Eighty Three

191 6 1
                                    

SAMANTHA's POV

Tila napako ang mga paa ko mula sa sahig na aking kinatatayuan. Gusto ko na sanang umalis pero hindi ko magawang gumalaw. I tried to smile to hide the pain in my eyes. All I can do is just to stare at them habang unti-unti ang pag-usbong ng sakit sa aking dibdib. Dapat ba ako makaramdam ng selos? Dapat ba, hindi nalang ako pumunta?

Nagulat pa ako when Zeus wraps his arm around my waist. His timing is perfect, lalo pa at pakiramdam ko na babagsak ako at anytime. He is always there to save and rescue me. He was about to pull me and take me out from the scene pero pareho kaming natigilan nang magsalita si Sandro.

Sandro: Mama Meldy, have you met my girlfriend?

Lahat kami ay napatingin sa kanya. I saw the way he glared at Zeus. Hanggang sa bumaba ang paningin nya sa kamay na nakahawak sa beywang ko. Bakit bigla akong kinabahan sa tanong nyang yun?

Ipapakilala nya ba ulit si Lex as his girlfriend?!

Sandro: She's right infront of you. Isn't she lovely?

He was proud and sarcastic at the same time.

Sino sa aming dalawa ang tinutukoy nya? Lex and I are both standing in front of Mama Meldy. Mas malapit lang sya ng isang hakbang kesa sakin.

Tinignan ko isa-isa ang mga mukha nila. But it was Lex who caught my attention. Her smile slowly fades away. She mouthed Sandro's name and held on his wrist but he just casually look at her.

They were doing a body language na sila lang ang nagkakaintindihan. Do they talk behind my back? Plano ba talaga nilang ipakita sa harap ko na magkasama sila? After all the surprises and efforts that he have showed and done for me? Wala lang ba lahat ng yon?

Don Leon clear a throat while the others are just waiting for Sandro's next statement.

Mabilis akong tumalikod. Ayoko ng marinig ang susunod nyang sasabihin. Tama na yung nakita ko. Ganon kasimpleng bagay ay masakit na para sakin.

Nakaka-isang hakbang pa lamang ako ng tawagin ni Mama Meldy ang pangalan ko.

Meldy: Samantha, hija. Saan ka pupunta?

Nag-aalalang tanong nya sakin. Pinakawalan ko ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan.

I met my grandfather's stare and he gave me a warning look.

Humarap ulit ako sa kanila at humingi ng paumanhin.

Samantha: I'm sorry po.

Stupid. Do I really have to apologize? Saan ba ako humihingi ng sorry? Sa pagpunta ko sa party na dapat ay hindi na lang? O sa kagustuhan kong maglaho sa harapan nila ng walang paalam?

Nakita ko ang makahulugang tingin ni Mama Meldy kay Sandro pagkatapos ay sa akin. Wala sa sariling napatingin din ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin. I can't read what's on his mind. Bakit pakiramdam ko ay nawala ang mga tao sa paligid namin? Bakit parang kami kami na lang ang andito?

Leon: I think we have to go Mrs. Marcos.

Magalang na paalam ng lolo. He still respects the former first lady.

Meldy: Already? Hindi ba at kararating nyo lang?

Hindi umimik si Don Leon.

Tahimik lang na nakamasid at nakikinig ang mga anak ni Mama Meldy pati na rin ang mga apo nya. Maging sila tito Bernard at Ran ay hindi kumikibo.

Meldy: Don't you guys think it's a double celebration? Sooner or later, one of your apo will be part of our family. Hindi ba't magandang balita iyon, Leon?

Chasing Dreams (Book 2)Where stories live. Discover now