa alam kung ano ang nangyari sa amin ni Nathan.

"Kayo mag-usap" hinarap niya ako kay Nathan. Nagkatinginan kami ni Nathan, nag-iwasan kami ng tingin pagkatapos.

"Uh..." sabay naming sabi ni Nathan.

"Hm, hold hands you two lovebirds" kinuha ni Chris ang kamay namin ni Nathan at pinagdikit ito. Si Joshua ay hindi na lang nagsasalita.

When The Right Time Comes: Our Love Begins(Ongoing And Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon