Thirteen

408 26 10
                                    




































SAMANTHA's POV






















Samantha: Lakay. Anong hong meron? Bakit nagtitipon ang mga tao? May artista po ba?

Bernardo: Artistahin naman talaga. Eh kagwapong bata.

Samantha: Sino po?

Bernardo: Ayun oh!

Biglang turo ni Lakay Bernardo sa malayo. Nakita kong may lalaking naglalakad, nakasuot ng pulang polo shirt at maraming nakapaligid sa kanya. Sandro?!

Samantha: B-bakit daw ho sya nandito?

Bernardo: Naisipan sigurong bisitahin ang mga magsasaka. Halika Iha, tulungan mo ako rito.

Andito kami ngayon at nakabilad sa ilalim ng araw. Nag-aani ng tuyong palay mula sa sakahan.

Bernardo: Napaka-bait na bata at marunong makisama sa mga tao. Biruin mo sa init ng araw na to, naisipan nyang bumisita rito.

Samantha: Lagi nya ho bang ginagawa yan?

Bernardo: Madalang lang, siguro ay kapag hindi sya busy sa trabaho. Matalino kasi talaga ang batang yan at totoong may alam sa agrikultura. Hindi gaya ng ibang politiko, puro factory at building ang gustong ipatayo.

Napabuntong hininga na lamang ako. Kanina lang ay nagpunta sya sa bahay para kausapin ako, pati ba naman sa bukid ay andito sya?

Bernardo: Halika at bumati tayo.

Samantha: Sige ho Lakay, kayo na lang po. Ako na po ang magtutuloy nito.

Walang gana kong sagot.

Hindi pa man din nakakaalis si Lakay Bernardo ay nakita ko na sa gilid ng aking mga mata na papunta na si Sandro sa direksyon kung nasaan kami.

Sandro: Kamusta po?

Bernardo: Mabuti naman po Congressman. Napadalaw po kayo?

Sandro: Gusto ko lang po kayo kamustahin dito at makita sana kung umuunlad ba ang ating ani.

Bernardo: Ay opo, salamat po sa mga binhi na ibinigay ninyo. Makakapagtanim pa po kami bago mag-tag ulan.

Hinayaan ko silang mag-usap at tinuloy ko na lang ang ginagawa ko.

Samantha: Lakay, tapos na po ako. Mauna na ho ako sa bahay para tulungan si Manang.

Bernardo: Sya sige.

Sandro: Apo, sya po ba yung dalagang sinasabi nyo?

Bernardo: Ay opo, Congressman. Hindi pa po ba kayo nakapag-usap?

Sandro: Hindi pa po dahil umalis din po ako agad kanina.

Psh. Sinungaling.

Sandro: Pwede ko po ba sya hiramin?

Bernardo: Ay oo naman. Sige po, isama nyo na po sya.

Samantha: Lakay.

Nag-aalalang saway ko kay Lakay Bernardo. Nakalimutan kong hindi nga pala nila alam na iniiwasan ko itong lalaki na nasa harapan namin.

Bernardo: Abay bakit? May problema ba?

Samantha: W-wala po. Nakakahiya po kasi, galing ako sa arawan, hindi pa ako naliligo.

Sandro: Okay lang. Ako rin oh, nakabilad sa araw.

Tumingin na lamang ako sa kanya at bumuntong hininga. Mukhang wala na rin naman akong magagawa kung hindi ang sumama sa kanya. Ayoko naman magmukhang bastos sa harap ni Lakay.

Chasing Dreams (Book 2)Where stories live. Discover now