Sariwa pa ang memorya ng kahapon
Sa lugar na aking binabagtas ngayonMalinaw sa 'kin na ang araw ay natapos
Nang hindi tayo nagkakaayosSinubukan kitang habulin.
At yakapin ng mahigpit na mahigpit.
Ngunit tulad pala no'n ay kung paanong kay tagal ko nang nalagyan ng tanikala ang sarili.
Mahigpit kong itinali sa akin isipan.
Ika'y mananatili na aking kaibigan.Nagtago ang araw upang ang buwan ang maghari sa pang gabing kalangitan
Umaasa na pag gising ng haring araw
Walang magbago sa nakasanayan
Sana'y manatili ka at hindi bumitaw.
